Keira's Point of View
Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakahiga sa aking kama at sandaling sinulyapan ang gawi ni Eerah.
'Hays anong oras na pero tulog pa rin siya.'
Marahan kong hinaplos ang malambot niyang buhok. "Eerah, wake up. 3 hours lang ang binigay satin ni Daddy, kailangan na natin maghanda."
Nagmulat siya ng mata, inaantok pa. "Ate, pwede bang maiwan nalang ako rito? Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko eh."
"Why? What happened?" dinapo ko ang aking palad sa leeg niya. "Hindi ka naman nilalagnat. May masakit ba sayo?"
"Kasi ate-"
Natigilan kami nang pumasok bigla si Daddy, nakataas ang kilay sa aming dalawa.
"Eerah! Keira! Didn't i told you earlier that we'll be having a dinner with your tita Elisse and her son's?!" pagtataas niya sa amin ng boses.
Hindi nakasagot si Eerah kaya naman pinagtakpan ko muna siya.
"Nakalimutan kong sabihin sa kanya."
"Ano?!" gulat na ani Daddy.
Hindi ko siya pinansin at bumaling kay Eerah. "Come on, Eerah. We still have 1 hour left."
Hinawakan ko ang kamay niya at patakbo kaming lumabas sa kuwarto na iyon.
Nang makarating kami sa kabilang kuwarto ay agad akong naghanap ng damit na babagay sa aming dalawa. Nakita ko ang floral dress na matagal nang gusto ni Eerah kaya naman ay mabilis ko na itong binitbit kasabay ng 6ft heels na sa tingin ko ay babagay rin sa kanya.
"Here, wear this dress." pag-abot ko sa kanya ng damit, sinuklian niya ako ng nagtatakang tingin at nagets ko naman agad ito. "I thought you like it. It's okay, I'll just pick something else."
Pinigilan niya ako gamit ang kamay ko nang umasta akong aalis. "No need, ate Keira. I'll wear it. G-gusto ko talaga ang dress na 'yan, It's just... I'm not too confident to wear it."
"Eerah..." binaba ko ang dress at heels at umupo sa tabing sofa. "You're beautiful. Hindi mo kailangang matakot i-judge ng mga tao dahil sa pananamit mo. Besides, this dress is not even revealing. And it's actually cute, just like you."
Pilit siyang ngumiti. "Thank you, ate Keira. S-sige na, mag-aayos pa tayo eh."
"Good luck, Eerah. I know you'll be the most beautiful girl at the restaurant later." i winked.
Pagkapasok ni Eerah sa dressing room ay agad naman akong pumili para sa sarili ko. Nabaling ang tingin ko sa isang sweater, mukhang maganda. Pwede ko itong suotin pagpasok ng school. Tumaas ang isang kilay ko nang makitang meron itong "Bautista" na nakalagay sa likod.
'Bagong brand ba 'to? Hindi familiar.'
Agad ko naman itong kinuha mula sa lalagyanan, at mabilis na nagbihis ng chiffon s***h neck white blouse top ruffles and a word skirt two-piece suit skirt.
Napatingin ako sa mga collection ng high heels at nabaling na naman ang atensyon ko sa isa, ito ang pinaka maganda rito kaya naman ito na agad ang pinili ko. Ang high sapatos na ito ay two strap platform heeled sandal with jewel embellshments and clear panel detail.
Maganda sa paningin at unique pa tignan. Kapansin-pansin ang ganda nito dahil sa disenyo.
Matapos naman magbihis ay agad naman kaming sumakay sa kotse ni Daddy, mabilis ang pagpapatakbo niya ng kotse dahil 30 minutes nalang ay late na kami sa dinner. Mabuti nalang at maaga rin kami ng 5 minutes na nakadating dahil hindi masyadong traffic.
To my surprise, wala pa si tita Elisse sa table namin at late na sila ng 10 minutes.
Sinulyapan ko ang nanginginig na si Eerah. "A-ang lamig, ate Keira."
"Paano yan? Naiwan ko sa kwarto iyong sweater na nakita ko. Hindi rin babagay sa suot mong dress kung nagkataon." saad ko.
"P-pero ate..."
"Sige, saglit lang."
"S-saan ka pupunta?"
"Maghahanap ng jacket." tanging naisagot ko bago umalis roon.
Nagtanong ako sa mga employees doon kung mayroon ba silang jacket na pwedeng bilhin ngunit hindi ako pinansin ng mga ito.
"Sige na po, bibilhin ko naman." sabi ko ngunit sa iba pa rin nakatuon ang pansin nila. "For five thousand pesos, take it or leave it."
Nabaling sakin ang mga tingin nila at ang iba naman ay nagsi takbuhan na tila naghahanap ng jacket. Nagulat ako nang mayroong magbigay sa akin ng jacket mula sa aking likuran.
"Here, it's free." namukhaan ko ang boses nito kaya napamawang ang labi ko nang makita ang lalaki sa school.
"T-topher?"
