Kinabukasan ay inaya kami ni Rowan dahil birthday pala niya ngayon. Gaganapin daw ang kaniyang kaarawan sa mismong resort na pagmamay-ari niya. Wala naman daw masyadong tao dahil kamag-anak at mga kaibigan lang naman daw ang imbitado. “Kung gusto mo, Astrid, ayain mo rin iyong mga kaibigan mo para naman maging comfortable ka,” suggestion niya na agad namang sinang-ayunan ni Van. Nandito kasi ngayon si Rowan dahil gusto niyang ayain kami ni Van ng personal. Ayaw niya raw na ipahatid ang imbitasyon niya sa social media dahil baka ay busy kami. Mabuti na nga lamang ay day off ko ngayon. Medyo makakaiwas din ako kay Sir Jett dahil sa nangyari kahapon. “Welcome naman kayong lahat sa party,” saad ni Van. Wala na tuloy akong nagawa at agad na tinawagan ang mga kaibigan ko sa group chat namin.

