Luna
“Oh ano, nahimasmasan kana?” Bungad ni Joan kinabukasan pagkapasok ko sa classroom. Tinignan ko lang ito saka ako umupo sa pwesto ko. Lumapit ito saka ako biglang niyakap.
“Sorry na besh, utos lang kasi sakin yun” sabi nito habang nakayakap. Tinignan ko naman ito at tila nag puppy eye pa. Napabuntong hininga na lang ako.
“Oo na, sorry kasi na judge kita” sagot ko dito. Ngumiti ito at saka hinigpitan pa ang pagkakayakap sa akin.
“Lunch tayo mamaya, my treat” sabi nito matapos kumalas sa pagkakayakap. Ngumiti naman ako.
“No need, ok na yun. Tsaka didiretso ako sa barangay after ng class. May pinapagawa si Kap. Christian para sa campaign.” Sagot ko naman.
“Hmmpp kung ganun, sama na lang ako” tinignan ko lang ito nang naiiling.
“Please” napatango na lang ako sa kakulitan nito.
“Yehey, later ah” sabi nito saka tumalikod at naglakad palayo. Ngunit bago ito tuluyang makalayo, bigla ako nitong binalingan.
“Infairness, ang sarap ng lips ng jowa mo” saka ito pilyang nagtatatakbo palayo.
“Nakakainis, ako lang dapat ang humahalik sa boyfriend ko. Kainis” muryot na bulong ko sa sarili.
“Oh, ano naman binubulong bulong mo dyan?” Biglang sulpot si Nelly sa tabi ko na ngayon ay kararating lang.
“Wala” sagot ko naman.
“Nakita ko si Joan na galing sayo ah, mukhang ok na kayo” nakita niya pala yun eh di ibig sabihin narinig din niya ang huling sinabi ni Joan. Tinignan ko lang ito.
“Oo narinig ko. Bruhildang yun naku sarap sabunutan” nanlumo ang balikat ko sa narinig. Makakadagdag na naman sa inis ni Nelly ito kay Joan.
“Luna” sigaw naman ng isang kaklase namin. Nilingon ko ito at nakita kong tinuturo nito ang bintana, nandun pala sa labas si Tristan. Pumasok ito sa loob ng room dala dala ang isang bouquet ng roses.
“Babe” sagot nito habang iniaabot ang mga bulaklak.
“Ano to?” Tanong ko naman.
“Roses for you babe. Roses for my one and only love” impit na nagtilian naman ang mga kaklase ko maging si Joan na ang laki din ng ngiti sa labi.
“Ano ka ba, bakit nagabala kapa?” Sagot ko dito.
“No babe, kahit kailan hindi ka naging abala sakin” saka isang halik ang dinampi nito sa pisngi ko. Yes, you heard it right. Kahit matagal na kami ni Tristan, never pa ako nito hinalikan sa labi in public. But even in private hanggang kiss at holding hands lang ang kaya naming gawin. Nagpapasalamat din naman ako sa pag galang nito sa akin. Ginagalang niya ang desisyon kong hanggang dun lang ang kaya kong ibigay. Handa daw siyang maghintay hanggang sa sumapit ang araw na pwede na.
“Thank you babe, i love you” sagot ko dito.
“I love you more” saka ito umayos ng tayo.
“Sige pasok nako sa room ko” tumango naman ako saka ito lumabas.
“Infairness talaga dyan sa jowa mo, ang sweet” sabi ni Nelly habang kinakalabit ang kanang tagiliran ko na ikinapaigtad ko naman sa huli.
“Ano ba, dika na nasanay. Ganyan talaga sya” yung ngiti sa labi ko para bang hindi kayang mawala. No room for sad face, nakangiti lang ako hanggang sa matapos ang klase at sumapit nga ang tanghalian. Tutal may ilang oras pa naman ang susunod kong klase kaya naman sumaglit ako sa barangay upang ipa revise sa opisyal na graphic artist ang campaign materials ni Kap. Di naman nakalimot si Joan at sumama ito sa barangay.
“Kuya Ed, pakipalitan daw po ng font itong layout sabi ni Kap. Wag na daw pong masyadong cursive. Kahit Arial font lang basta may highlight daw” dumiretso ako agad sa opisina ni Kuya Ed upang ibigay ang bilin ni Kap. Nakasunod din naman sa akin si Joan.
“Sige Luna, ako na bahala. I send ko na lang yung bagong layout sa email mo” sagot naman nito.
“Salamat Kuya Ed” nang makalabas na kami, nakasalubong namin si Mam Rina, ang campaign manager ni Kap.
“Good afternoon mam” bati ko dito.
“Luna buti dumating kana. Hinahanap ka ni Kap” napatingin naman ako kay Joan nang marinig ang sinabi ni Mam Rina. Bumakas naman sa mukha ni Joan ang ngiti.
“Sige po Mam, puntahan ko na lang po sa opisina” sagot ko naman.
“Sige, ingat kayo” nagpaalam ito saka lumakad palabas ng barangay hall. Nagulat naman ako ng biglang hablutin ni Joan ang braso ko saka ito nagtatatalon.
“Ihhhh Luna, kinakabahan ako shocks” tinignan ko lang ito saka napailing. Lumakad na ako papunta sa opisina ngunit pinigilan ako nito.
“Wait girl, mag reretouch muna ako” saka ito nagpalinga linga na tila ba may hinahanap.
“Halika na, sandali lang naman ang lunch time. Babalik din tayo agad sa school” sagot ko dito habang patuloy pa rin ito sa pagkataranta.
“Ok na yan, mag powder kana lang” sagot ko pa dito. Napatigil naman ito na tila ba nakarinig ng isang Good Idea.
“Yeah, wait, ahmm, aaahhhhrrr san ako magpa powder?” Sa matinis na tono pa nito. Ngunit bago pa ako mainis sa tinis ng boses nito, tinalikuran ko na ito at lumakad palayo.
“Luna wait” habol naman nito. Nilingon ko ito at nakita ko ngang nakasunod na rin ito.
“Luna” nagulat pa ako ng tila may madagundong na boses ang nagpalingon sa akin sa aking harapan.
“Kap” halos masapo ko ang dibdib sa pagkabigla.
“Andyan kana pala, kanina pa kita hinihintay” sabi nito. Di naman sinasadyang napalingon ako kay Joan na sinundan din ng tingin ni Kap. Sabay kaming napatingin kay Joan, na ngayon ay napatigil din sa paglalagay ng lipstick sa kanyang labi. Napatingin ito sa amin saka isang malaking ngiti ang sinalubong na tila hindi naman niya alam na may lumagpas na lipstick sa kanyang kanang pisngi.
“Hi” sabi ni Joan.
“Ahm, ehh, Kap si Jo..”
“Joan, anong ginagawa mo dito? May kailangan ba ang Daddy mo?” Natigil ang sasabihin ko nang dumiretso lakad na ito patungo sa pwesto ni Joan na ngayon ay hindi alam saan itatago ang hawak niyang lipstick.
“Huh, ahhmm, wala. Si Luna kasi inaya ako dito eh. Diba Luna?” Gulat na gulat ko naman itong binalingan.
“Ako? Ako talaga?” Sagot ko naman. Tumingin lang si Kap saka muling lumakad palapit sa akin.
“Let’s go to my office. Nice to see you Joan” napakaway na lang si Joan saka ako sumunod kay Kap papasok sa opisina. Bago pumasok, nilingon ko pa si Joan na nakasimangot habang nakatingin sa akin. Sinundan ko na lang agad si Kap upang makaiwas sa matalim na tingin ni Joan.