KABANATA 4

1156 Words
Eerah's Point Of View HINDI ako mapakali sa upuan habang nag didiscuss ang Guro sa harapan. Sino nga ba ang kakayanin pang huminga nang maayos kung ramdam mo ang masamang titig ng katabi mo. Ramdam ko rin ang hininga niya, amoy mint in fairness. Nang matapos mag discuss ang mga Teacher sa harapan ay tumunog na ang bell, hudyat na tapos na ang klase at lunch time na ng lahat. Nag simula nang lumabas ng loob ng classroom ang iba ko pang mga kaklase. Lilingunin ko pa sana ang katabi ko pero wala na siya ron, inikot ko ang mata ko sa loob ng classroom pero natigilan kaagad ako nang mahuli niya akong umaastang hinahanap siya. Nagtataka niya akong pinagmasdan mula paa hanggang mukha. "Excuse me, Miss.. Bago ka ba dito?" "A-ah.. Oo," nahihiyang sagot ko rito. Nangunot ang noo ko sa pagtataka. Paanong hindi niya iyon alam, eh kakadating ko lang kanina. "S-sorry nga pala kanina," "Sorry? For what?" nagtataka man siya ay nakangiti pa rin ito sa 'kin. Napatakip ako sa bibig ko nang muling ibaling ang tingin ko sa mga mata niya. "Ang mga mata mo–" Pinag-kunutan niya ako ng noo. "Why? What's wrong with my eyes?" Hindi iyon ang matang natatandaan ko. Hindi ang mga matang iyon ang humaplos sa puso ko... Nagbaba ako ng tingin, nahihiya. "Mukhang alam ko na kung bakit," saad niya, mahina pa siyang tumawa saka inalayan ako ng kamay. "I'm Ethan Joshua Reyes, kapatid ko 'yung lalaking may magandang mga mata." "P-paano mo.." Hindi ko maituloy ang itatanong ko dahil sa hiya. "Hindi ito ang unang beses na napagkamalan akong si Nathan, hindi na rin ako nagtataka kung bakit, halata namang kambal kami." Natatawa siyang nag kuwento dahilan para mapatungo ako, hinihiling na sana isave ako ni ate Keira sa embarrassment. "By the way, hinahanap mo ba kung nasaan siya?" "Ha?! H-hindi 'no!" Matagal niya rin akong tinitigan, para niya akong sinusuri. Agad niya rin namang tinanggal iyon nang dumating si ate Keira at tawagin ang pangalan ko. "Okay then," ngumisi siya. "..if you say so." "Eerah, tara na," kakaiba ang tono na iyon ni ate Keira. Dahan-dahan ko siyang nilapitan at nanlilisik ang mga mata nito sa akin. Hinila niya ako palayo sa classroom. Naka crossed-arms niya akong hinarap. "At sino naman 'yung kausap mo kanina? Hindi ba't 'yon 'yung bumangga sa 'tin?!" "A-ate.. Chill lang, baka may makarinig sa 'yo." pag papakalma ko sa kanya. "Sagutin mo ang tanong ko, Eerah Lea!" "Hays.. Ate naman, wala lang 'yon.. At saka isa pa, hindi naman siya 'yung bumangga sa atin kanina," ngumuso ako nang inikot niya ang kanyang mga mata, hindi naniniwala sa sinabi ko. "..kambal niya 'yon, promise." "Whatever," pagtataray niya. Hinawakan niya ang kanang kamay ko at marahan akong hinila papunta sa cafeteria. "Anong gusto mo?" Hindi pa man niya nailalabas ang pera sa loob ng wallet niya ay agad na akong sumagot. "Ayoko dito, ang mahal kaya!" "Eerah," mas tumaas pa ang kilay niya. "I'm starving to death, at saka isa pa, pera ko naman ang gagamitin ko." Napa-busangot ako. "Ate, alam mo namang ayokong gumagastos ka para sa 'kin. At saka ang mahal ng bilihin, tipidin mo ang pera mo para sa projects." "Eerah, just this once," "No," "Eerah." sumeryoso ang boses niya. kaboses niya talaga si Daddy pag galit siya. "Sino ba ang ate sa 'ting dalawa?" "Ikaw," She smiled. "Hmm... and ako ang masusunod, got it? Umupo kana roon sa table natin." "Oo na, sige na nga." bitbit ang bag ko at ni ate Keira ay umupo ako sa table na may nakalagay na letter x. "Hays... diba mayayaman ang mga tao dito, hindi ba nila alam na vandalism 'to?" Inialis ko ang pagkakatitig ko sa x na yon at ibinaling ang tingin sa mga tao sa paligid. Bakit parang nakatingin silang lahat sa 'kin?Hindi naman sa pag fifeeling pero as in sakin sila nakatingin. NAKAKAHIYA! nag-iwas ako ng tingin at tinuon nalang iyon sa cellphone ni ate Keira para takasan ang tension. Ilang minuto na rin ang lumipas at hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung anong meron sa 'kin at hanggang ngayo'y nakatitig parin sila sa direksyon ko kahit pa na kumakain. Maya-maya pa ay dumating na rin si ate Keira dala-dala ang mga pagkain na binili niya. "Here's your lasagna, i know it's your favorite." she smiled at me. Isusubo ko na sana ang pagkain ko nang biglang magsalita si ate Keira, pati siya ay napansin na rin ang pagtingin ng mga tao sa direksyon namin! "That's weird." she said. "Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit sila nakatingin sa direksyon natin?" Tanong ko sa kanya at tawa lang ang nireply niya sa akin. "Ate!" "What?" puno ng pagkain ang bibig niya. "You're not listening!" ngumuso ako at sumenyas naman siya na tumigil. "W-why?" Pinunasan ni ate ng tissue ang bibig niya pagkatapos ay tumayo papunta sa likod ko. "What's wrong with you? Bakit ba silip kayo nang silip sa direksyon namin?" rinig kong saad niya. iniikot ko ang ulo ko sa kanan at nagulat sa nakita. Iyong lalaki kanina! kasama niya iyong kakambal niya na hindi maganda ang mga mata. "Ask yourself that, nerdy." sagot nung lalaking may magandang mga mata. "Puwesto namin 'yan." dagdag naman nung isa. "Hindi niyo ba nakitang may x dyan? Bulag ba kayo?" nakapamulsa ang mga ito na akala mo naman ay pagmamay-ari nila ang buong school. "Get out of our property or I'll call the guards." sabi nung lalaking may magandang mata. "I said get the f*ck out of our property, losers!" "Anong sabi niyo?!" galit na ang tono ni ate Keira. Napatayo agad ako at inawat siya. "Bakit?! Ha?! Sa inyo ba 'to?! May pangalan niyo?!" Natawa ang ibang mga studyante sa paligid. Namula na iyong lalaking may magandang mata. "Sorry ha? Sige, lilipat nalang kami." sambit ko bago pa man sila tuluyang magkasakitan. Hinawakan ni ate ang kamay ko. "Right, let's go. Hindi natin kailangang ipagpilitan ang mga sarili natin dito. Mayayaman nga ang mga tao sa school na 'to, pero karamihan sa kanila basura." ngumisi muna ito bago iayos ang mga dadalhin naming gamit at pagkain. Hindi pa kami nakakaalis ay agad na kaming hinarang ng isa pang lalaking may dilaw naman na buhok. Hindi ba siya nainform na kamukha niya si Son Goku. "Hey girls, seems like you're a little bit lost," kindat sa 'min ng lalaki. Akala niya siguro kina-cool niya ang pag iingles, mukha namang walang respeto! "Tabi!" sigaw ko rito at natawa naman siya. Binaling niya ang tingin kay ate Keira kaya naman nagtaka ako. "You look so familiar..." sabi nito kay ate Keira. "Have we met before?" "Yes," ngumisi si ate at sinamaan ng tingin ang binata. "Galing akong Hell, nakausap kita ron." "Huh?" "Hindi mo ba narinig ang sinabi ng kapatid ko?" irap pa niya. "Tabi nga sabi!" sinubukan naming makaalis ngunit napagiliran kami ng mga estudyante. Nag sama-sama ang amoy ng mga pabango nila. SAKIT SA ULO! NAKAKAINIS! GUTOM NA AKO! mag bebell na hindi parin ako nakakakain! Ano ba kasing trip ng mga 'to?! "Hindi ba kayo aalis? Sisipain ko kayo!" pananakot ni ate sa kanila, pero parang baliw na tinawanan lang nila ito. "Ang lalakas ng loob niyong mag transfer dito, mukha naman kayong mga basahan." natatawang saad ng isang babae na may kasama pang dalawang babae sa tabi nito. "Tama!" dagdag pa ng isang kasama nito. "You guys look like from squatters, scholar kayo 'no?" "My gosh, scholars are supposed to be nice, diba? The fact that you can be kick out once you guys made a mistake, even if it's just a simple mistake." gatong pa ng isa, maganda siya at kulot pa ang buhok. Kung tutuusin, pwede siyang girl crush ko, sayang salbahe pala! "Mayabang kayo for a scholar, I bet your baon is from the government pa." "Penelope is right," Napatingin kami sa kung saan na nanggaling ang boses na iyon. Isang matangkad na lalaki, natural black lang ang buhok pero bagay sa kanya. Naka full school uniform pa, at kahit pa ganon ay ang lakas ng dating niya! Napatingin ako kay ate Keira at pati ito ay nanghumaling sa maamong mukha ng lalaki. "Right about what?" the girl asked, yung isa sa tatlong babae. "Scholars can get kick out once na nagkaroon sila ng record sa Guidance," nakapamulsang sagot nito, nakay ate Keira ang tingin. Agad din siyang bumaling sa tatlong babae. "But scholars are smarter than an ungrateful rich kid like you. Now, do you expect our school to kick out students with beauty and brains just for a rich kid with no brain and not even beauty at all?" Pero hindi naman kami scholars. Napatingin akong muli sa lalaking may magandang mga mata, and this time, nakatingin na rin siya sa 'kin. Ang sama ng tingin, mangangain pa yata. To be continued. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD