Chapter 13

1033 Words

Nagtagal kami sa Bar nang ilang oras upang hintayin si Eisley ngunit wala na yatang balak bumalik kaya napagpasiyahan na lang naming lima ang umuwi. Nawala na rin naman ang kalasingan ko pero si Mira na raw ang magda-drive dahil hindi naman siya nakainom at bawal din naman kaming mag-drive kahit pa wala na ang tama ng alak sa akin. Napagpasiyahan din naming tatlo na ihatid pauwi sina Azalea at Jewel dahil sa aming anim, sila ang pinakamaraming nainom. Paano ba naman kasi kaming apat? Mas madami ang pulutan kaysa ang pag-inom. Kaya nga mukbang na may kaunting alak ang nangyari kanina. Tahimik lang kami buong byahe hanggang sa maihatid namin sina Azalea at Jewel. Mabuti nga at may malay pa sila habang tinatanong namin kung saan ang address nila dahil hindi naman kami gaanong magkakilala pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD