Chapter 7

1088 Words
Luna “Sumabay na kayo sakin pabalik sa school niyo” aya ni Christian matapos namin makapag usap ng tungkol sa mga pinapagawa nito sa akin patungkol sa kanyang kampanya. “Hindi na po Kap, makakaabala pa kami sayo” sagot ko dito habang naglalakad kami palabas ng opisina niya. “No, i insist. Papunta rin naman ako ng munisipyo ngayon” nadatnan namin si Joan na nakaupo sa labas ng opisina. Agad din itong tumayo ng makita kami ni Kap. “Nakakahiya po, ok lang naman Kap, may oras pa naman” sagot ko. “Mala late na tayo Luna” agad na sabat ni Joan. Tila ba naintindihan nito kung ano ang pinaguusapan namin. Nilingon ko lang ito na tila ba sinasabing pumayag na ako. Tumingin ako kay Christian. “Sige po, sasabay na kami” pag sang ayon ko. “Good, Mang Karding pakihanda na po ang service, aalis na tayo” baling nito sa kanyang driver na kasamang nagaantay ni Joan sa labas ng opisina. “Ok Kap” agad nitong itinabi ang tasa ng kape na iniinom saka dumiretso sa labas. Sumunod naman kaming tatlo. Habang nasa biyahe, wala ni isa man ang nagsasalita. Nakaupo si Christian sa passenger side ng sasakyan habang kami ni Joan ay sa likod. Si Christian na rin ang bumasag sa katahimikan. “Tanghali na rin, kumain naba kayong dalawa?” Tanong nito. “Mamaya..” “Hindi pa Christian, i mean Kap” agad na sagot ni Joan na nakapagpatigil sa sasabihin ko. “Kung ganun, kumain muna tayo. Kuya Karding, sa Kubo muna tayo” utos nito kay Mang Karding. Ang Kubo ay isang kilalang kainan dito sa aming lugar. Ibat ibang uri ng pagkain ang kanilang hinahain. Mayroong mga seafoods at mga Filipino food. Sikat na sikat itong lugar dahil na rin sa ambience nitong para kang nasa bukirin dahil ang mga kainan dito ay nasa gawang kubo talaga kaya din ito pinangalanang “Kubo”. Tinignan ko si Joan saka ko ito siniko. Napalingon naman ito sakin na tila nagsasabing ‘Please’ inilingan ko na lamang ito. Tumingin ako sa oras, sigurado akong mahuhuli na kami sa klase nito. Ngunit tila wala naman na akong magagawa kaya naman kinuha kona lamang ang cellphone saka nag padala ng mensahe kay Nelly. Me: “Girl, mala late ako ng pasok. Kakain lang muna kami” Agad namang nag reply si Nelly makalipas ang ilang minuto. Nelly: “Sino kasama mo?” Me: “Si Christian at si Joan” Nelly: “Huh? Bakit kasama mo yan?” Me: “Sumama eh” Nelly: “Tsk Tsk, sige na ako na lang magsasabi kay prof” Me: “Thank you” Nang itatabi ko na ang cellphone, muli itong tumunog. Siguro ay nag reply muli si Nelly. Ngunit ng tignan ko ang menshae, galing pala ito kay Tristan. Tristan: “Babe, where are you na?” Agad rin naman ako nag reply dito. Me: “Pabalik na sa school babe, kakain lang muna kami. Kasama ko si Christian tsaka si Joan” Tristan: “Saan kayo kakain?” Me: “Sa Kubo po” Tristan: “Ok babe, sunod ako dyan. Wala na kaming klase. May meeting ang mga prof namin.” Me: “Ok babe. See you” Tristan: “I love you babe, see you” Saktong itatabi ko na ang cellphone ko sa bag nang makarating na kami sa restaurant. Bumaba kami ni Joan sa sasakyan saka sumunod kina Christian sa loob. Marami rin ang kumakain sa mga oras na ito at marami rin ang bumabati kay Christian na kinakamayan naman nito. Sinalubong ito ng waiter at saka kami sinamahan sa kubo na pang animan ang pwedeng maupo. Inalalayan ako ni Christian na makahakbang sa sahig ng kubo habang si Joan ay inaalalayan naman ni Mang Karding dahil sa medyo elevated ang sahig nito sa lupa. Nang makaupo sa tabi ni Joan, tinignan lang ako nito ng masama. Sinagot ko naman ang tingin nito na tila ba nagtatanong hanggang sa makaupo na rin sila Christian sa tabi ko at si Mang Karding sa tabi naman ni Joan. Kinuha ng waiter ang mga order namin. Nahihiya pa akong umorder kaya naman isang putahe ng ulam na may kasamang rice lang ang inorder ko. “Yun lang ba ang kakainin mo Luna?” Tanong sakin ni Chrsitian. “Ahh, opo ok na to. Hindi pa naman ako gutom” sagot ko dito. “Samahan mo na nang halo halo, Mang Karding gusto mo rin ba halo halo?” Baling ni Christian kay Mang Karding. “Sige Kap, salamat” sagot nito. “How about you Joan?” Baling nito kay Joan na tila ba parang nagulat pa at halos hindi makapagsalita. Siniko ko pa ito sa tagiliran. “Yes love, este Kap. I want you..i mean also” napatingin ako kay Joan na gulat na gulat habang si Christian naman ay tila ba nagtatanong ang itsurang napatingin din kay Mang Karding na ngayon ay tatawa tawa. Napailing naman si Christian saka binalingan muli ang waiter. “Ok, make it 4 halo halo. Thank you” tumango ang waiter matapos makuha ang order namin saka ito umalis. Muling tumahimik ang paligid. Naagaw ng tunog ng cellphone ni Chrsitian ang katahimikan na agad din naman nitong sinagot saka lumayo. Nagpaalam din si Mang Karding na magpupunta muna sa restroom kaya naman naiwan kaming dalawa ni Joan. “Goshhh, am i obvious?” Agaw pansin ni Joan habang ang tingin ay nasa gawi ni Chrsitian. “Oo” mabilis kong sagot. Ako ang nahihiya sa ginawa nito. “Oh my God, am i still pretty? Look at me? Do i need to retouch?” Maarteng tanong ni Joan. Napangiwi na lang ako ng pilit nitong kunin ang atensyon ko. “Ok kapa. Ok ka paba?” Baling ko naman dito. “Whatt??” Nalilitong tanong nito. “Ano ba Joan, masyado kang obvious. Kunin mo na kaya number niya or ayain mong mag date” inis ko namang baling dito. “You think so?” Napatapik ako sa noo. Hindi naman ako seryoso sa sinabi ko pero ewan ko ba dito, hindi ko kaya pagiging aggresive niya. Nagbalikan na rin sa upuan si Mang Karding at si Christian kaya naman napatahimik ulit si Joan. Dumating na rin ang order naming pagkain at nagsimulang kumain. Sa kalagitnaan ng aming pagkain, dumating naman si Tristan na agad kinahinga ng dibdib ko, sa wakas mawawala na ang atensyon ko kay Joan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD