Chapter 4

1062 Words
Luna Gaya ng pangkaraniwang araw, dinaanan ako ni Tristan upang magsabay kami sa pagpasok sa eskwela. Nagpaalam kami sa aking mga magulang saka kami tumuloy sa sakayan. Nabanggit ko nga rin dito ang ginawa ni Christian na pagbisita ng personal sa bahay. “Nabanggit niya naman sa akin na gusto ka nga daw niyang kuning sekretarya pero ang sabi ko ay naka depende iyon sayo” sagot naman ni Tristan. Napatango tango ako, alam naman pala ito ni Tristan, binigay lang niya sa akin ang desisyon at hindi siya pumagitna sa alok ng kanyang kapatid. “Kinailangan kong tanggapin ang alok ni Christian babe, nasira kasi ang bangka ni Tatay. Mahihirapan sila lalo pa at madami ang kailangan natin sa school. Para makatulong na rin sa kanila” sagot ko naman dito habang magkahawak kamay kaming naglalakad papasok na sa aming eskwelahan. “Basta kapag pinapahirapan ka ni Christian, sumbong mo lang sa akin ah” tinignan ko ito ng nakangiti. Mula noon hanggang ngayon, ganyan na talaga niya ako ituring. Para bang palagi akong safe kapag kasama siya. May isang pagkakataon pa nga nung mga high school pa kami, may isang lalaking nangungulit sa akin. Dalawang beses niya akong pinuntahan sa room kahit na nga ba sa lower section ito. Wala daw siyang pakielam kung boyfriend ko si Tristan basta manliligaw daw siya. Sinabi ito nila Risa at Nelly kay Tristan ngunit noong una ay wala itong reaksyon hanggang sa nalaman kong nag drop na pala sa school yung lalaking paulit ulit na nangungulit sa akin. “Pinuntahan ng grupo nila Tristan at Tonet ang room ng lalaking nangungulit sayo, pinagbantaan kaya mula noon hindi na siya pumasok” balita sa akin ni Risa. “Ano?? Bakit?? Kawawa naman yung bata” sagot ko naman na hindi ko alam kung makokonsensya ba ako o maaawa dun sa batang lalaking palagi ako pinupuntahan sa room. “Mayabang din daw sabi ni Tonet kya nainis din sila” napailing iling na lang ako sa nangyari. Walang kwento na lumabas sa bibig ni Tristan, kung hindi pa sinabi ni Risa ang nangyari, hindi ko pa malalaman kaya naman sinawalang bahala ko na lamang ang desisyon ni Tristan na huwag niya itong banggitin sa akin. “Girls, I can’t be with you this lunch time ah. I have some important things to do kasi eh. Bye girls” dagling paalam ni Joan na agad din nakapagpabalik ng ulirat ko. Habang tulala ko itong tinitignan palabas, saka ako biglang natauhan at may naalala. “Joan” sigaw ko dito. Agad din naman itong tumingin na sinamahan pa ng paghawi ng buhok sa kanyang kaliwang leeg. Ipinuwesto pa niya ang kanyang balakang na akala mo isang fashion model na nagpose. “Yes besh?” Sagot nito sa isang matinis na tono. “Pupuntahan ko pala si Kapitan mamaya, papasok kasi akong sekretarya niya pansamantala. May gusto ka ba ipasabi?” Nanlaki ang mga mata nito at dali daling nagtatakbo palapit sa akin. “Oh my gosh, oh my gosh, is it for real?” Sagot nito. “OA mo ah, maka react ka naman parang kikitain ka na niya” ismid na sagot naman ni Nelly dito. Ganito lang talaga si Nelly, nature na niya ang patulan palagi si Joan lalo kapag nagpapaarte ito. “Shut up” sagot naman ni Joan dito na sinamahan pa ng pagirap. Sinagot din naman ni Nelly ang irap nito ngunit ang huli ay ibinaling na sa ibang lugar ang mata. “Ano ba gusto mo ipasabi?” Tanong kong muli dito. “Ahm, ayain mo siya. Labas tayo. My treat” sagot naman ni Joan. “Hindi ko sigurado kung tama yang ideya mo pero sige susubukan ko” sagot ko naman dito. “Ayiiieee thank you thank you thank you, i love you na talaga” sinamahan pa nito ng pagtatalon at pagyakap hanggang sa muli itong magpaalam. “Arte talaga” sagot naman ni Nelly ng makalayo na si Joan. “Ano ka ba, hindi ka na nasanay dun” baling ko naman dito habang hinahanda ang mga gamit ko. “Kahit kailan hinding hindi ako masasanay dyan noh, ewan ko nga ba sayo bakit nagta tyaga ka dyan eh nandito naman ako, tunay mong kaibigan. Hindi katulad niyang kaibigan ka lang pag may kailangan” mahabang litanya ni Nelly. Sa isang banda, may punto rin naman si Nelly. Nagumpisa lang naman itong lumapit sa amin noong minsang makita niyang kasama namin si Christian noong panahong unang termino nito sa pagtakbong Brgy Captain. Tinulungan namin ito sa kampanya kaya nagkaroon ng pagkakataong makilala namin si Joan dahil kung minsan ay nagpupunta kami sa bahay nila bilang kapartido ni Mayor si Christian sa politika. Mula pa noon ay ka eskwela na namin si Joan at mas lalo pa itong nalapit ng malaman niyang Boyfriend ko ang kapatid ni Christian na si Tristan. Kahit na nga ba anong iwas namin ni Nelly sa kanya, wala kaming magawa dahil siya mismo ang lapit ng lapit sa amin kaya naman kung minsan naiinis na rin si Nelly dahil nga sa pagka spoiled brat nito. “Hayaan mo na siya. O sige na at didiretso pa ako sa barangay para mag report kay Kap. Uuwi kana ba?” Tanong ko kay Nelly. “Yes pauwi na rin ako, sabay na tayo. Ihatid na kita. Si Tristan ba?” Tanong naman nito. Oo nga pala, bakit nga ba wala si Tristan? Tinignan ko ang cellphone ko ngunit wala itong mensahe man lang. “Tara daanan muna natin” sumangayon naman si Nelly kaya nag desisyon kaming daanan si Tristan sa kanilang building. Habang naglalakad, nakita namin ang isang kumpol ng grupo malapit sa kwarto nila Tristan. Agad kaming nagkatinginan ni Nelly sa pagtataka. Narinig din namin ang grupo na malakas na nagtatawanan. May mga kababaihan at meron ding mga kalalakihan. Nang halos malapit na kami, may narinig kaming nagsalita. “Go Joan” sabi ng isang babae. Sabay kaming nagtaka ni Nelly. “Si Joan ba yung tinutukoy?” Tanong ni Nelly. “Hindi ko alam” sagot ko naman dito. “Tara, tignan natin” aya ni Nelly. Bago pa ako makatanggi, huli na dahil tila ba may isang utos ang nagpahawi sa grupo at iniluwa sa gitna si Joan na hinahalikan sa labi ang boyfriend kong si. . . “Tristan?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD