KABANATA 2

1796 Words
Keira's Point Of View BUMANGON ako mula sa pagkakahiga sa kama naming dalawa ni Eerah. Iisa lang ang kama naming dalawa. Hindi naman sa 'di namin afford bumili ng isa pang kama para sa 'kin, ayaw lang talaga naming mahiwalay sa isa't-isa. Nasanay na rin akong si Eerah ang unang hinahanap ng mga mata ko paggising ko sa umaga. "Ate Keira? Gising ka na ba?" rinig kong tanong ni Eerah mula sa labas ng kuwarto. Umiling ako at binuksan nya naman ang pinto ng kuwarto na may ngiti sa kanyang labi. "Mag hilamos ka muna, ate, naka-handa na lahat ng paborito mong pagkain sa lamesa." Umiling ulit ako saka pinisil ang magkabilang pisngi niya. "Thank you, Eerah. I love you so much," Lumaki pa lalo ang ngiti niya, pikit na rin ang kanyang mga mata. "I love you more, ate." I took a deep breath before entering the bathroom. I don't know why, pero grabe ang kabog ng dibdib ko ngayon, kinakabahan ako bigla, hindi naman ako uminom ng kape. I'm afraid something's going to happen to us today. Wala naman siguro akong sakit, pero may kakaiba talaga akong nararamdaman. Maingat kong binuksan ang gripo ng tubig at hinilamos iyon sa lahat ng parte ng mukha ko. At matapos ay agad akong bumalik sa kuwarto para ayusin ang buhok ko. Napangiwi ako nang mag ring nalang bigla ang cellphone ko at lumabas ang pangalan ng kaibigan kong si Leila. "Bakit?" mahinahon kong pamungad sa kanya. Narinig ko ang malakas nitong pag buntong-hininga mula sa kabilang linya. [ Hindi mo pa rin ba alam? ] "Huh? About what?" I sounded so confused. "What is it about, Leila? Ano bang dahilan ng biglang pagtawag mo, umagang-umaga oh?" [ Your Dad came here– ] Nangunot ang noo ko sa narinig. "Anong ginawa niya d'yan?" I asked and then i heard her sighed. "Sabihin mo na kasi, Leila. I have a lot of things to do!" [ Sasabihin ko na nga sana eh, you just interrupted me!!! ] she replied, i just know she rolled her eyes at that moment. [ heard your Dad, he told Uncle Ricky na aalis na daw kayo, and guess what? Ngayong araw! ] "Wait.. What?! No, that's not– What the hell, Eerah!" Pinatay ko agad ang tawag nang biglang pumasok sa loob ng kuwarto si Eerah. Naka-busangot ito at naka-baba lang ang tingin. "Problema mo?" mahinahon kong naitanong sa kanya. She smiled when she realized. Niyakap niya ako at halos hindi na rin ako makahinga sa sobrang higpit nito. "I'm glad you're here with me, ate Keira... Please, don't leave me whatever happens." Hindi ko siya sinagot at hinawakan na lamang ang malambot niyang mga kamay. Alam niya na rin ba, kaya ba siya nagkaka-ganito? I don't like it when Eerah's sad, nakakahawa ang mga emotions niya. "I'm sorry, ate." she suddenly apologized. Hindi ko rin sure kung bakit, ang alam ko lang ay malungkot siya, katulad ko. "I didn't know.. I'm sorry.. It's all my fault." "May bacon ka bang niluto?" masaya ang tono ko itong itinanong sa kanya at lumiwanag naman bigla ang mukha niya. "I'm starving.." "Ate Keira, dapat sinabi mo agad na nadagdagan na naman ang favorite mong pagkain, hindi tuloy ako nakapag luto ng bacon." Sagot nito, malungkot ang mga mata niya pero malambing ang tono. "Hayaan mo, madali lang naman 'yon lutuin, hintayin mo nalang habang kinakain mo ang mga naunang niluto ko," Papaalis na sana siya ng kuwarto nang hablutin ko kaagad ang malambot niyang mga kamay pabalik sa 'kin, pinipigilan syang umalis sa tabi ko. "No, wag na." i smiled and sighed. "Sabi ni Leila kinausap daw ni Daddy si Tito Ricky kanina, aalis na daw tayo ngayon." Hindi siya sumagot, pilit siyang ngumiti at saka ako yinakap nang mahigpit. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya. Nasa ganoon kaming posisyon nang biglang pumasok sa loob ng bahay si Daddy, kasama si tita Elisse. Umagang-umaga, mukha niya na naman ang bubungad. "Hey, girls!" masayang pagbati ni tita Elisse sa 'min. Labag man sa kalooban ay pinilit kong ngitian siya ng ilang segundo. "Naihanda niyo na ba ang mga gamit niyo?" "A-ah tita, hindi p-pa po..." si Eerah ang sumagot, nakababa ang tingin. pasimple ko siyang siniko at nagtaka naman siya. "Bakit naman? Ang alam ko, pinaalalahanan ko na kayo kagabi." Baling ni Daddy kay Eerah, salubong ang dalawang kilay. "Eh ngayon pa lang nga po namin nalaman na ngayong araw tayo aalis." irap ko sa hangin. "Ni-hindi pa nga po ako nakakaligo eh," Matalim na tingin ang ibinaling ni Daddy kay Eerah. "Didn't I tell you last night to tell your sister about it?!" "N-nakalimutan ko p-po.. Daddy.. Sorry po.." nakababa parin ang tingin niya. "Never mind," irap ni tita Elisse at saka naman pinapasok ang mga kasama niyang maid. "Sila na ang bahalang mag impake ng mga gamit niyo, hindi naman kayo same ng cabinet ni Keira, diba?" "A-ah opo..." Bumaling sa 'kin si tita Elisse. "You should eat your breakfast, then take a shower after." nakangiti niyang saad, saka bumaling naman kay Eerah. "Eerah darling, do you mind helping the maids prepare your things?" "S-sure, tita E-elisse." ramdam ko ang kaba sa boses ni Eerah. Sinunod ko ang utos ni tita Elisse, dali-dali akong kumain at matapos ay naligo na rin ako. Habang naliligo ay may kumatok sa pinto kaya dahan-dahan ko itong binuksan, at si tita Elisse ang dumungaw. Inilahad niya sa 'kin ang dress na binili niya para sa 'kin kahapon. "Wear this, I'm sure you'll look beautiful on it." Kunot ang noo ko itong tinanggap. "Thanks, I guess?" "The pleasure is mine," saka niya ako tinalikuran, at dumiretso sa loob ng kuwarto ni Daddy. Sinara ko ang pinto at muling tinitigan ang dress na iyon. Maganda nga, hindi bagay sa 'kin. Pero kahit nag aalinlangan ay sinuot ko parin ito. Pagkalabas ko ng bathroom ay nakita ko namang nakangiti na si Eerah habang kausap ang mga maids na kasama ni tita Elisse. Ngunit dali-daling nawala ang ngiti sa labi niya nang mapatingin sa 'kin. "M-maganda ang dress, bagay sa 'yo..." pilit na ngiting sabi niya. "Tss.. Nautal ka yata?" singhal ko. "...Alam ko namang hindi bagay sa 'kin 'to," saad ko at walang anumang ngumuso saka lumapit sa gawi niya. Narinig ko ang hagikhik niya. "No, you really look pretty, ate." "Weh?" irap ko. Isang yapak na tunog heels ang narinig kong paparating sa gawi namin nila Eerah, iisa lang naman ang tao rito na naka-suot ng heels kaya hindi na rin ako nagtaka. Malaking ngiti ang ibinungad nito sa 'min, pinagmasdan niyang mabuti ang damit na suot ko at nanatili ang tingin roon, hanggang sa tuluyan niyang ibaling ang tingin sa mga mata ko. "You look good, more than i expected," Dali-dali niyang hinaplos ang buhok ko na kaka-shampoo lang. "Good thing i was able to buy you some clothes on my own, mas may taste pa kasi ako sa inyo. Ipinasama ko na rin sa luggages, wear it pagbalik niyo sa Pilipinas." "Uhmm.. Tita Elisse, sasama ka po ba sa 'min?" Nahihiyang tanong sa kanya ni Eerah. Maldita man kung iisipin pero sa sandaling iyon ay hindi ko naiwasang hilingin na sana ay hindi siya sumabay sa amin. Hindi rin ako makakagalaw at