Narinig kong tumunog ang main door ng Ice Cream Parlor at palatandaan iyon na pumasok nila rito. Hindi ko alam kung napansin nila kami pero nanatili akong tahimik na kumakain. Gusto ko na rin kasing umuwi pero nang maalala kong nakatira pala kami sa kaniyang condo ay agad kong sinulyapan si Linnea na ngayon ay nakakunot ang kaniyang noo. Alam kong naiinis ito ngayon dahil kay Kazimir pero wala kaming magagawa dahil sadiyang maliit talaga ang mundo kaya makikita at makikita namin sila palagi. "Tawagan ko na yata si Mommy na kunin na tayo roon sa New Zealand," bulong nito. Nasa ibang bansa kasi ang pamilya ni Linnea at pinili niyang manirahan dito sa Pilipinas dahil sa amin. Ayaw niya raw kasing malayo sa amin dahil mahihirapan daw siyang mag-adjust doon lalo pa at hindi naman siya pamilyar

