KABANATA 13

1614 Words
Keira's Point of View HABANG hinahanap ko ang pinto ng bahay nila ay may biglang pumigil sa kamay ko. Nagtaas ako ng tingin at nakita ang nag-aalalang mukha ni Logan. Niluwagan niya ang pagkakahawak sa pulsuhan ko. "Ihahatid na kita. Madilim na sa labas, delikado." Kung tutuusin ay tama naman si Logan, may punto naman. Baka kung ano rin ang mangyari sa 'kin, katulad kanina. Kasalanan nila kung bakit muntik na akong madali kanina ng demonyo na iyon. "Okay, sabi mo eh." pagpayag ko at ginawaran siya ng malawak na ngiti. "Tara na. For sure hinahanap na ako ng mga 'yon," Paalis na sana kami nang biglang magbukas ang pinto ng bahay nila at iniluwa nito ang isang matanda na magandang babae at isa namang yayamanin na lalaki. Nagulat pa sila ng bahagya nang magtama ang tingin namin. Naramdaman ko rin ang kabang naramdaman ni Logan nung sandaling iyon. "Logan," seryoso ang tono ng babae. "Who is she?" Ipinasok ng matandang lalaki ang kamay niya sa bulsa saka bumaling kay Logan. "Nagagawa mo nang magdala ng babae sa pamamahay ko ngayon?" Ay shuta! Baka krumpalin ako here ng parents niya. Di ko pa keri madeads! Bumitaw ako mula sa pagkakahawak ni Logan para sana ay depensahan ang sarili ngunit nabigla ako nang hablutin pabalik ni Logan ang pulsuhan ko. "She's my girlfriend." "Andwae!" --- "So tell me...what are your parents' job?" pagtatanong sa akin ng mommy ni Logan. "Laundry? Tricycle driver? Waiter? Vendor–" "Mom!" "What?!" Pakiramdam ko ay anytime pwedeng-pwede na ako himatayin, hindi kinekeri ng bangs ko ang mga tanungan ng mamshie ni Logan. Kaloka 'te, di pa naman kami mag papakasal. "Seems like your girlfriend can't answer our questions," tinaasan ako ng kilay ni Dean Grey saka bumaling sa apo. "Saan siya nag-aaral? Don't tell me sa–" "S-sa Scarlet po, Dean." matapang ko iyong sinagot. Napahigop siya sa kape nang dahil sa sinabi ko. "What grade level?" "Classmates po kami n-ni Logan." Nag tinginan ang dalawang matanda at natahimik naman saglit ang paligid ngunit agad din itong nabagsak nang mag tanong muli ang matandang babae. "Kung ganon, you're hella smart." she said, sarcastically. "Scholar?" Marahan akong tumango at nagliyab naman ang mga mata ng matandang babae. Totoo ang sinabi ko, pinasok ako ni Daddy sa isang scholarship program dahil ang sabi niya sayang daw ang talino ko kung hindi ko naman gagamitin. Habang si Eerah naman ay napagpasyahan nilang bayaran nalang ang tuition. Pansin ko namang ikinagulat ni Logan ang sinabi ko dahil narinig kong makailang buntong-hininga siya. "Anong ginagawa mo sa house namin this late?" the woman asked again, hindi siya nauubusan ng mga tanong siya ba si boy abunda? "May nang–" pinutol ni Logan ang sasabihin ko. "Mom, she needs to go home." tumayo siya mula sa pagkakaupo saka lumapit sa gawi ko at hinawakan ang dalawang balikat ko. "Let's go, sweetie." Hindi na ako nakatanggi pa dahil hindi ko rin naman gustong mag stay doon. Nag paalam muna ako sa kanila saka kami lumabas ng bahay na iyon. Habang nag dadrive si Logan ng kotse ay tumatawa-tawa siya ng nakakaloko na ipinagtaka ko. "Anong nangyari sa 'yo? Nabaliw kana ba sa sobrang kaba mo kanina?" sarkastiko kong tanong at natawa naman siya lalo. "You're so brave, sweetie." saad niya saka luminga-linga. "I am sure magpapa investigate 'yon. They'll do a background check for sure." "Really? Okay then." sagot ko, walang bahid ng takot ang boses. Bakit nga ba ako matatakot kung wala naman akong tinatago? "Wala ka namang criminal records diba?" biro niya saka umiling-iling. "Baka serial killer ka ha?" "Kakawattpad mo 'yan." biro ko naman. Nang makarating kami sa mansyon ay agad kong sinubukang tanggalin ang seatbelt ko pero hindi ko magawa. Napansin ni Logan na nahihirapan ako kaya agad siyang lumapit sa seat ko at tumulong na tanggalin ang seatbelt ko. Sa lapit ng mukha niya sa dibdib ko ay hindi ko maiwasang manigas, amoy na amoy ko ang mamahalin niyang pabango. Habang tinatanggal niya ang seatbelt ko ay napatingin siya sa mga mata ko dahilan para mag-init pa lalo ang pisngi ko. Nasa ganoong posisyon kami nang may biglang agrisibong kumatok sa bintana ng kotse. Nang lingunin ko ito mula sa pagkakatitig namin ni Logan sa labi ng isa't-isa ay nakita ko ang galit na mukha ni Topher. Patuloy pa rin siya sa pagkatok kaya naman tuluyan na akong bumaba ng kotse. "Fvck you, Logan!" pagmumura niya kay Logan na ikinagulat ko ng sobra. "Stay away from her or I'll fvcking kill you!" Nginisian lang siya ng nakakaloko ni Logan saka nagpaandar paalis. Bumaling sa 'kin si Topher. "What the hell are you doing with that jerk?! Alam mo bang halos mamatay na kami kakahanap sa 'yo, tapos nakikipaglandian ka lang pala sa lalaking 'yon?!" Sa sobrang lakas ng boses niya ay naglabasan na sila Eerah na gulat na gulat nang makita ako. "Hoy tanda," panunuway sa kanya ni Ethan. "Tigilan mo na nga si Keira, baka naman nabored lang." "Shut the fvck up, Ethan! Alam mo ba kung anong pwedeng mangyari sa kotse nang dahil sa ginawa mo?!" pagpapatuloy ni Topher sa pagsigaw sa 'kin. "P-pero kasi–" pinutol ni Eerah ang sasabihin ko. "You're unbelievable, ate Keira. I'm very disappointed." bakas sa boses ni Eerah ang pagkadismaya. "Who's the guy you are with?" biglang tanong naman ni Chase at siniko siya ni Ethan. "Enough, pagpahingain niyo na siya." seryosong tugon ni Nathan saka bumaling sa 'kin. "You may go ahead." Sinunod ko ito dahilan para mas lalong mag-init ang ulo nila Topher. Hindi manlang nila ako hinayaang mag explain kaya ano pa bang punto para mag stay ako don. Sinamahan ako ni Nathan mula sa pagsakay sa elevator hanggang sa pag-akyat sa kwarto ko. Umiling-iling siya dahilan para makuha ang atensyon ko. "I'm very sorry, Keira. Paranoid lang sila. You'll get use to it." Sandali akong hindi nakaimik. "I-i was sexually assaulted." naiiyak kong usal at namalayan ko na lamang napaupo na ako sa sahig. "You're w-what?" "Nung naghihintay ako sa kotse... S-someone opened the car, he saw me and then grabbed me outside. And then he– he touched me." sinikap kong ilabas iyon lahat mula sa bibig ko. "Keira..." "I'm glad Logan was there to save me, he brought me to his house after I fainted. T-that's what happened." "B-bakit hindi mo agad sinabi kanina?" malungkot ang boses niya dahilan para mas lalo rin akong malungkot. Napatingin ako sa kawalan. "No one's willing to listen to me, what's the point of explaining?" Eerah's Point of View Sobra-sobra ang galit na nararamdaman ko. Ginawa namin ang lahat para mahanap lang siya tapos makikita na lang namin siyang lumabas sa kotse ng isang lalaki? ANG LANDI NIYA! Hinanap namin siya kung saan-saan, inabot kami ng anong oras sa paghahanap tapos uuwi siya at aalis nalang sa harapan namin? Wala manlang sorry?! "Eerah, pagsabihan mo ang kapatid mo. Mas matanda siya sa 'yo pero ganon siya mag-isip." pinaglaruan ni Chase ang ballpen sa daliri habang nakatingin sa 'kin. "Yeah, I can't believe she did this to us." nag aapoy ang mga matang gatong pa ni kuya Topher. "Si Logan pa talaga." "Ano bang meron kay Logan?" pagtatanong ko. Hindi ko alam kung nagagalit ba sila dahil sa ginawa ni Keira o dahil sa lalaking kasama niya. Kanina pa kasi sila puro Logan eh. "Yung apo ng Dean. Sobrang yabang non, inagaw niya 'yung mga chicks namin ni Chase." sagot naman ni Ethan. "Ilang competitions na kaming natatalo sa kanya because he's the Dean's grandson. It's very annoying." dagdag pa ni kuya Topher. "Kung ganon, ayon pala ang dahilan kung bakit kayo nagagalit kay ate Keira kanina?" Hindi sila nakaimik. Napagpasyahan na lang naming manood ng movie at nagluto naman ng popcorn si kuya Topher. Habang nanonood ay pansin namin ang pananahimik ni Nathan. Tahimik siya madalas pero hindi naman ganito katahimik. "I have something to tell you guys." saad niya dahilan para mapukaw niya ang atensyon ng lahat. "What is it?" si kuya Topher ang sumagot habang sumusubo ng popcorn. "Si Keira.." "What's with the slut?" masungit kong tanong. "may pinapasabi ba siya? gusto niya mag sorry?" "No, shut the fvck up, Eerah." "Nathan!" panunuway sa kanya ni kuya Topher. "What? She doesn't have any rights to call her older sister slut!" paninigaw ni Nathan habang masama ang tingin sa 'kin. "You guys are very judgemental! You can't even listen to her explanation first!" "Ano ba kasi 'yon, Nathan?!" Sandaling binalot ng katahimikan ang paligid. Kinuha ni Nathan ang cellphone niya saka pinlay ang record. "I-i was sexually assaulted." "You're w-what?" "Nung naghihintay ako sa kotse... S-someone opened the car, he saw me and then grabbed me outside. And then he– he touched me." "Keira..." "I'm glad Logan was there to save me, he brought me to his house after I fainted. T-that's what happened." He clicked the stop button and the record ended. "The girl you called slut," baling ni Nathan sa 'kin. "Was sexually assaulted earlier. And the guy you guys called jerk, helped her." Para akong naestatwa sa narinig. T-totoo ba 'to? She was sexually assaulted?! Why didn't she tell us? "I-i don't know what to say." tanging naisagot ni kuya Topher. "Where is she?" "She's inside Mom's room." sagot ni Nathan at aalis na sana si kuya Topher ngunit pinigilan siya nito. "Let her rest. She needs to rest after everything you guys said to her earlier." "Don't act like you guys really care for her." dagdag pa ni Nathan. "Because if you really do care, lalo kana, Eerah. You could've listened to her first, before you reacted." To be continued. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD