KABANATA 10

1587 Words
Keira's Point of View PAKIRAMDAM ko ay nanlamig ang buo kong katawan sa nakita. Siya iyong dalagang sumiko sa 'kin kanina para ibalik ang panyo ko. 'S-siya 'yung magandang dilag...' Napapikit ako ng mariin nang makitang nakakapit siya sa braso ni Toph. "So, is she also your stepsister?" baling niya naman kay Toph at napapalunok naman itong tumango. Nag-iwas siya ng tingin sa 'kin dahilan para mas lalong kumirot ang dibdib ko mabuti nalang at biglang dumating si Tita Elisse dahilan para mapukaw niya ang buong atensyon ko. Maya-maya pa ay niyaya niya na kaming lahat upang kumain at agad naman namin itong sinunod. Sa left side ng table kami umupo nila Eerah, Ethan at Chase habang nasa right side naman sila Tita Elisse, Toph, Natasha at Nathan. Habang kumakain ay hindi ko maiwasang mapatingin sa gawi ni Toph at sigurado akong napapansin na rin iyon ni Ethan, pansin ko kasing kanina pa siya nakatingin sa 'kin, naiilang na tuloy ako. Bahagya akong nagulat nang may biglang naglagay ng balat ng fried chicken sa plato ko. Nakangiti siya sa 'kin ng napaka laki dahilan para mahawa ako rito. 'Alam niya bang paborito ko ang balat ng manok?' "Ano pang gusto mo?" naitanong pa ni Ethan at umiling naman ako ngunit hindi niya ata iyon narinig dahil dinagdag niya pa ng kanin ang plato ko. "Kumain ka pa," "Pinapataba mo ba ako?" masungit kong bulong sa kanya at natawa naman ito. "Ano naman? Kahit ano naman ang mangyari ay maganda ka pa rin." sagot niya naman sa 'kin at hindi iyon bulong dahilan para maagaw namin ang atensyon ng mga kasamang kumain kabilang na si Tita Elisse. "Mukhang mas nagiging close kayo ah?" pang-eechos naman ni Tita Elisse dahilan para mabulunan ako. Habang nasa gitna ng proseso ni kamatayan ay napasulyap pa ako kay Toph, nakita ko sa mata niya ang pag-aalala. Mabilis niyang hinanap ang pitsel ng tubig ngunti mas mabilis pa rin itong nakuha ni Ethan. Agad akong inabutan ng tubig ni Ethan at pinagmasdan niya akong ubusin iyon. Ang nakakaasar pa ay tinawanan ako ni Tita Elisse. Wala namang nakakatawa. "Hija, are you okay? Namumutla ka ata?" panunukso pa ni Tita Elisse at ramdam ko namang nahiya si Ethan rito. "A-ah punta lang ako sa bathroom," pag papaalam ni Ethan at nagtatatakbo paalis. Hindi naalis ang nanunuksong tingin sa 'ming dalawa ni Tita Elisse hanggang sa matapos kaming kumain. Akala siguro niya may namamagitan sa 'min ng maliit niyang anak. Asa pa siyang papatol ako sa pandak. Nang matapos kaming kumain ay pumunta ako sa likod ng mansyon nila para magpahangin sa pool. Kitang-kita sa kinauupuan ko ang asul na tubig na malamang ay nilagyan ng chlorine at kita ko rin ang isang lalaking naka boxer shorts at sando na color black lang na medyo maliit na papalapit sa gawi ko. Kung tutuusin, hindi naman maliit si Ethan, mas matangkad lang talaga ang mga kapatid niya kaya nag mumukha siyang maliit pag magkakasama silang apat. Pero sa 5'4 ko na height ay hanggang balikat niya lang ako. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at namalayan ko na lamang na umupo si Ethan sa tabi ko nang bigla niya akong tapikin ng mahina. "Hoy." bagamat hindi magandang pakinggan ang salitang iyon ay malambing niya itong binigkas. "M-may something ba sa inyo ni tanda?" Seryoso akong tinitigan sa mata ni Ethan ngunit napaiwas ako rito. "Ano ba 'yang tanong mo?" pag susungit ko at aalis na sana nang bigla niyang hawakan ang pulsuhan ko at hilahin ako palapit. "Babaero 'yon si tanda. Mag-iingat ka sa kanya," saad niya bago ako tuluyang bitawan. "Pumasok kana sa kwarto ko, sa sofa nalang ako matutulog." "H-huh?" Nasapok ko ang sariling noo nang maalalang babalik na nga pala si Topher sa kwarto niya at sinabi ni Tita Elisse na sa kwarto niya nalang matulog si Eerah habang ako ay gusto niyang patulugin sa kwarto ni Ethan. Hindi ko rin magets bakit ako pa, binubugaw niya ba ang anak niya sa 'kin? "Ako nalang sa sofa," angil ko pero kinunutan niya lang ako ng noo saka umiling-iling. "Gentleman akong tao, sa tingin mo bang papayag ako na patulugin ka sa sofa? Baka kung ano pa mangyari sa 'yo doon." sagot niya at nakakalokong ngumisi. "Sige na, good night." Hindi na ako naka-angal pa nang iwan niya na lamang ako sa pool. Napasinghot muna ako saglit ng malalim sa hangin saka tuluyang umalis roon para tumaas sa kwarto ni Ethan. Paakyat na ako nang makasalubong ko si Eerah sa hagdanan. Masaya niya akong niyakap at hinaplos ang malambot kong buhok. "Ate, mag iingat ka ha?" bilin niya pa at nagtaka naman ako rito. Umiling ako. "Ikaw ang mag-ingat." Sinuklian niya na lamang ako ng ngiti saka pinagmasdan akong umalis. Eerah's Point of View Pagpasok ko ng kitchen ay nadatnan ko ang kampon ni kamatayan na si Son Goku na kumakain habang nanonood ng kung ano sa cellphone niya, hindi ko alam kung ano iyon dahil nakaharap siya sa bandang gawi ko. Nang lumapit ako sa refrigerator para sana kumuha ng tubig ay narinig ko ang pinapanood niya dahilan para mapatingin ako sa kanya. Mula sa kinatatayuan ko ay rinig na rinig ko ang isang babaeng umuungol na nagmumula sa cellphone niya. Nagkasalubong ang mga mata namin dahilan para mag panicked ako at mabilis akong kumuha ng bottled water. Palabas na sana ako nang bigla niyang harangan ang pinto dahilan para bumilis ang t***k ng puso ko. "Ba't ka ba natatakot?" inosente niya akong tinignan sa mga mata ngunit pilit ko itong iniwasan. "Hoy pangit, okay ka lang ba?" 'Pangit? Sinong pangit?!' Pinanlakihan ko siya ng mata. "Hoy manyak, umalis ka sa dadaanan ko!" Nag pumilit akong lumabas ngunit nginitian niya lang ako ng nakakaloko saka ako marahas na tinulak at nilock ang pinto ng kusina. Napapikit ako ng mariin habang paulit-ulit na nagdadasal sa utak ko. 'Lord, ayoko pa po. Please lang, save me.' "May masakit ba sa 'yo?" bakas sa tono niya ang pag-aalala ngunit hindi ko 'yon pinansin. Habang taimtim na nagdarasal ay may naramdaman akong kamay na gumagapang sa balikat ko dahilan para hawiin ko ito. Nakita ko ang malaking ngisi sa labi ng boang na si Chase also known as Son Goku. "Kadiri. Akala mo ba ganon kababa ang standards ko sa babae? May taste ako 'no." hagalpak niya ng tawa. "Umalis kana nga rito, istorbo ka sa nanonood." Binuksan niya ang pinto saka ako tinawanan ng napaka lakas. "Manyak!" agad akong tumayo at nagtatatakbo paalis roon. 'Bwiset! Bwiset! Manyak talaga!' Nang makarating ako sa kwarto ni Tita Elisse ay nanlambot ang tuhod ko. Hawak-hawak ang sarili kong hininga ay humiga ako sa kama ni Tita Elisse. Loko-loko talaga ang Son Goku na 'yon! Akala ko hihimatayin na ako sa kaba kanina! Kapag ako talaga nagkaroon ng chance na bumawi, sisiguraduhin kong sobra-sobra! Nasa gitna ako ng pagpatay kay Son Goku sa isip nang may biglang kumatok sa pintuan ng kwarto ni Tita Elisse. Hindi ko naisara ang pinto nang manlambot ang tuhod ko kaya kita ko na agad ang maaliwalas na pagmumukha ni kuya Topher. "Good evening, little sis," pamungad niya habang may magandang ngiti sa labi. "I brought some food and drink for you." Natuon agad ang pansin ko sa strawberry milk at cupcakes na dala ni kuya Topher para sa 'kin. Agad ko iyong nilantakan nang ilagay niya ito sa left side ng kama. "Thank you po!" pasasalamat ko habang puno ang bibig at natawa naman siya ng mahina. Kumunot ang noo ko nang hindi pa siya umaalis. "Eh si ate Keira po? Nadalhan niyo na po ba siya?" Nag-iba ang pustura niya dahilan para magtaka ako. "I thought she hate sweets. Hayaan mo, next time bibigyan ko rin siya." Hindi na ako umimik at inubos na lamang ang pagkain. Nang maubos ko ito ay iniwan niya na ako sa loob ng kwarto. Natandaan ko naman ang bilin ni ate Keira na wag hihiga kapag kakakain lang kaya nagmuni-muni muna ako sa loob ng kwarto. Pumasok ako sa loob ng CR sa kwarto ni Tita Elisse. Napaka-laki nito. Sadyang pinagpala talaga sila, kung hindi siguro nawala si Mommy Akesha baka mas malaki pa ang bahay namin. Ilang taon na rin ang nakalipas nang mawala si Mommy, alam kong kahit anong pilit kong mag move on at kahit ilang beses ko pang sabihin na okay na sa 'kin na wala siya ay kumikirot parin ang dibdib ko sa tuwing naaalala ang nangyari. Paglabas ko ng CR ay nagulat ako nang makita ko ang isang lalaki na walang suot pang-itaas at naka boxer shorts lang. Napatingin ako sa mga mata niya nang bigla siyang humarap sa gawi ko. Dahil rito, naagaw na ng maganda niyang mga mata ang buong atensyon ko. Ang mga matang iyon ang dahilan kung bakit... kung bakit hanggang ngayon ay siya parin ang tinitibok ng puso ko kahit pa suntok sa buwan ang magustuhan niya akong pabalik. "A-anong ginagawa mo dito?" nauutal kong tanong sa kanya. Pinanlisikan niya ako ng mata. "Lubayan mo ang mga kapatid ko. Loser." "H-huh?" "Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig?! Kunwari ka pa, stop flirting with my brothers!" mahina lang iyon ngunit sapat na para marinig ng mga tao sa loob ng kwarto. Sa isang iglap lang ay nawala na siya sa paningin ko. 'Ano bang pinagsasabi niya?' Natahimik ako buong gabi dahil roon kaya naman itinulog ko na lamang ang lungkot na nararamdaman. Bakit ba siya nagagalit sa 'kin? Parang abno amp. To be continued. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD