Keira's Point of View
BAHAGYA akong nagulat nang bigla akong sikuhin ng isang babae habang papalakad ako papasok sa loob ng classroom.
Mabuhay siyang ngumiti, ang mga mata niya ay halos hindi ko na rin makita. "You dropped this sa hallway kanina."
Inabot ng magandang dalaga sa akin ang kulay puti na panyo ko. Mabuti nalang at naibalik niya sa 'kin 'to, ito nalang ang remembrance ko kay mommy. Si Mommy kasi mismo ang nagburda ng pangalan ko sa panyong ito.
"Thank you." naisagot ko.
Matagal kong tinitigan ang mga magaganda niyang mata, pati na rin ang maamo niyang mukha. Hindi ko tuloy maiwasang mamula, para siyang isang anghel.
"You're welcome. Bago ka ba dito?" tanong niya habang sinusuri ang buong katawan ko. "I don't think I've seen you here before."
"A-ah yes, transferee lang ako." nauutal kong sagot, hindi ko siya magawang titigan sa mata.
Grabe, feeling ko matutunaw ako anytime.
Marahan niyang ginulo ang buhok niya. "I'm Natasha Carter, ikaw?" paglalahad nito ng kamay sa 'kin habang may magagandang ngiti sa labi.
"K-keira Gwy Montes." parang ewan kong sagot sa magandang dilag na nasa harapan ko.
Sa sobrang lapit namin sa isa't-isa ay amoy na amoy ko na ang mabango niyang hininga dahil sa mint. Kung magkaroon ng pagkakataon na may nagtanong sa 'kin ng example ng perfection, si Natasha agad ang masasabi ko.
"I like your style," she complimented me.
Nararamdaman ko na ang labis na pag-init ng pisnge ko. "Mauna na ako ah? M-may pasok kasi ako eh."
Nginitian niya lang ako saka nagmamadali na ring umalis. Mukha siyang mas bata sa 'kin kaya sa tingin ko nasa second year palang siya.
Papasok na sana ako ng classroom nang biglang may pumigil sa kamay ko. "Hey, are you new? Ang alam ko sa ngayon hindi pa tumatanggap ang university na 'to ah?"
"Hindi ko po alam, sorry." naisagot ko na lamang at mabilis na tumakbo papunta sa upuan ko.
Napatingin ako sa kaklase kong si Logan, kaya naman pala umagang-umaga ay nag titilian ang mga babaeng studyante, maaga palang pumasok si Logan. Ang nakwento sa akin ng iba ko pang mga kaklase ay apo daw ng dean si Logan, mataas din ang grades niya kaya kasama ko siya sa highest section.
"Logan, pwede bang ako nalang ang pakasalan mo?" pagtatanong sa kanya ng isang dilag na kasama niya.
"No, I'm taken." masungit ang tono nito.
Nang tumunog ang ring ng bell ay nagsi alisan na rin ang mga babaeng hinila ng charisma ni Logan. Ang sabi ay wala daw si Ma'am kaya naman nag daldalan nalang ang iba at ang iba naman ay umalis na ng classroom.
Inaantok akong humiga sa desk ng chair ko at dahan-dahang ipinikit ang mga mata ko.
'Ang sarap matulog.'
Hindi ko maiwasang mag daydream, madalas ko itong ginagawa at dahil dito nadidistract lang ako lalo. Tulad ngayon, naririnig kong may tumatawag sa pangalan ko.
"Keira,"
Naka ilang beses pa na tawag ng pangalan ko kaya binuksan ko na ang mga mata kk ngunit tumingin lang ako sa kawalan sa pag-aakalang guni-guni ko lamang ito.
Lumipas ang ilang minuto at tumahimik na ang paligid ng classroom. Hindi ko man iikot ang paningin ko sa paligid ay nakakasiguro na akong nagsi-alisan na ang mga tao.
Marahan kong iniangat ang ulo ko at nagulat nang makita ang isang lalaking naka-busangot, naka suot siya ng white polo at black pants at black pa rin ang buhok niya. Kitang-kita mula sa white polo niya ang naglalakihan niyang muscles.
Napapalunok akong umiling at tinaasan naman niya ako ng kilay bilang sagot. "Finally, I've been standing here the whole time."
"H-huh? Ikaw pala yung tumatawag sa 'kin?!" nanlaki ang mga matang saad ko at ngumiti naman siya ng nakakaloko.
Hinilot niya ang sintido niya. "Yep, and I'm pretty sure Eerah is wondering what's taking us too long to get the hell out of here."
"Hindi mo naman kasi sinabi agad!" bulyaw ko ngunit mukhang hindi siya natuwa rito.
"Fix yourself. Ang gulo ng buhok mo." saad niya habang ang tingin ay nasa kung saan.
Dali-dali kong inayos ang buhok ko at saka siya hinarap. Ayon na naman ang nag-iinit niyang titig.
Sinuklian ko ito ng malagkit na tingin at natatawa naman niya akong pinat sa ulo. "I had enough with that look for today, Keira."
"Ano? Alin?" inosenteng tanong ko habang pinapaikot-ikot ang buhok ko sa daliri.
Dahan-dahan ko siyang nilapitan at napapaatras naman siya. Sinamaan niya ako ng tingin na siyang ikinagulat ko.
'May problema ba?'
"Stop it right there, Keira. I don't want to do the same mistake we've done yesterday." mahina ang boses niyang sabi.
Sinubukan kong salubungin ang landas ng mga mata namin ni Topher ngunit pilit niya itong iniiwas sa 'kin.
"A-anong problema mo?" seryoso kong tanong, hindi siya umimik datapwat ay iniwan niya na lamang ako sa loob ng classroom ng mag-isa.
Walang anong biglang bumagsak ang balikat ko at napaupo na lamang ako sa sahig dahil sa hindi malaman na dahilan.
Napapikit ako nang mariin. 'Ganon nalang ba iyon? Matapos ng lahat ng nangyari sa 'ming dalawa ay kakalimutan niya na lang?'
Malalalim na hininga ang sininghot ko bago tuluyang lumabas ng classroom at dumiretso sa cafeteria. Naroon na silang lahat, kasama ang kapatid ko at ang apat na anak ni Tita Elisse.
Kinakabahan akong naglakad papalapit sa gawi nila Eerah at nakangiti naman nila akong sinalubong except kay Nathan at Topher.
Hindi ko alam ngunit iba ang epekto nito sa 'kin. Nafeel kong biglang sumakit ang dibdib ko. Hindi ko lang siguro matanggap na basta-basta nalang akong ibasura matapos kong ibigay ang pagkababae ko.
"Ate Keira," nagising ang diwa ko nang tawagin ako ni Eerah. "Ito, kainin mo. Binili ko 'yan kanina sa daan, hindi ko maubos." inabutan niya ako ng hopia dahilan para mapalunok ako.
Napaka inosente ng mukha niya. Hindi niya alam na medyo naoffend ako dahil sa hopia.
Habang kumakain kami ay biglang nagsalita iyong may dilaw na buhok dahilan para maagaw niya ang atensyon namin.
"Hoy tanda, bumalik na pala si Ate Nash? Nag-usap na ba kayo?" baling nito kay Topher habang may laman ang bibig.
"Yes, nag-usap kami kanina." sagot naman ni Toph, hindi pa rin ako magawang sulyapan. "Mhmm, mamaya pala may pupuntahan kami, mauna na kayong umuwi."
"Diba ang sabi ni Mom lilipat na daw sila sa Mansyon?" pag-nguso sa 'min ni Ethan.
"Ha?" nagtatakang tanong naman ni Eerah. "Anong meron? Hindi kami na-update ah?"
"Lilipat na nga kayo sa 'min. Sabi ni Mom, kailangan daw para naman di kayo mabored." si Chase ang sumagot.
"Paano si tanda?"
"Mauna na nga kayo. Kaya niyo naman na 'yan. Matatanda na kayo." masungit ang tono niyang sagot sa mga kapatid.
"Hays, sige na nga." nguso naman ni Chase at malungkot na ininom ang milktea niya.
"Pasabi kay Nash, miss ko na siya." nagulat kaming lahat sa sinabing iyon ni Nathan.
'Sino ba iyong Nash na iyon?'
Nabaling ang tingin ko kay Eerah na halos hindi na mapinta ang mukha. 'Ano naman kaya ang problema niya?'
Eerah's Point of View
Habang naglalakad kami palabas ng school ay hindi ko maiwasang sulyapan si kuya Nathan. Hindi ko maiwasang malungkot nang malaman kong babae pala yung Nash na tinutukoy nila, alam kong wala akong karapatan na magselos, pero paano naman ako?
Bahagya akong nagulat nang bigla akong akbayan ng kampon ni kamatayan na si Son Goku.
Binigyan niya ako ng nakakainis na tingin habang napaka-laki ng kanyang ngisi. "Paano ba 'yan? Magkakasama na tayo sa iisang bahay. Maso-solo na kita,"
"Bobo ka ba? Sinong may sabing maso-solo mo ako? Tumabi ka nga, ang tapang ng pabango mo!" pagtataboy ko sa kanya at tinaasan niya lang ako ng kilay saka biglang tumawa. Baliw na ata ito eh.
"Keira," rinig kong pagtawag ni Ethan kay Ate Keira. "Have you eaten? I bought cookies, d-do you want some?"
Hindi siya nilingon ni Ate Keira dahilan para matawa ako at hindi ko inaasahang mapapalakas iyon kaya naman sinamaan ako ng tingin ni Ethan.
Bakit ba ang amo niya ngayon kay Ate Keira? Tapos sakin halos ihambalos niya na ako pag ako ang kausap niya.
---
Malalim akong huminga habang papasok sa loob ng Mansyon nila. Napaka-lawak nito, parang sa mga movies. Color white at black ang paligid. Sobrang lamig pa sa loob.
"Saan ang kuwarto namin?" biglang tanong naman ni Ate Keira dahilan para mag titigan ang magkakapatid. "Wag niyong sabihing-"
Naputol ang sasabihin niya nang biglang dumating si Tita Elisse na may malaking ngiti sa mga labi. Hinanap ng mga mata ko si Daddy ngunit wala manlang aninong nagpakita. Wala na naman siya.
"Good evening, ladies." ngiti niya sa amin at bumaling siya kay Ate Keira. "I'm sorry, ladies. Under renovation pa ang kuwarto niyong dalawa eh."
"P-po? Edi saan po kami matutulog?" nauutal kong tanong at sinuklian niya naman ako ng nanlilisik na tingin.
"Hindi naman uuwi si Topher ngayon dahil kasama niya ang girlfriend niya, so ikaw na lang ang matulog roon sa ngayon." baling ni Tita Elisse sa 'kin. Napansin ko namang kumuyom ang kamao ni Ate Keira dahilan para magtaka ako.
"How about me?" malamig ang tonong tinanong ni Ate Keira si Tita Elisse.
"Doon ka sa kuwarto ko matulog, hija." hinaplos ni Tita Elisse ang buhok niya.
Napapalunok na umiling si Ate Keira. "Understood."
Ang tamlay tignan ni Ate Keira at halata namang napansin iyon ni Tita Elisse dahil tumamlay rin siya.
"I-i need to rest, pagod ako." dagdag pa ni Ate Keira.
Mabilis siyang pumasok sa elevator kasama ang mga katulong sa bahay nila Tita Elisse. Hindi ko maiwasang mag-alala sa kanya ngunit hindi ko na siya nahabol pa dahil hinila ako ng demonyong si Ethan.
"Let's play!" pag-aaya niya sa 'kin, inabutan niya ako ng game controller na agad ko namang tinanggap.
