Chapter 5

1335 Words
Luna The last time we had a fight, that was when we are in 4th year high school. Matinding selos ang bunga ng pagaaway namin. There is a name Bianca from the same batch but in a different section na pilit nagpapa cute sa boyfriend kong si Tristan. I remember one day umalis sila ng mga kabarkada niyang si Tonet without my knowledge and then kasama pala si Bianca sa grupo. Sabi ni Tristan, hindi niya daw alam na nandun si Bianca. My point is alam naman niyang nag seselos na ako bakit pa siya lumalapit dun o hinahayaan niyang makalapit ang Bianca na yun sa kanya and he reason out na hindi naman siya ang lumalapit, si Bianca ang lumalapit. Pilit niya namang iniiwasan. That day, hindi ko siya pinansin for 1 week. Araw araw siyang nagpupunta sa bahay para suyuin ako pero hindi ko siya hinaharap until one day Bianca approached me. Siya ang nag explain para kay Tristan. She admitted that it’s her intention to join with the group because of Tristan, gusto niya mapalapit dito and yet Tristan ignore her. Despite that everything she do para pansinin ni Tristan pero hindi siya nito pinapansin, ni tignan man lang. Humingi rin ng patawad si Bianca sa ginawa at magmula noon, hindi ko na siya nakitang umaali aligid sa grupo lalo kay Tristan. “Fight for Tristan” sabi ni Risa. “Huwag mong hayaang magtagumpay si Bianca na maagaw ang boyfriend mo” dagdag pa nito. Mula ng sinabi ni Risa yun, natauhan ako. Pinuntahan ko si Tristan and i say sorry. “Sorry for not trusting you babe” i told him. He hold my hand and kiss it. “Ikaw lang ang mahal ko babe, ikaw lang ang babaeng nakikita kong makakasama ko habang buhay, wala nang iba. Remember that hmp” sagot naman nito. Tumango ako saka ko ito niyakap. “I love you babe” sabi ko habang nakayakap ako dito. “I love you more” sagot naman nito. End of Flashback.. Umalis si Rachel sa tabi ko habang dalawa kaming nakatingin sa malayo dito sa corridor ng school sa labas ng classroom namin. Nanatili lang akong nakatanaw sa malayo, blanko ang isip. Nandito pa rin sa isip ko yung imahe ni Joan at Tristan na magkahalikan. Naramdaman kong may humakap mula sa likuran ko. Hindi ko ito pinansin sa pagaakalang si Nelly lang ito na dinadamayan ako. Ngunit ng magsalita ito, nagulat ako nang malamang si Tristan pala ang yumakap sa akin. “I love you” bulong nito. Nagpumiglas ako upang makawala sa pagkakayakap nito ngunit mas lalo pa nitong hinigpitan ang yakap. “Sakin ka lang, wala ka nang kawala” sabi nito. Kaya naman tumigil ako sa pagmumumiglas at agad kong inalis ang kamay nitong nakayakap sa akin. “Babe” habol nito habang papasok ako sa classroom. Hindi ko pa rin ito pinapansin. Nakatanaw lang ito sa bintana ng classroom hanggang sa umalis ito. Tinignan ko si Nelly na nagmamasid lang sa akin saka ko muling binaling ang sarili sa harap ng pisara kahit ba wala pa naman ang professor. Nagpatuloy lang ang normal na araw ko. Hindi rin naman nagpaparamdam si Tristan kahit mag text man lang. “Parang siya pa yung galit, ni di man lang nagpaparamdam” bulong ko habang naglalakad kami ni Nelly papasok ng klase. “Baka naman bumubwelo lang” sabi naman ni Nelly. Nakasalubong din namin si Joan ngunit imbis na humingi ito ng tawad, taas noo pa itong sumalubong sa amin at tila ba nangirap pa. “Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng yun, ang sarap sabunutan” inis na sabi ni Nelly. “Hayaan mo na siya, kung siya ang gusto ni Tristan eh di fine, magsama sila” inis ko ring sagot. Ni wala man lang akong paliwanag na narinig kay Joan. Inaasahan ko pa namang siya ang unang magpapaliwanag dahil kaibigan ko siya at ni wala sa hinagap kong nagugustuhan niya pala si Tristan sa kabila ng pamimilit nitong makapagkilanan sila ni Christian. “Hmp, madapa sana siya tapos tumama mukha sa semento at mabarag, feeling disney princess puro retoke naman” inis na inis na sabi ni Nelly. Natawa na lang ako sa mga sinabi nito. “Saan mo naman nakuha ang punchline na yan?” Natatawa kong baling dito. “Ay basta, wag siyang makalapit lapit sakin baka magmukha siyang fiona sakin” sagot naman nito. “Tara na nga baka mahuli na tayo” nagpatuloy kami sa paglakad hanggang sa makarating kami sa loob ng classroom. Hanggang makapasok kami sa loob ng room, hindi talaga kami pinansin ni Joan. Tumabi siya sa isa namin ka klase at parang wala lang na nakikipag tawanan pa ito. Titingin tingin pa ito habang tumatawa na lalong ikinaasar ni Nelly sa kanya. Naiiling naman akong napaupo na lang sa pwesto ko saka ko inilabas ang cellphone, sinilip ko kung may mensahe ba si Tristan ngunit hanggang ngayon, wala pa rin itong pinapadala kahit anong mensahe man lang. “Ni hindi man lang mag good morning” bulong ko. “Sa ginagawa mo para mo na ring sinabing hindi mo na ako mahal” naiiyak kong bulong habang tila maguumpisa nang bumagsak ang luha ko. Napasinghot ako na narinig ni Nelly at agad akong dinaluhan. “Ok lang ako” sagot ko dito. Bago pa ito magsalita, saktong dumating na ang professor namin kaya naman nawala na rin ang isip ko kay Tristan hanggang sa magsimula na itong magturo. Sumapit ang tanghalian, halfday lang ang klase namin kada miyerkules at biyernes kaya naman didiretso na ako sa barangay para sa pagsisimula ng trabaho ko kay Christian bilang sekretarya niya. Ngunit habang nagliligpit ako ng mga gamit, narinig kong may mga nagtitilian sa labas ng classroom, at may naririnig akong nagtitipa ng gitara. Lumingon ako ngunit wala akong nakita kaya naman nagpatuloy lang ako sa ginagawa. “Luna” sigaw ng classmate kong si Rachel. Si Nelly ay nauna na sa isang klase nito. Block sched kasi ang nakuha niya dahil working student din siya. “Oh bakit?” Sabi ko kay Rachel. Tinuro nito ang bintana ng room hanggang sa nakita ko si Tristan, nag gigitara ito at kumakanta ng kantang “Simply Jessie” ang theme song naming dalawa. Binukas ng isang kaklase naming lalaki ang pintuan ng kwarto hanggang sa nakapasok si Tristan kasama ang ilang ka grupo niya sa loob ng room. “Stars that glisten Lips for kissin ' Honey listen it’s true No one ever loved you better I love ya honey I love you I love you I love you I love you I love you” “I love you so much babe” isa isa ring iniangat ng mga kabarkada ni Tristan ang plakard na may nakasulat na “I’M SORRY LUNA” Tinignan ko lang ito saka nito iniabot ang gitara sa isang kabarkada niya. “Babe im sorry please, hindi ko alam na gagawin ni Joan yun. It’s a part of initiation sa group nila. Nagulat lang din ako sa ginawa niya” sabi ni Tristan. “Eh bakit parang na enjoy mo?” Sagot ko naman dito. “Tinulak kaya niya si Joan” sagot naman ng isang barkada ni Tristan na si Isagani. Sabay sabay namang sumangayon ang iba pa. “That’s true Babe, i have no idea. I’m sorry na please. I miss you” hinawakan nito ang kamay ko saka nito hinalikan. Tinignan ko naman ito at pinakiramdaman kung sincere ba ito sa sinabi. “Please forgive me, please” nakakainis bakit nami miss ko rin siya. Sa mga oras na to, gusto ko itong sunggaban ng yakap sa sobrang pagka miss. “Oo na, sana huwag nang maulit” malakas itong napa “Yes” kasabay ng hiyawan ng mga estudyante sa paligid. Agad naman akong niyakap ni Tristan. “I love you so much babe” sabi nito. “I love you too” sagot ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD