KABANATA 5

1195 Words
Keira's Point of View Hindi nawala ang tingin ko sa lalaking iyon. He look so good. Para siyang isang prinsipe, at malabong mapansin ako ng isang katulad niya. Ngunit nandito siya ngayon, pinagtatanggol kami sa mga studyanteng bored na bored kaya nang bubully. "Topher! What are you doing?!" usal ng lalaking nabangga namin kanina. Alam kong siya iyon dahil magkaiba ang ayos ng buhok nila ng kambal niya. "You supposed to be–" "On your side?" Topher raised a brow. Ngumisi siya at ang astig non tignan sa kanya. "Why would i? Hindi ko kayo kaugali," "What?!" singhal nito at umastang lalapit sa lalaki ngunit inawat na siya agad ng kambal niya. "What do you mean?" tanong naman kay Topher ng kambal ng lalaking nabangga namin kanina. "I mean, I am not on your level." Ganon nalang kalakas ang tensyon sa pagitan ng tatlo, nagsibulungan na ang mga marites na estudyante sa gilid at agad naman itong binasag ng lalaking may dilaw na buhok. "Come on," ngisi niya. "You got to be kidding us, Topher." "Of course... I'm not," sagot nito at saka tumalikod at umastang aalis na. "Next time, make sure na ready ang script niyo. Wala kasi kayong masagot pag ako na ang kausap niyo," Muli siyang nagbaling ng tingin sa 'min saka siya nakangising umalis. Pagkaalis niya ay agad ko nang hinila si Eerah para makaalis na rin sa lugar na iyon. If i only knew this will happen, kahit malipasan pa ako ng gutom, sa labas kami kakain! Sandali kong sinulyapan si Eerah para icheck kung okay lang ba siya ngunit bigla siyang namutla. "Bakit?" hinawakan ko ang kamay niya dahilan para bumalik siya sa reyalidad. "Ayos ka lang ba?" "A-ah yes ate, a-ayos lang po ako." rinig ang kaba sa boses niya. Sa tabi ng classroom nila Eerah kami kumain dahil wala namang ibang tao doon kaya naman mabilis rin namin naubos ang pagkain namin. Napatingin akong muli kay Eerah. Parang may hinahanap ang mga mata niya sa paligid. Kapatid ko siya, sa sobrang close namin alam ko na kung bakit ganito nalang kalungkot ang awra niya. "Dissapointed ka ba?" pag tatanong ko rito. Napapalunok siyang nagtaka. "P-po?" "Crush mo 'no?" "Ate.." Mahina akong tumawa. "Eerah, ate mo ako. Kilala kita, alam kong marupok ka pagdating sa mga lalaking pasok sa standards mo." Nag-iwas siya ng tingin dahilan para mas lalo pa akong matawa ng mahina. "You can tell me anything, Eerah. I'm your sister, I'm always here for you." "Of course not!" irap niya sa hangin. "Ate, wala siyang modo! I don't like boys like him!" "Defensive, ah?" Umirap nalang siya sa hangin saka mabilis na pumasok sa loob ng kanilang classroom. "Eerah!" pagtawag ko sa kanya ngunit hindi na siya lumingon pang muli. Halatang naasar siya sa sinabi ko kaya hinayaan ko nalang. Papasok na sana ako ng classroom ko nang makasalubong ko na naman yung lalaki kanina. Nilagpasan niya ako ngunit tinawag ko pa rin siya. "Thank you!" Nagtataka siyang nilingon ako ngunit napangiti rin siya nang makitang ako iyon. "You're welcome." ngiti niya sakin. Dahan-dahan siyang lumapit sa gawi ko at inilahad ang kanyang kamay. "I'm Topher by the way, how about you?" "K-keira," napapalunok kong sagot. "Keira Gwy Mon-" Naputol ang sasabihin ko nang mag ring ang bell. Takot na takot akong umapak papatalikod sa classroom namin habang siya ay chill lang. He smiled once again. "Nice to meet you, Keira." tumango siya saka dahan-dahan na lumakad paalis. 'Grabe ang dating niya.' "Ms. Montes," tinaasan ako ng kilay ng teacher. "Go back to your seat, nag ring na ang bell." "Yes, ma'am." Eerah's Point of View Inaantok akong tumango nang tanungin ako ng teacher kung ako ba ang transferee at mahina naman itong natawa. "You look so tired, Ms. Montes." ngiti nito, napakamot na lamang ako sa ulo. Sandaling luminga-linga ang Guro sa loob ng classroom namin, mukhang may hinahanap. "Wala parin ba si Mr. Nathan Reyes?" pag tatanong nito at wala namang sumagot sa mga kaklase namin. 'Ayon siguro iyong may magandang mga mata.' "Wala pa po," ako na ang sumagot at napatingin naman sakin ang ibang mga studyante. 'Ano bang problema nila?' Natapos nalang ang klase ngunit ni-anino ni Nathan ay hindi ko nakita. Ilang subject ang hindi niya pinasukan pagkatapos ng recess. Nang lumabas ng classroom ang Guro ay mabilis na akong nag-ayos ng mga gamit, nang bigla akong lapitan ng isang babae sa upuan ko. Isa siya sa mga babaeng humarang kanina. "Hey," paghingi nito ng atensyon ko. "I'm Penelope Iris Echavez," "H-huh?" Nilahad niya ang kamay niya sakin. "I said, my name is Penelope, I'm the supreme student council's Vice President." "Vice President ka pala?" namamangha kong sagot. 'Student Council Vice President pala tapos isa sa mga nambubully samin kanina." "Oh... ano ngayon?" taka kong naitanong sa kanya. "Bakit mo 'ko nilapitan?" "I would like to apologize for what happened earlier," sagot niya sakin, mukha namang sincere. "I mean it, i really do." "A-ah o-okay lang hehe." "Gusto mo bang sumama sa 'kin mamaya? Coffee tayo." tanong niya at tumaas naman ang isang kilay ko. "Don't worry, it's my treat. Pati na rin taxi fee mo." "Okay sana eh. Pero medyo busy kasi ako ngayon, hindi rin papayag si ate. Sorry ha," sabi ko, nanghihinayang man ay wala parin akong magagawa. Gusto ko silang maka-close pero magagalit lang si ate sakin. Sumama bigla ang mukha niya. Mukhang nalungkot siya sa sinagot ko. "It's okay, maybe next time I guess?" "S-sure," "Do you have IG account?" "A-ah oo," "That's cool, you can follow me. Where's your phone?" saad niya, inabot ko ang phone ko at agad naman niyang sinearch ang pangalan niya. PenelopeIris_ Pagkapindot ng follow ay agad niya na rin binalik ang phone ko sakin. "There you go." sabi niya at nagpalinga-linga. "I need to go, I'll see you soon," Wala pa mang isang kurap ay mabilis na siyang tumakbo papunta sa gawi ng mga kaibigan niya. Hindi ako makapaniwalang may kaibigan na ako. Totoo ba 'to? "Eerah," nagulat ako nang tawagin ko ni ate Keira. "May dinner tayo nila Daddy tonight with tita Elisse," "Nakauwi na pala si tita Elisse?" natutuwa kong sambit at umirap naman siya. "Eh, anong susuotin natin? Kailangan ba bongga?" "Ikaw," tanging naisagot niya. "Huh?" "Ikaw bahala kung anong susuotin mo," ngiwi niya. "Okay na ako dito sa school uniform." "Yuck, ate! Ang dugyot mo!" nandidiri ko siyang tinignan. 'Hindi ko rin maintindihan itong si ate eh, bakit ba pinapakisamahan niya pa si tita Elisse kung galit siya rito?' Ting... Ting... Napapa-pikit niyang binuksan ang cellphone niya at nagulat ako nang tila mangasim ang mukha nito. "What's wrong, ate?" takang-tanong ko sa kanya. Bumuntong-hininga siya. "Dad texted me, hindi normal dinner ang pupuntahan natin." "Huh? Paanong hindi-" "It will be a family dinner," irap niya sa hangin saka malalim na bumuntong-hininga. "Edi tayong apat lang, normal dinner nga." "It's a family dinner, Eerah." iba ang tunog non, naiirita na siguro si ate. "We'll meet tita Elisse's–" "Haaa? Mami-meet na natin ang mga anak ni tita Elisse?!" nakapamawang ang labi kong sabi. "Yes, we'll meet our stepbrothers," "Stepbrothers?!" To be continued. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD