Eerah's Point of View
NAPATINGIN ako sa cellphone ko at napansing offline si Ate Keira.
'Siguro natutulog na 'yon sa kotse.'
"Hoy," pagtawag sa 'kin ni Ethan at pinaningkitan ko naman siya ng mata. "Bilisan mo naman magtulak, kaya nga ikaw sinama namin para mabilis eh."
Palihim akong umirap sa hangin saka sinunod ang utos niya. Kanina pa ako nagtutulak ng cart dito, ang tagal nilang mag grocery. Madami naman silang katulong sa bahay, bakit sila pa ang gumagawa ng mga 'to?
Tiniis ko ang pagtutulak ng cart ng mga bwiset kahit pa hilong-hilo na ako, hanggang sa wakas ay pipila nalang kami para magbayad.
Mahaba-haba ang pila kaya naman nagawa pa nila Ethan at Son Goku na mag habulan. Pinagtitinginan na sila ng mga Staffs pero di ko magets kung bakit hindi sila sinusuway.
Biglang nag vibrate ang phone ko ngunit hindi ko nasagot ang call dahil nasilaw ang mata ko nang laksan ko ang brightness.
'Sakit sa mata!'
Narinig ko ang hagikhik ng kung sino kaya naman dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at nakita ko ang maganda niyang ngiti.
Ngayon ko lang ulit siya nakitang ngumiti ng ganito kalawak, last na yung nakita niya ang girlfriend ni kuya Topher.
Kumunot ang noo niya dahilan para bumalik ako sa huwisyo.
"Why are you looking at me like that?"
Nanigas ang buo kong katawan nang mag-iba ang tono ng boses niya, deep na nga pero pinadeep niya pa lalo. Tunog dark web pero ang gwapo ng boses niya.
"W-wala..." sagot ko ngunit tila hindi siya kumbinsado rito. "A-ano kasi..."
"I look handsome?" he looked proud. "I know,"
"Hindi." pagtatama ko ngunit naasar ata siya dahil bigla na lamang siyang bumusangot.
'Ano bang problema sa utak ng mokong na 'to?!'
"Ngayon lang kasi kita nakitang ngumiti ng ganyan kalaki..." saad ko at nabaling naman ang atensyon niya sa 'kin kaya lalong nag-init ang pisngi ko.
"I hate smiling, it's not my cup of tea." seryoso ang tono niya akong sinagot saka inusog paabante ang cart namin.
"Cup of tea? Bakit ka mag ti-tea?" kunot-noo kong tanong at tinawanan niya naman ito.
"You're funny, I like it." ngiti niya saka bumuntong-hininga. "What I meant was, It's not my style."
"Kailangan bang may style ang pag ngiti?" takang-tanong ko ngunit hindi niya na iyon sinagot.
Siguro iniisip niyang bobo ako, oo bobo ako. Pero wag niyang isipin.
Ilang minuto na kaming nag hihintay sa linya at ilang minuto na rin akong nakatitig sa magandang ngiti niya.
Akala ko nung una hinahangaan ko lang ang ganda ng mga mata mo, ngunit may kakaiba sa puso ko na patuloy pa rin ang pagtibok kapag ang mga mata ko'y nakatingin sa 'yo.
At kahit ilang beses mo akong sinungitan, kahit saan man padparin ang puso ko, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin nito.
"Do you like my brother?" nagulat ako nang tanungin ako ni Ethan.
"H-hindi!" i sounded so defensive.
He chuckled. "Okay then,"
May biglang pumasok sa isip ko kaya hinigit ng mga kamay ko ang braso ni Ethan. Taka niya akong binalingan ng tingin at nataranta naman ako sa ginawa ko.
'Bahala na nga.'
"Curious lang ako, sino ba si..." hindi ko matuloy ang sasabihin dahil sa kaba.
"Si Justin Bieber?"
"H-hindi..."
"Lexi Lore?"
