Luna “Tristan ano ba, saan mo ba ako dadalhin?” Pilit na pagmumumiglas ko sa pagkakahawak ni Tristan habang patungo kami sa parking lot kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan. Nang marating namin ito, agad na binukas ni Tristan ang sasakyan kaya naman nagkaroon ako nang pagkakataong makawala dito. Agad akong tumakbo palayo ngunit nagawa akong habulin ni Tristan. Agad ako nitong binuhat at matagumpay nitong naipasok ako sa loob nang kanyang sasakyan. “Tristan ano ba” sigaw ko dito habang nagpupumiglas. Hindi naman ako pinansin sa halip, nilagay agad nito ang seatbelt sa akin. Nagtatakbo itong pumunta sa driver seat at matagumpay na napaandar ang sasakyan. Nai lock na rin nito ang pinto kaya naman wala na akong nagawa kundi ang maupo na lamang at maghintay sa susunod nitong gagawin. “

