Napahinga ako nang malalim habang nakatingin ngayon kay Mira. Balot na balot ang mukha ni Mira dahil ayaw niyang makilala siya ng kaniyang mga fans. Mabuti na nga lang din ay pinag-wig namin ito at binalot ang buong mukha niya para hindi siya makilala. Ngayon na ang araw na pupunta siya sa New Zealand kasama si Linnea. Mami-miss ko siya pero para sa kaniya rin naman ito lalo na at hindi naman safe ang Pilipinas para sa kaniya dahil pagchi-chismisan lang siya ng buong mundo. Niyakap ko siya nang mahigpit na agad naman niya akong niyakap pabalik, “Mag-iingat ka roon palagi. If ever na may time ka, kausapin mo lang kami dahil palagi namang open ang inbox namin.” “Oo naman! Huwag kang magsalita ng ganiyan dahil baka maiyak ako. Nagiging emosyonal pa naman ako," bulong niya na ikinatawa nami

