Eerah's Point of View
MAHILO-hilo akong bumangon mula sa pagkakahiga sa kama ni Tita Elisse nang biglang may pumasok sa loob ng kwarto.
Kitang-kita sa suot niyang white sando ang abs niyang nakakalerki. Teenager palang siya pero bakit ganyan na kalaki ang katawan nilang magkakapatid?
"Oh, pinapaabot sa 'kin ni tanda." padabog na nilagay ni Nathan ang tatlong packs ng napkins sa gilid ng kama.
"O sige, salamat," tanging naisagot ko, agad akong napaiwas ng tingin nang dahan-dahan niya akong lapitan. "B-bakit?"
Nagpatuloy siya sa paglapit na siyang ikinakaba ko. Nang tuluyan niya nang hawakan ang mukha ko ay napapikit na lamang ako. Amoy na amoy ko ang hininga niyang sobrang bango.
"Saan mo nakuha 'to?" pinindot niya ng madiin ang sugat sa ibabang bahagi ng labi ko. "Dito ka lang, kukuha ako ng first aid."
"H-huh? Anong kukunin mo?"
"Alcohol,"
Aalis na sana siya nang bigla kong pigilan ang kamay niya.
"Wag oy!" pagpigil ko at sinuklian niya naman ako ng nagtataka na tingin. "M-mahapdi 'yon..."
Kung hindi naman sira ang tuktok niya, e pano kung nalunok ko 'yung alcohol?
"Tssk..." ngiwi niya sa 'kin saka ako sinamaan ng tingin. "Edi wag, bahala ka d'yan."
Akala ko ay aalis na talaga siya nang bigla niya akong lapitang muli, ang mga mata niya ay nasa kung saang lupalok ng kwarto. "Sumabay kana sa 'king bumaba, naghihintay si tanda sa 'yo."
"O sige, shower muna ako." sagot ko at kinuha ang towel na inabot niya sa 'kin. Naisipan ko siyang asarin kaya sadya kong pinagdampi ang balat ng isa't-isa. "Ikaw? Hindi ka ba sasabay?"
"Hinahamon mo ba ako, babae?" mayabang ang tono niya, hinawakan niya ang mukha ko na siyang ikinagulat ko. "May muta ka pa."
Tinapik ko ang kamay niya.
"Maligo kana, kapag hindi ka pa lumabas sa loob ng five minutes papasukin kita sa loob." saad niya, seryoso ang tono.
Naramdaman kong uminit ang pisngi ko ngunit hindi ko na lamang iyon pinansin at dumiretso na sa loob ng CR sa kwarto ni Tita Elisse para mag shower.
--
Nang matapos akong mag shower ay lumabas ako ng naka towel lang ang buong katawan dahil nalimutan kong kumuha ng damit bago pumasok.
Kataka-takang wala si Nathan gayong ang sabi niya ay sabay na kaming bababa. Sinungaling! Ang sama talaga ng ugali non! Siguro pinaglihi siya sa sama ng loob.
Nang masuot ang underwear ko ay biglang bumukas ang pinto dahilan para matigilan ako. Iniluwa nito si Nathan na gulat na gulat din sa nakita at agad naman itong tumalikod.
"Mag... magbihis kana!" saad niya habang nakatalikod sa 'kin.
Nag papanick kong sinuot ang green croptop ko na sleeveless at red skirt naman para sa pambaba. Nang matapos ako ay agad akong lumapit kay Nathan na siyang ikinagulat niya.
"O-oh bakit?" nauutal kong tanong nang suriin niya ako mula ulo hanggang paa.
"May igaganda ka pa pala?" sagot niya habang naka busangot.
Ay wow! Sinasabi niya bang pangit ako?!
"Tara na nga!" masungit kong tugon at paalis na sana ng kwarto nang bigla niya akong itulak papasok muli sa loob at isara ang pinto.
"B-bakit?"
"Tigilan mo ang mga kapatid ko..." sambit niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko at nanlaki naman ang mata ko nang bigla iyong bumaba sa labi ko. "Lum- lumabas kana nga!"
Agaran kong sinunod ang utos niya na para bang wala ng bukas. Hingal na hingal akong bumaba dahil ginamit ko ang hagdan.
"Eerah!" nag-aalalang pagtawag sa 'kin ni Ate Keira. Inikot ko ang paningin sa paligid at kumpleto na silang lahat, kasama na rin 'yung ungas na si Nathan. "What took you so long?"
"Her brain," paningit naman nung Nathan at humigop sa tasa ng tea niya. "She could've been taken the elevator, but she still choose to take the stairs."
Pinaningkitan ko siya ng mata dahilan para matawa ito ng mahina na siyang ikinagulat naming lahat.
"Bro," agaw pansing baling ni Chase kay Nathan. "Ikaw ba 'yan? What happened to you? Nilalagnat ka ba?"
"Stop overreacting, you're so cringe!" nandidiri ang tono ni Nathan.
Sandali niya akong dinapuan ng tingin saka mahina muling tumawa. Nababaliw na talaga siguro siya 'no?
Nang matapos kaming mag umagahan ay tumambay muna kami sa may sofa at nanood ng palabas.
"Ang boring." bulong sa 'kin ni Keira ngunit narinig yata ni kuya Topher dahil katabi ko lang siya.
"Mga bata, mag ready na kayo. Aalis tayo." maawtoridad na sabi ni kuya Topher.
"Where?" pagtanong sa kanya ni Ethan.
"Grocery,"
Keira's Point of View
Nang makarating kami sa Grocery ay puno na ang parking lot kaya nag illegal parking nalang si Topher dahil wala na siyang choice.
Ibababa ko na sana ang kaliwang paa ko nang biglang mag salita si Topher dahilan para matigilan kaming lahat.
Seryoso ang mukha niya, attractive parin siya tignan kahit mukhang stress na stress na. Ikaw ba naman makipag sapalaran sa traffic, ewan ko nalang kung di ka mastress.
"Kailangan may maiwan na isa dito para bantayan ang kotse." sabi niya habang hinihilot ang kanyang sintido.
Napatingin ako sa labi niya at naramdaman ko namang napansin niya ito dahil sinamaan niya ako ng tingin.
"Si Ethan na lang," welga ni Chase, inaasar ang kapatid. "Sobrang kulit niya, baka pagalitan tayo sa loob."
Ngumuso si Ethan saka inirapan ang kapatid. "Baka ikaw, last time nga nakasira ka pa ng gamit eh. Ikaw nalang maiwan!"
Nagpatuloy ang bangayan ng dalawa dahilan para mas lalong mastress sa kanila si Toph.
Lumabas ng kotse si Nathan dahilan para mabaling ang atensyon namin sa kanya.
Tinaasan niya kami ng kilay. "Oh, wag niyong sabihing- No way!"
"Sige na, wala ka namang matutulong sa loob eh." pag pupumilit ni Chase ngunit hindi siya nito pinansin.
Umiling-iling siya. "Kapag ako ang naiwan matutulog lang ako, di ko rin mababantayan itong sasakyan."
Kung ako naman ang tatanungin, ayoko rin magpaiwan dito. Sobrang lungkot mag-isa tsaka nakakatakot din. Hindi keribels ng katapangan ko ang mga magnanakaw at murderers.
"Keira," pagtawag ni Toph sa pangalan ko.
Hindi ko maiwasang mapangiti dahil ron, grabe ang ganda talaga ng boses niya. Namiss kong marinig na binabanggit niya ang boses ko kapag-
Nagtaka ako ng balingan nila akong lahat ng seryosong tingin.
"Tama, ikaw na lang. Wala ka din namang maidudulot sa 'min sa loob eh." si Nathan ang nagsabi non.
Umiling ako. "Ayoko."
Natahimik ang paligid na binasag naman ng pag-ubo ni Eerah. "S-sige, a-ako na lang. Kaya ko naman eh."
"No!" maawtoridad na saad ni Topher.
"H-huh pero-"
"Ano bang maitutulong sa inyo ni Eerah?" tinaasan ko sila ng kilay.
"Madami," maikling sagot ni Topher habang nakapamulsa.
"Si Eerah ang magtutulak ng cart." paningit naman ng maliit na si Ethan. "Mas okay na dito ka na lang sa loob, mas safe dito dahil maikli ang dress na suot mo."
Nag-init ang ulo ko sa sinabing iyon ni Ethan ngunit wala na akong nagawa pa.
Malalim akong bumuntong-hininga. "Sige, ako na lang."
Nabuhay naman ang mga itsura nila dahilan para mas lalo pang kumulo ang dugo ko.
Nagsi-labasan na sila sa loob ng kotse hanggang sa ako na lang ang naiwan. Matiyaga akong naghintay at nakakalahating oras na ay hindi pa rin sila lumalabas.
Agad akong napatingin sa bintana nang mapansin kong may isang nakamask na lalaking nagmamasid at sinusubukang buksan ang kotse.
Kampante na sana akong hindi nila mabubuksan ang pinto dahil nilock ito ni Topher bago sila pumasok sa loob ng Grocery ngunit mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko nang mabuksan niya ito.
Napatingin sa 'kin ang lalaki at saka ako hinila papalabas ng kotse. Hinawakan niya ang binti ko dahilan para mas lalong manginig ang katawan ko mula sa lamig.
Hindi ako makagalaw at tanging iyak na lamang ang nagawa ko nang bigla niya akong isandal sa kotse at hawakan pataas-baba ang legs ko.
"T-tulong!" sinikap kong ilabas ang salitang iyon mula sa bibig ko.
"Tumahimik ka!" sinampal niya ako dahilan para mas lalo akong manghina.
Nakailang dasal ako sa utak ko ngunit naubusan na ako ng pag-asa nang maramdaman kong mas tumataas ang pagdampi ng kamay niya mula sa legs ko.
'Kung panaginip man ito, ako ay inyong gisingin!'
Mas lumakas ang kabog ng dibdib ko nang sa wakas ay mawala ang kamay niya sa katawan ko. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at nagulat sa nakita.
Naka-salampak na sa sahig ang lalaking nagtangka sa 'kin kanina, at nang magtaas ako ng tingin ay nakita ko ang lalaking hindi ko inaasahang magliligtas sa 'kin.
"L-logan?"
Maingat siyang lumapit sa 'kin ngunit hindi niya hinawakan ang kung anumang parte ng katawan ko.
"Are you okay?" nag-aalala ang tono niya.
Sasagot na sana ako nang biglang magdilim ang paningin ko.
To be continued. . .