Chapter 3

1164 Words
Luna “Kapitan, napasyal po kayo?” Tanong ni nanay kay Christian. Wala itong kasamang mga body guard o kahit naba isa sa kanyang mga kagawad. “Pasensya na po Aling Linette sa biglaang pagbisita” sagot naman nito. “Tuloy po kayo” alok ni nanay. Pumasok ito sa bahay saka naman ako inutusan ni nanay na magtimpla ng kape. Habang nasa kusina ako, naririnig ko ang kanilang paguusap dahil hindi naman kalayuan ang sala sa aming kusina. “Naparito po ako para sana makausap si Luna. Aalukin ko po siya sana ng personal” pagka timpla ng kape, agad ko itong iniabot kay Christian. “Tungkol saan naman po iyon?” Tanong muli ni Nanay habang ako ay nakamasid lang. Tumingin muna si Christian sa akin bago ito muling sumagot. “Mag reresign na po kasi ang sekretarya ko, personal ko po sanang aalukin si Luna na maging sekretarya ko pansamantala habang wala pa ulit akong nakukuha” nagulat naman ako sa sinabi nito. Alanganin akong tinignan ni Nanay saka ito sumagot. “Eh Kap, graduating na po kasi si Luna. Baka hindi niya magampanan ang trabaho niya” sagot ni Nanay. Nanatili lang akong tahimik. “Ahh, Pansamantala lang naman po Aling Linette. Kinailangan lang po ngayon lalo at mag eeleksyon. Sisiguraduhin ko pong hindi ito makakaapekto sa pagaaral niya” sagot muli ni Christian. Napatingin sa akin si Nanay tanda ng paghihintay nito sa sagot ko. Ngunit wala akong maisagot pa dahil alanganin din ako sa hiling nito. “Huwag kang magalala, meron ka namang makakasama. Sisiguruduhin kong hindi makakaapekto sa pagaaral mo ito” baling sa akin ni Christian. “Ah, Kap, pwede ko po bang pagisipan muna?” Sagot ko dito. “Sure, sure. Sige pagisipan mo muna” saka ito may kinuha sa bulsa at iniabot sa akin. “Here’s my calling card, incase magbago ang isip mo, tawagan mo lang ako” sabi nito habang inaabot ang isang piraso ng papel. Inabot ko ito saka tinignan. “Sige po” tumango naman ako. Di rin nagtagal at nagpaalam ito. Ngunit bago ito tuluyang makaalis, binalingan ako nito muli. “Sana mapagbigyan mo ang alok ko” tumango lang ako saka ito tuluyang umalis. “Sa dinami dami naman ng pwedeng pumalit bilang sekretarya bakit naman kaya ako ang naisip niya?” Tanong ko sa nanay habang tinatanaw namin ang pag alis ni Christian. “Dahil siguro tiwala siya dahil girlfriend ka ng kapatid niyang si Tristan” sagot naman ni Nanay. Posible naman, maaaring ganun din. Kung ano man ang dahilan niya, hindi ko alam. Ikokonsulta ko rin muna ito kay Tristan bago ako mag desisyon. Maaga akong nakatulog ng gabing iyon dahil kinabukasan, araw ng defense ng thesis namin kaya naman inaral ko rin ang ginawa saka natulog. Ngunit nagising ako sa ingay na nangyayari sa labas ng kwarto ko. Bumangon ako at pinakinggan kung anong ingay iyon, umuulan pala ng malakas sa labas. Lumabas ako sa kwarto at nadatnan ko nga si Nanay at Tatay sa sala. “Bakit po nay, tay?” Tanong ko. “Nasira ang bangkang gagamitin ng tatay mo sa pangingisda dahil sa bagyo. Problema ito, walang magagamit ang tatay mo” dama ko sa boses ni Nanay na hindi lang iyon simpleng problema kundi malaking problema dahil sa pangingisda at panghuhuli ng pusit lang ang pinagkakakitaan ng mga ito. “Huwag mo nang intindihin iyon, eextra na lang ako kay Pareng Elmer sa palengke para may kitain pa rin” sagot naman ng Tatay Manuel ko. “Hindi sasapat yun mahal, graduating na ang anak natin sa kolehiyo” natahimik ang tatay maging ang nanay. Saka ko biglang naisip ang alok ni Christian. “Tatanggapin ko na lang po ang alok ni Kapitan nay, para makatulong na din sa pang gastos natin” sagot ko dito. “Sigurado kaba anak? Baka mahirapan ka” sabi naman ni nanay. “Nangako naman siyang hindi maaapektuhan ang pagaaral ko eh kaya tatanggapin ko na rin ang alok niya para po makatulong din sa inyo” lumapit si Tatay sa akin at hinawakan ako sa kamay. “Salamat anak” sabi ng tatay. “Para sa inyo po tay, wala po iyon” ngiti naman ang sinagot ko dito. “O siya, sige na at bumalik kana sa pagtulog, maaga pa ang pasok mo bukas. Mapupuyat ka niyan” sabi ng nanay, anong oras na nga ba? Pagtingin ko alas dos pa lang pala ng madaling araw. “Sige po nay” binalingan ko ang mga magulang at nagmano tanda ng pag galang saka ako pumasok sa kwarto. Pagpasok ko sa kwarto, hinanap ko sa bag ko ang calling card na iniabot ni Chrsitian sa akin. Nag desisyon na akong padalhan na ito ng mensahe ngayon para bukas ng umaga ay mabasa na nito. Me: “Kap, paensya na po sa abala at magandang umaga po. Si Luna po ito. Tinatanggap ko na po ang alok niyong trabaho. Maraming salamat po sa alok niyo” binasa ko muna ulit ang mensahe ko saka ko ito pinadala. Tinabi ko sa gilid ng kama ang cellphone ko saka ako muling bumalik sa tulog. Ngunit di nagtagal, narinig kong tumunog ang cellphone ko. Tanda na may nagpadala ng mensahe. Binasa ko ito. Christian: “Hi Luna, this is Christian. I just received your message and I’m so happy that you accepted my offer. You don’t have an idea how happy i am na ito ang nabasa ko. Thank you so much” Napaisip ako sa reply nito. Ang weird naman ng reply niya. Ganun ba talaga sobrang kahalaga at ganito ang nasabi ni Christian? Tama ba ang desisyon ko? Di kaya ako mahirapan sa pagaaral at pagta trabaho ng sabay? Muli isa pang mensahe ang natanggap ko mula ulit kay Chrsitian. Christian: “I know it’s too late but are you still awake? Can i call you? To give some instructions lang” sabi nito sa text message. Wow, hindi pa ako nagsisimula parang overloaded na ang work ah. So hanggang madaling araw pala nagtatrabaho pa ito? Oh my God. Me: “Sige po Kap” Di nga nagtagal, natanggap ko ang tawag ni Chrsitian. “Hi, sorry to bother you. By the way, thank you so much sa pag accept ng job offer ko” sabi nito sa kabilang linya. “Ahh, wala yun. Kinailangan din kasi, nasira ang bangka ni Tatay eh” sabi ko naman. “Ah ganun ba? Sige hindi ko na pagtatagalin pa, punta kana lang sa opisina ko bukas after school para sa job instructions ah” sabi nito. “Sige na sleep kana ulit. Goodnight Luna” nagulat naman ako sa tono nitong malumanay ngunit hindi ko na binigyan pa ng kahulugan. “Sige po Kap, thank you. Goodnight din po” saka ko pinatay agad ang tawag bago pa ito muling magsalita. Tinignan ko ang cellphone saka ito tinabi sa gilid ng kama at nagtuloy sa pagtulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD