Katahimikan ang namayani nang matapos naming malaman na buntis si Mira. Wala ni isang gustong bumasag ng katahimikan at patuloy na nilalantakan ni Mira ngayon ang seafoods na binili ko. Dahil hindi naman niya kilala ang lalaking nakabuntis sa kaniya, kami ang tatayo bilang katulong niya. Para saan pa ang pagkakaibigan naming apat kung hahayaan lang namin siyang magbuntis at maghanap ng cravings niya? Marami akong nababasa sa internet na mahirap daw talaga kapag cravings ng buntis. Walang pinipiling oras. Minsan umaga, minsan gabi, minsan tanghali naman. Hindi ko nga rin alam kung nakakakain ba nang maayos si Mira kung ganoon ang sitwasyon niya pero sabi naman niya ay hindi siya maselan sa ngayon. Sa aking pag-iisip ay agad akong nakarinig ng isang pamilyar na boses, “Bakit ba kasi tayo