"No, umayos ka nga!"
"Kuya Will?" nangangasar niya paring sagot.
"No!"
"Sino ba kasi?!" naiirita niyang tanong muli.
Kumuha ako ng lakas sa dibdib ko at nagpakawala ng hininga.
"Si N-nash..."
"Oh, so you're asking about her?" nakangisi niyang saad saka ipinatong sa balikat ko ang braso niya. "She's Tanda's ex girlfriend."
Kung ex siya ni kuya Topher bakit parang mas close sila ni Nathan? Iba rin yung mga tingin ni Nathan sa kanya nung araw na 'yon.
"Nag date sila nung first year high school sila. Pero dahil bata pa sila non, nag break din." pagpapatuloy niya at taimtim naman akong nakinig rito. "Pero friends pa rin sila ni Tanda dahil ayaw niyang macut yung connection niya kay Ate Natasha. Pumunta siya sa hongkong last year, ngayon lang siya bumalik."
Hindi iyon ang gusto kong malaman... Gusto kong malaman kung anong meron sa kanila ni Nathan.
"At... First crush siya ni Nathan," bulong niya saka tumawa-tawa.
"F-first crush?!" naninigurado ang tono ko.
Nilapit niya ng bahagya ang mukha niya sa 'kin saka pinagpatuloy ang kwento. "Nung mga bata pa kasi kami, si Nathan ang palaging naiiwan sa Mansyon. Sakitin kasi siya kaya hindi siya pwede sa maalikabok na lugar. Kailangan niyang maiwan kaya si Ate Nash ang sumasama sa kanya habang wala kami."
"Oh, tapos?" kulang nalang ay popcorn, sa sobrang invested ko sa kwento niya ay hindi ko na namalayang kami na pala ang susunod sa pila.
"Eerah, push it here." maawtoridad na utos naman ni kuya Topher at agad ko itong sinunod.
Tinulak ko ang cart papunta sa gawi nila at naghintay nalang kami sa waiting area kasama si Ethan at Chase. Naiwan si Nathan at kuya Topher sa cashier.
Nagkakagulo ang mga Staffs ngunit hindi na namin iyon pinansin pa. Hinintay kong matapos mag kulitan ang dalawang magkapatid at lumayo si Chase bago ako muling mag tanong.
"Pagkatapos non, ano na ang nangyari?" pagtatanong ko na naman at tinaasan niya ako ng kilay.
"Hindi halata sa awra mo na chismosa ka ah?" pang eechos niya naman ngunit hindi ko nalang iyon pinansin.
"Ano na kasi."
"Hindi ko alam, malay ba namin kung anong ginagawa ng dalawa sa Mansyon habang wala kami kaya nainlove si Nathan." saad niya at tumawa ng nakakaloko. "Kung ano man iyon, ang galing ni Nathan kasi napag break niya yung dalawa."
Napaisip ako don ah? Hindi ko alam kung bakit para akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa narinig ko.
---
Nang matapos na sila kuya Topher ay hinanap muna namin ang galang si Chase saka kami bumalik sa lugar na pinagpark-an ni kuya Topher.
Habang hinihintay naming buksan ni kuya Topher ang kotse ay bigla kaming kinabahang lahat.
"What the f*ck-" nauutal na sambit ni kuya Topher at nagising naman ang diwa naming lahat.
Lumapit si Chase sa kanya. "What's wrong bro?"
"F*ck it's open!" sigaw nito dahilan para magsi-lapit kaming lahat. "Keira? Keira?!"
Nang buksan niya ang pinto ay wala kaming nakitang kahit anino ni Ate Keira.
"Ate Keira?!"
"Where is she?!"
Keira's Point of View
Nagising ako sa mabangong amoy na kanina pa naaamoy ng ilong ko. Amoy marshmallows ang buong kwarto, nagugutom ako.
"Eerah?"
Dahan-dahan kong inunat ang likod ko saka binuksan ang aking mga mata.
"What the-"
"How's your sleep, sweetie?" nakangiting bungad sa 'kin ni Logan.
Namamalik-mata ba ako?!
"A-anong ginagawa mo dito?!" gulat kong tanong sa kanya.
"Ano bang nakakagulat na nandito ako sa loob ng bahay ko?" madiin niyang saad saka pinapasok ang mga maid sa loob ng kwarto.
Inilapag nila ang mga pagkain sa side table ng kwartong pinag pahingaan ko.
"You should eat." ngiti niya.
Hindi ko iyon sinunod at nagtaka naman siya.
Bakit ba ako nasa bahay ng ibang tao?! Anong ginagawa ko dito?!
"I tried calling someone on your phone, but no one's answering. Hindi naman pwedeng iwan kitang nakahandusay sa kalsada, that's why i brought you to my house."
Napaka inosente ng kanyang mukha at mukha namang seryoso at totoo ang explanation niya.
Hindi ko maiwasang maluha nang maalala kung ano ang nangyari kanina at napansin niya naman ito kaya umupo siya sa gilid ng kama at pinunasan ang luha ko.
"Don't worry, nasa prisinto na siya. My family will take care of it. And with our influence, I'm pretty sure that he will rot in jail." paninigurado niya sa 'kin.
Something pushed me to believe in his words. My heart trusts him. And I will be forever thankful for what he did. He saved me from hell.
Tatayo na sana ako mula sa higaan ngunit napadaing ako sa sobrang sakit ng katawan ko.
"Don't move yet," nag-aalala niyang sabi. "Sabi ng Doctor kailangan mo munang mag pahinga."
"Pwede naman akong mag pahinga sa bahay namin eh."
"I- i don't want you to get hurt again, so please, just stay here." hinawakan niya ang kamay ko at ramdam ko ang init nito.
Sinunod ko ang payo niya na manatili muna at nagpahinga saglit. Ngunit nagulat ako nang hindi siya umalis sa tabi ko, nanatili siyang nagbantay sa 'kin hanggang sa pati siya ay dalawin na ng antok.
Sinuri ko ang mukha niya at hindi mapagkakailang gwapo nga siya. Hindi mo makikitaan ng kahit anumang pores, parang hindi siya tao.
Naalimpungatan siya nang bigla akong gumalaw.
"You're awake. Good morning, sweetie." nakangiti niyang bati sa 'kin. "Kamusta ang pakiramdam mo?"
Sinubukan kong pakiramdaman ang katawan ko at hindi na masyadong masakit ito kumpara kanina na para akong binugbog.
"I-i'm okay, i guess." i tried to hide the pain by smiling.
He hand me an ice pack. "Use it, it'll help to lessen the pain."
Nakangiti ko itong tinanggap mula sa kamay niya at idinampi ang ice pack sa parte ng katawan ko na masakit.
"Aren't you hungry? I'll cook anything you want." he asked.
Umiling ako. "Gutom ako. Pero wag kana mag-abala, okay lang."
"No, it's okay. I'll cook." he insisted. "What's your favorite food?"
Nag da-dalawang isip pa ako kung sasagutin ko ito pero sa tingin ko ay wala namang masama kung sasabihin ko kung ano bang favorite food ko. Di naman siguro big deal iyon.
"I like buttered shrimp."
Napangiti siya ng malaki sa naisagot ko. "Really? Ako din. Buttered shrimp is my favorite, ayon kasi ang palaging niluluto ng grandmother ko noon."
Hindi ako umimik kaya naman lumabas na siya ng kwarto. Akala ko ilalock niya ang pinto ngunit hindi niya ito ginawa. He's good at earning people's trusts. Bihira itong ganito na nagtitiwala ako sa isang taong hindi ko gaano kakilala.
I'm just aware that Logan is the Dean's grandson, he's smart, athletic, pero ang sabi nila masungit daw siya sa lahat ng tao. Pero bakit ang bait niya sa 'kin ngayon?
'Hindi kaya– omg! may balak ba siyang chop-chop-in ako?!'
Habang kung ano-ano ang naiisip ko ay may biglang pumasok sa loob ng kwarto na lalaki, mukhang hindi nalalayo ang edad niya sa edad ko.
Matangkad siya at amoy na amoy ko ang pabango niya na amoy mayaman.
Pinaningkitan niya ako ng mata. "What are you doing here?"
"H-huh?"
----
Ilang minuto pa ang nakalipas at tinawag na rin kami ni Logan para kumain. Sa wakas!
Hindi ko kinakaya ang atmosphere sa loob ng kwarto nang dahil sa batang katabi ko na akala ko'y mas matanda pa sa 'kin dahil sa tangkad!
Sa sobrang dami niyang tanong ay hindi ko na alam kung alin ba ang dapat kong sagutin.
Marahan akong umupo sa upuan sa left side ng lamesa habang nasa right side naman silang dalawa.
"Hyung, is she allowed here? Mom will kill you if she finds out." pag-uusap ng dalawa sa mismong harapan ko.
Ako sana ang sasagot ngunit sinenyasan ako ni Logan na ipagpatuloy ang pagkain.
"geunyeoneun moleulgeoya," sagot ni Logan.
'translate: she won't know.'
Tinaasan siya ng kilay ng bata. "naneun geunyeoege malhal geos-ida."
'translate: i will tell her.'
"Yukiro!" nanunuway ang tono ni Logan. "geuleom naega neol dog-illo dollyeobonaemyeon eotteoghaji?"
'translate: so what if I send you back to Germany?'
Sumimangot ang bata. "al-ass-eo, ib damulgo iss-eulge."
'translate: fine, I'll keep my mouth shut.'
Nanahimik ang buong paligid at pinagpatuloy na lang namin ang pagkain ng buttered shrimp na niluto mismo ni Logan.
Nang biglang magtanong muli ang makulit na bata. "geunyeoneun dangsin-ui yeoja chingu-ibnikka?"
'translate: is she your girlfriend?'
Nasamid ako ng kanin kaya dali-dali akong uminom ng tubig.
Ngumisi ng nakakaloko si Logan sa bata. "geunyeoneun nae anae,"
'translate: she is my wife.'
Hindi sumagot ang bata at ngumuso.
"geunyeoneun yeppeuda, geuleohji?" hirit pa ni Logan, inaasar ang bata.
'translate: she's pretty, isn't she?'
Padabog na binitawan ng bata ang kutsara sa plato. "dagchyeo jebal."
'translate: shut up please.'
Tumawa-tawa pa si Logan dahilan para mas lalong maasar ang bata. "dangsin-eun jiltu?"
'translate: are you jealous?'
"geunyeoneun nae taib-iya, geunyeoneun yeppeuda."
'translate: she's my type, she's pretty.'
Sinulyapan ako ni Logan dahilan para malunok ko ng buo ang shrimp kaya napainom na naman ako ng tubig.
"dangsin-eun geunyeoleul gajil su issseubnida," ngisi niya habang nasa akin ang tingin.
'translate: you can have her.'
'Aba, anong trip ng mokong na 'to at di pa rin tapos mag asaran?!'
"neohuideul geunyang joyonghi bab meog-eumyeon an dwae?" saad ko saka sinubo ang huling piraso ng shrimp na nasa plato ko.
'translate: why can't you guys just eat quietly?'
Natahimik sila kaya nagsalita akong muli. "kkeutnaess-eoyo sigsa gamsahabnida,"
'translate: I'm done, thanks for the meal.'
"Hatid na kita," pag-aya naman ni Logan.
"No need, I can manage." ngiti ko naman sa kanya. "naega galge, jagiya." pangaasar ko.
'translate: I'll go ahead, honey.'
To be continued. . .