"Hinahamon mo ba ako?" naka-taas ang kilay kong saad at napangisi naman siya.
Ilang oras na kaming naglalaro nila Son Goku Chase at Ethan habang nakain naman ng popcorn si Nathan. Ako palagi ang panalo sa game namin, inuungasan pa ako ng dalawa kanina, weak naman pala.
Matapos ang ilang game ay tumigil muna ako para kumain ng cookies na binili ni Ethan.
Nang lingunin niya ako ay pinanlisikan niya ako ng mata. "Hoy! Kay Keira yan!"
Sinubukan niyang agawin ang box ng cookies sakin ngunit inagaw lang din iyon ni Son Goku.
"Asa ka pa sa future kapatid mo, pandak!" pang-aasar ni Chase kay Ethan habang nakabelat.
"Hindi ko siya kadugo!" angil naman ni Ethan habang pilit na inaabot ang box ng cookies mula sa kamay ni Chase na iniangat niya sa langit.
Napamawang ang labi ko nang marealize ang sinabi niya. 'What the hell?! Gusto niyo si ate Keira?!'
"Lumayas nga kayo dito, bwiset." saad ni Nathan na hindi makanood ng palabas sa tv dahil nakaharang ang dalawang bata.
Hindi siya pinakinggan ng dalawa at nakuha pa nitong mag habulan sa loob ng Mansyon.
Nananahimik akong umupo sa sofa katabi ni Nathan nang biglang may humablot sa necklace ko. Bigay iyon ni Mommy!
"Hoy akin na yan!" maging ako ay nakisama na rin sa kakulitan ng dalawa.
Kumuha ako ng cookies sa box na bitbit ni Chase at pinaghahampas iyon sa pagmumukha ni Ethan dahilan para mas lalo siyang kumulit, hinablot niya ang cellphone ko at nagtatatakbo.
"Akin na yan, pandak!"
"It's mine now, you b***h!"
"Isip bata!"
"Hoy Son Goku, ang necklace ko!"
"Anong Son Goku?!"
Napatigil nalang kami nang biglang tumunog ang pintuan hudyat na may pumasok sa loob.
Nanlaki ang mata ko nang makita si Kuya Topher kasama ang isang napaka gandang babae. Kulay asul ang mga mata niya dahilan para mas lalo siyang mag mukhang isang manika, maganda rin ang buhok niya at hindi dry, mukhang naaalagaan niya ito ng mabuti.
"H-hello, Nash." nauutal na pagbati sa kanya ni Nathan dahilan para mapalingon ako. Para bang sinakop ng dalaga ang mundo ni Nathan sa isang ngiti lang ay titig na titig na siya rito.
"Long time no see, Ate." ngiti naman ni Chase at sinuklian din siya ng magandang ngiti ng dalaga.
"Mas lalo ka yatang gumanda?" pambobola naman ni Ethan at natawa naman ito.
Hindi ko maiwasang mag-iwas ng tingin kapag nag sasalubong ang mga mata naming dalawa. Grabe, hindi ko matake ang charisma na dala niya.
"Who is she?" rinig kong bulong niya kay Kuya Topher.
"She's our stepsister."
"Oh, so your mom got married again?" she chuckled as if it's funny. "I'm Natasha by the way." she offered her hand but I rejected it.
Tingin ko nagets naman niya kung bakit, obvious naman na ayoko sa kanya!
Napatingin ako sa elevator nang marinig ang pagbukas nito.
"Ate Keira!" pagtawag ko sa kanya ngunit hindi niya ako tinignan.
Sandali siyang naestatwa nang makita ang dalaga dahilan para mahulog ang dala niyang maliit na box na hindi ko malaman ang laman pero sigurado akong sa liit non ay isa itong alahas.
"Oh, it's you again." ngiti sa kanya ni Natasha at sinuklian naman ito ng awkward na ngiti ni Ate Keira.
"H-hello..."
To be continued. . .