“Good morning, Bella. Nasaan si Sir Kazimir?” tanong ko kay Bella nang makita siyang nasa front desk. Tumingin naman siya sa akin nang marinig niya ang boses ko. Hawak-hawak ko ngayon ang resignation letter at nakalagay roon na sa Lunes ang last day ko rito sa kompanya niya. Sana lang talaga ay pirmahan niya dahil hindi ko ito maibibigay sa HR kung hindi niya pipirmahan. Supervisor or owner kasi ang pipirma sa resignation at dahil wala ang supervisor ko ay si Sir Kazimir na lang. Wala naman na kasi akong rason para mamalagi pa rito sa kompanya dahil masaya naman na siya sa piling ng iba. Sana ay hindi niya ako pigilan sa desisyon kong ito dahil mas makakabuti rin naman sa amin itong dalawa. Ako na nga mismo ang lalayo para maipagpatuloy nila ang kung ano mang naudlot sa kanilang dalawa n

