Hinila agad ako ni Kazimir at hinayaan ang mga tauhan niyang sumulpot na lang bigla kung saan. Nagtungo sila kay Sir Lev na ngayon ay nakahandusay sa sahig at tumatawa nang malakas. Bago ko pa man makita ang gagawin ng mga kasama ni Kazimir ay nakalayo na kami kung doon. Nagtaka naman ako nang makita kong maraming nakatingin sa amin sa hallway lalo na sa kasama ko na si Kazimir. Hindi ko alam kung paano siya napunta rito at nahanap kung saan ako dahil bigla-bigla na lamang siyang lumitaw at hindi ko pa naramdaman ang presensya niya. Ano ba ang nangyayari? Ang daming gumugulo sa isipan ko na gusto kong tanungin kay Kazimir pero walang lumalabas sa bibig ko dahil hindi ko napoproseso ang lahat. Ang tanging nasa isip ko lamang ngayon ay hinalikan ako sa leeg ni Sir Lev at muntikang gahasai