"The one and only." kindat pa nito. "Hindi kita namukhaan kanina, sobrang ganda mo."
"H-huh? Eh, paano mo nalaman na ako ito?"
"Buhok mo." mahina siyang tumawa. "Nakakahiya."
"Anong meron sa b-buhok ko?" nagtataka kong tanong.
"Magulo," tawa niya saka pinat ang ulo ko. "I'll go ahead, may family dinner pa kami eh."
"A-ah... sige,"
Nakangiti niya akong iniwan.
Grabe! Nakakalaglag panga!
Dumiretso ako sa loob ng restroom at sandaling inayos ang magulo kong buhok.
"Okay na sana eh," naiusal ko sa kawalan.
Sayang nga, hindi mala-teleserye ang pagkikita namin kanina. Bakit kasi nakalimutan ko pang suklayin ng maayos ang buhok ko?
Paglabas ko ng restroom ay agad naman akong dumiretso sa table namin. Laking gulat ko nang makitang may apat na lalaking kasama si tita Elisse. APAT?!
Napatingin ako sa pamilyar na lalaking nakasalubong ko pa kanina.
'H-hindi pwede 'to! Kapatid ko na si Topher?!'
Parang nalagutan ako ng hininga. Kung tutuusin ay mas matindi pa nga ito sa inaasahan ko.
'B-bakit ikaw pa? Bakit kayo pa sa dinami-rami ng tao sa mundo?'
Nabaling ang tingin ko kay Eerah, pati siya ay hindi rin makatingin sa apat na lalaking nasa tabi ni tita Elisse.
"Maupo na tayo." pag-utos ni Daddy.
Ang kaninang magandang ngiting bungad sa akin ni Topher ay napalitan ng ngiwi. Sumama pa ang tingin niya sa akin.
Napansin ko naman ang tatlo pang lalaki.
'H-hindi ba't sila iyong nambully sa amin kanina?!'
Habang kumakain kami ay hindi ko maiwasang mapasulyap kay Topher, at kapansin-pansin namang naiinis na rin siya dahil rito.
"So, how's your stay?" baling sa amin ni tita Elisse.
"Ayos naman po." si Eerah ang sumagot at sumama naman ang mukha ni tita Elisse.
Bumaling siya ng tingin sa akin. "Wala ka bang kailangan, Keira? Kamusta ang first day of school niyo? Is it good? Wala bang masamang nangyari?"
Sa dami ng tanong niya ay hindi ko na rin alam ang isasagot.
'Sasabihin ko bang binully kami ng magagaling niyang anak kanina sa school? Mga anak niya ba kung umasta ay parang pagmamay-ari na ang buong school.'
Dahil sa takot sa mga pamatay na sulyap na binibigay nila sa akin ay nanatili akong tahimik tungkol sa nangyari.
"Nothing." naisagot ko. "And I-it was good, naenjoy ko ang school dito."
Nakita ko namang nakahinga ng maluwag ang kambal. Habang ang isa namang may dilaw na buhok ay nakangisi lang. Si Topher, wala pa ring emosyon.
Natandaan kong ibigay kay Eerah ang jacket at napansin naman ito ni Topher. Akala niya siguro ako ang may kailangan noon.
Sa kalagitnaan ng pagkain ay biglang nagsalita si Topher.
"I need to go to the bathroom." naiusal niya.
Bago pa man makasagot si tita Elisse ay nakaalis na ito.
Marahan akong tumayo.
"Excuse me, i need to pee." pag dadahilan ko.
Ngumiti si tita Elisse. "Go ahead, hija."
"T-thank you."
Mabilis kong hinanap si Topher. Wala siya sa bathroom. Hinanap siya ng mga mata ko at dahil unique ang gwapo niya ay madali ko rin siyang natunton.
'Ano bang ginagawa niya sa labas ng restaurant?'
Dahan-dahan ko siyang nilapitan.
"Topher..."
"What are you doing here?" galit ang tono niya. "Leave me alone."
"Bakit ka ba sakin nagagalit? Hindi ko naman kasalanan na Daddy ko ang nagustuhan ng Mommy mo." naisagot ko.
"Shut up!"
"Ano bang dapat kong gawin para mapatawad mo ako? Okay naman tayo kanina, diba?"
"Do you really wanna know?" nag-iba ang tono nito.
He pulled me close to him aggressively. "Kiss me,"
"H-huh?"
"I said, kiss me."
Napapalunok akong nag-iwas ng tingin. "A-ano bang sinasabi mo?"
"Ayaw mo?" ngisi niya.
"Baliw kana."
Lumawak pa ang ngisi nito. "Baka nga." mas humigpit pa ang hawak nito sa akin.
He pulled me even closer to him. I can feel the tension between the two of us.
Our eyes crossed.
Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. He kissed my lips passionately.
Hindi ko namalayan na ang kamay niya ay kinukuskos niya na sa bewang ko.
Pagkatapos niya akong bitawan ay nanghina ang tuhod ko.
'A-ang first kiss ko!'
To be continued. . .