Napalunok ako ng aking laway at sinubukang huwag maiyak. Hindi ito ang oras para umiyak. Kailangan kong maging matatag para sa relasyon na mayroon kami ni Kazimir. Pipilitin ko pa ring maging bulag sa nangyari kahit isinasampal na sa akin ang katotohanan. Napagdesisyonan kong lumabas muna kahit gabi na. Siguro ay dadaan muna ako sa isang Ice Cream Parlor para magpalamig ng ulo. Sabi nila ay nakatutulong ang ice cream o matatamis na pagkain kapag ikaw ay stress at iyon ang kailangan ko sa ngayon. Kinuha ko ang aking wallet sa living room at ang aking cellphone bago lumabas ng condo. Hindi ko naman na kailangang magpaalam sa kaniya dahil baka hindi niya rin lang ako papansinin kaya minabuti ko na lang na i-text ang kaniyang number. Bahala na kung hindi niya babasahin. Habang ako ay naglal

