Nakarating kami sa bar nang walang imikan. Pagkatapos sabihin sa akin ni Eisley iyon ay nanahimik lang ako. Hindi ko kasi alam kung paano sisimulang ikuwento sa kanila ng buo at mas gugustuhin kong sagutin na lang ang mga katanungan nila. Nakapag-order na rin sila ng inumin namin at tahimik kumakain ng pulutan si Mira na ikinataka ko. Napapansin ko kasing hindi siya umiinom. Kanina pa siya kain nang kain sa pulutan namin. “Mira, uminom ka naman. Nag-mukbang ka naman na ng pulutan,” biro ko sa kaniya na ikinatigil niya. Nagulat din ang iba sa pagsasalita ko at hindi inaasahan na sisitahin si Mira. Hindi naman sa ipinagbabawal ko pero nakakapagtaka lang kasi talaga. Malakas kasi siyang uminom pero bakit hindi diya umiinom ngayon at puro pulutan lang siya? “Oo nga, Mira. Kanina ka pa nami