magiging komportable habang nasa paligid siya. "Actually..." nabaling ang atensyon ni tita Elisse sa kung saan, at nang lingunin ko rin ito ay nakita ko ang family picture namin. Sandaling nawala ang ngiti sa labi ni tita Elisse, agad din itong nagbalik nang mabaling sa 'kin ang tingin niya. "Gustuhin ko man.. Pero hindi talaga ako makakasabay sa inyo. Madami pa akong kailangang asikasuhin dito bago ako bumalik sa Pilipinas, kaya ang Daddy nyo lang ang makakasama niyo pagbalik." Napapikit ako nang mariin. thank God! Ang makasama siya sa eroplano ang huli kong gugustuhin! Narinig ko ang hagikhik niya. Nagmulat ako at ngumiti siya sa 'kin. "I'll go ahead, take care of your sister. And uhmm, sa hotel muna kayo titira habang hindi pa kami kinakasal ng Daddy niyo sa Pilipinas, hindi parin kasi alam ng mga anak ko na nag eexist pala kayo. By the way, magpapadala rin ako ng mga tauhan sa inyo para in case you need help, may tutulong sa inyo. In addition, may monthly allowances din kayong ma rereceive sa gcash niyo, every first week, text me pag wala kayong natanggap." Marahang tumango si Eerah. "A-ah.. Thank you po, tita Elisse." "The pleasure is mine. Have fun, kids! Don't starve yourselves." muli niya akong nginitian saka siya tuluyang lumabas ng bahay. Ilang oras na ang nakalipas, nasa loob na rin kami ng private plane, hindi ko maitatanggi na maganda nga rito. Natutuwa rin ako dahil ngayon lang namin naexperience ang ganito, hindi kami ganon kayaman para magbayad ng malaki para sumakay ng eroplano. Ilang oras pa ang lumipas bago kami sa wakas makababa ng eroplano. Nakangiti at tila batang nag sasayaw si Eerah habang naghihintay kami sa sundo namin. Habang tuwang-tuwa si Eerah ay bagot na bagot naman ako, kung kaya't hindi ko namalayang sa ibang tao na pala ako nakatingin. Isang lalaki, kulay asul ang buhok nito at mala anghel ang kanyang mukha. Sa hindi inaasahan ay nagkasalubong ang tingin naming dalawa. Eerah's Point Of View Habang nag seselfie ako ay nahagip ng camera ko ang mukha ni ate. Maganda parin talaga siya kahit stolen shot, bagong gising pa siya ha? Napatingin ako sa direksyon kung saan nakatingin si ate. Dalawang beses ko muna itong pinagmasdan para maka sigurado. Isang lalaki!! Aba kailan pa nagkaroon ng interest si ate sa mga lalaki? At- ooh In fairness gwapo siya, may taste pala si ate.. Nang mahagip ni ate na nakatingin rin ako ay bigla siyang nag alis ng tingin sa lalaki. Kunwari pang busy siya sa cellphone para makatakas sa pasimpleng pang aasar ko. "Hindi ko gusto ang tingin mo, Eerah.." seryosong saad niya. "Huh? Guilty ka ah.. Crush mo siguro 'yon.." panunukso ko, tinapunan niya ako ng nakakapaso niyang tingin. "...sige, hindi na kita aasarin." Nang dumating si Daddy ay sumakay na kami sa sasakyan ni tita Elisse. Nakatulog kami sa byahe kaya hindi na namin namalayang nasa Hotel na pala kami. "Isa daw ito sa pinaka sikat na Hotel, mayayaman lang ang nakaka pasok," saad ko habang nag su-scroll sa aking cellphone. "Mag po-post ako sa i********:! Picture-an mo ako! Please!" Nababagot akong tinitigan ni ate Keira. "Eerah, matulog na tayo.. Inaantok na ako.. Bukas na yan.." Ngumuso ako. "Pero ate–" Bahagya kaming nagulat nang biglang bumukas ang pinto at iluwa nito si Daddy. "Bakit di pa kayo tulog?! May pasok na kayo bukas!" Nanlaki ang mata ko sa narinig habang si ate Keira naman ay nakatunganga lang sa labas. To be continued. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD