KABANATA 3

1521 Words
Keira's Point of View NAPABANGON ako nang yugyugin ako ni Eerah mula sa pagkakahiga. "What's wrong with you? Gabing-gabi na.." mahinang sabi ko rito habang minamasahe ang sintido ko. Sandali niyang inikot ang mata niya sa paligid, saka niya ako dinapuan ng tingin. "Ate! Alam mo na ba?!" napaka laki ng ngiti niya at halos hindi ko na rin makita ang mga mata niya dahil dito. "Actually hindi pa, pero kung sasabihin-" pinutol niya ang isasagot ko. "Mag-aaral tayo sa Scarlet University!" Hindi ko malaman ang dahilan kung bakit tuwang-tuwa siyang doon kami lilipat. Ano bang special sa eskwelahan na 'yon? "Ahh, talaga ba.." naisagot ko na lamang sa kanya. Nawala ang liwanag sa mata niya, pati na rin ang napaka laki niyang ngiti ay bigla na lamang napalitan ng emosyong hindi ko matukoy-tukoy. "Ate, hindi mo ba alam?!" nag-iba ang tono niya, tinaasan niya ako ng kilay saka mahinang tumawa. "...mayayaman lang ang nakaka pasok sa school na 'yon! In short, madaming artista roon!" "Ano naman? Tao pa rin naman sila. At saka isa pa, kapwa nila mayayaman lang din naman ang mga kinakaibigan ng mga 'yon." Nakita ko ang biglang pag-ikot ng mata ni Eerah. Malalim akong bumuntong-hininga saka muling nagsalita. "Kung sa langgam, sila ang pula at tayo naman ang itim, hinding-hindi tayo magiging pula. Pinanganak tayong itim, mamamatay tayong itim," Sandali kaming binalot ng katahimikan sa loob ng kuwarto, na agad namang binasag ng isang katok mula sa pinto. Hindi ko alam kung wala bang disiplina ang mga tao rito, pero hindi pa man namin binubuksan ang pinto ay agad na siyang nakapasok sa loob. "Kamusta mga binibini? Magandang gabi sa inyo." sandali siyang tumungo. "Pinapatawag po kayo ni Miss Elisse, ihahatid na namin kayo sa kuwarto niya." hindi ko alam kung sino siya, at nakatitiyak akong hindi rin siya kilala ni Eerah ngunit sumama pa rin kami sa kanya dahil nabanggit niya si tita Elisse. Nang makarating kami sa kuwartong itinuro ng mga ito, ay iniwan na kami ng lalaking iyon. Pagkapasok sa loob ay agad na bumungad ang mga mamahaling mga damit, bag, sapatos, at school supplies sa 'min ni Eerah. Natuon kaagad ang pansin ko sa isang boots na may takong, ito ang uso sa dati naming school, pero hindi ako makabili dahil nagtatabi ako ng pera para sa mas importanteng bagay. Nakita ko sa peripheral vision ko si Eerah. Sigurado akong dumiretso siya sa mga bags, favorite niya kasi ang mga iyon. Noong kasama pa namin si Mommy, buwan-buwan niyang nireregaluhan si Eerah ng bags, pero dinonate ni Eerah ang mga iyon three years ago na ang nakalipas. "Wow! Ang ganda! Gusto ko ito, ate! Pangarap kong magkaroon ng designer bags! Pwede ba natin iuwi 'to, ate Keira?" Pilit na ngiti ko siyang hinarap. "Hindi pwede. Hindi naman sa 'tin 'yan. At isa pa, wala tayong pambayad kung sakali man." "Sayang naman.." bumusangot na lamang siya saka binitawan ang bag. "Don't worry, they're free." biglang salubong sa amin ng isang napaka gandang babae. Black lahat ng suot niya, black dress at black heels. "S-sino po kayo?" nagtatakang tanong sa kanya ni Eerah. "I bet you were both startled. My apologies, i'm your tita Elisse's childhood friend. She needs to go somewhere, so she told me to meet you guys instead." pagsagot nito, sandali niya akong tinitigan pero nanatili ang tingin niya kay Eerah. Kapansin-pansin din ang kaibahan ng ngiti niya kay Eerah kesa sa akin, mas malaki ang ngiti nito kay Eerah at mas genuine. "Do you guys like it? Don't worry, you can both have it since it's all yours naman at the first place. Your tita Elisse bought it right away after she found out na papasok na kayo bukas sa University. Though, she really didn't bought it herself, but she did asked someone else to buy it for you, which is also me." "Really? How can we make sure that you're telling the truth?" tinaasan ko siya ng kilay, hinihintay ang sagot niya. "You must be.. Keira? if I'm not mistaken," saad nito at marahan naman akong tumango habang masama ang tingin sa kanya. "No wonder, you got it after her." "What did you say?!" "Excuse me, miss, What on earth do you mean?" nag-iba ang pustura ni Eerah. "Akesha is also our childhood friend. Sadly, she died first," she laughed. Mas lalong tumalim ang tingin sa kanya ni Eerah, at pansin ko namang natigilan na siya roon. "Uhh.. I still have a lot of things to do-" may tinawagan siya sa cellphone at nag datingan naman ang anim na lalaki. "Sila na ang bahala sa inyo.. Good luck to your classes tomorrow. Have fun, kids.." Pagkatapos non ay iniwan niya na kaming dalawa ni Eerah. Nahuli ko rin siyang muling nagdapo ng tingin kay Eerah, may kung anong kakaiba ang sinasabi ng mga mata niya. Something's wrong with that woman... Sino ba talaga siya... Familiar ang mga mata niya.. Pero hindi ko matandaan kung saan ko ito nakita. "We should go sleep, Eerah.. Maaga pa tayo bukas." sambit ko bago tuluyang mahiga sa kama. Hindi siya sumagot kaya humarap ako sa kanya. "Hey, what's going on? Is there something bothering you?" Bumuntong-hininga siya. "Ate.. Do you think... I'm adopted?" "Of course not," natatawang sagot ko rito. "Seriously? Why are you thinking about that?" pabiro kong tanong sa kanya. "I don't know, naisip ko lang.." peke siyang tumawa. "..hindi rin naman kasi tayo magkamukha.. But still.. What if I'm adopted.. Sisters pa rin ba tayo?" "O-of course," nasamid ako sa sarili ko pang laway. "Don't overthink too much, baka mag-hang ang utak mo. Let's just.. go to bed instead, we need energy for tomorrow." Hindi ko maintindihan kung ano ang nasa isip ni Eerah at natanong niya iyon. Pero pagkatapos non ay sabay na kaming nakatulog. Eerah's Point of View "Here's your allowance, Eerah.." marahang inabot sa akin ni ate Keira ang perang nasa loob ng isang sobre. Ang kapal non, siguro lagpas ito sa limang libo. "Maaga akong nagising kanina kaya sa 'kin inabot ni Daddy." "Hindi ako nakakain nang maayos maayos kanina.. Pwede ba tayong pumunta saglit sa cafeteria?" pagpapaalam ko sa kanya. Inikot niya ang paningin niya sa paligid saka ito muling ibinalik sa akin. Tumango siya. "Let's go, we only have thirty minutes left." Naglakad kami papunta sa Cafeteria at nang makarating dito ay laking gulat ko nang makita ang presyo ng mga pagkain. Fifty pesos para sa isang bote ng tubig?! Pasimple akong lumapit kay ate Keira para bumulong. "Ang mahal ng bilihin dito, gawa ba sa ginto yung mga binebenta nila?" Natawa siya sa inibulong ko. "Nakikita ko nga. Bumili kana, para namang may choice ka pa." "Mauubos pera ko rito.." sagot ko. Bigla naman akong napangiti nang matandaan ang nakita ko kanina. "...may street foods sa labas! Tara! Let's go!" Narealize ko nalang na hila-hila ko na pala si ate Keira palabas ng school hanggang sa makarating kami sa may nagtitinda ng street foods. "Make it faster, Eerah. Male-late na tayo! We only have fifteen minutes left!" saad ni ate Keira habang nakatingin sa cellphone niya. Nang maubos ko ang sampung pirasong fishballs ay mabilis kaming pumasok sa loob ni ate Keira. At sa hindi inaasahan ay mayroon kaming nabangga. Napadapa sa sahig si ate Keira, ganon din sa lalaking nabangga namin. "What the f*ck! Don't you have eyes?!" galit na usal nito. Hindi ko inaasahang susuriin ko nang mabuti ang lalaking ito. Matangkad, Mabango, Mukhang mamahalin. Mukha rin siyang artista! Ang hindi kanais-nais ay iyong mga mata niya, napaka cold ng mga ito, walang kaemosyon-emosyon. "Hoy! Ikaw itong hindi natingin sa-" "Aish! I don't have time for this." iyon na lamang ang naisagot niya at mabilis na tumakbo paalis sa gawi namin. "A-ano?! Hoy lalaki! Bumalik ka rito! Hindi pa tayo tapos! Hoy!" pagsisigaw ni ate Keira. Tinulungan ko siyang tumayo roon. "Hayaan mo na. Nagmamadali ata.." "Ano bang akala niya-" "Let's go, we're both late. Kailangan natin pumunta sa registrar." Nang sa wakas ay makumbinsi ko siya ay umalis na rin kami roon ay nagtanong kung nasaan ant registrar. Sa tingin ko ay kilala na kami nito dahil napangiti ito kaagad pagdating namin. Narito rin ang ibang mga tauhan ni tita Elisse, sinamahan kami ng mga ito papunta sa kanya-kanya naming room ni Keira. "A-ah excuse me po.." pagkatok ko sa pinto ay napatingin kaagad sa akin ang guro. "Ikaw ba 'yung transferee?" "Y-yes po.." "Pasok, hija, welcome sa Class B." Tumayo ako sa harapan nang sabihin ng guro na magpakilala ako. "H-hello.. sa inyong lahat. I-i'm Eerah Lea Montes, seventeen years old. Mahilig po akong sumayaw, ayon lang po ang kaya kong gawin." Napapikit ako sa hiya, at laking gulat ko nang idilat ko ang aking mga mata ay siya agad ang nakita ko. Ayon nanaman ang walang kaemosyon-emosyon niyang mga mata. Nag-iisa ang mga matang iyon na wala pang isang oras kong pinagmasdan ngunit nanatili agad ang mga ito sa isipan ko. Dinagdagan pa ng kabog ng puso ko nang ituro siya ng guro namin. "You may take your seat.. uhh- beside Mr. Reyes," To be continued. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD