Keira's Point of View
"IWAN ko muna kayo," saad ni Eerah at iniwan kaming dalawa ni Ethan.
Binalot kami ng katahimikan na agad din niyang binasag nang bigla akong humakbang na tila ay naiinip na.
"Where have you been?" he asked me while looking directly into my eyes. "N-nag-alala kami sa 'yo. We've been looking for you for hours,"
Hindi ko maiwasang makaramdam ng guilt. Alam kong hindi dapat ako nag sisinungaling sa kanila, pero kailangan ko itong gawin. Kung hindi, parehas kaming malalagot ni Toph.
Hindi ako nakasagot at napa-buntong-hininga na lamang. Nanlaki ang mata ko nang iabot sa 'kin ni Ethan ang purse ko na kagabi ko pa hinahanap.
"You forgot this last night sa may table natin." sabi niya habang nakababa ang tingin.
Kinuha ko ang purse mula sa kamay niya. "Thank you, Ethan. I-i'm very sorry for disappearing last night. I didn't–"
Hinatak niya ang pulsuhan ko papalapit sa kanya dahilan para mapasandal ako sa katawan niya.
Mainit na yakap ang iginawad niya sa 'kin. "I've missed you. I-i was scared. I was scared I might lose you."
Halos maubos ang energy ko kakapilit na umalis sa bisig niya ngunit hindi ko magawa dahil sa lakas ng pwersa nito.
"Keira," he whispered while hugging me.
"Hey, stop it already. You're hurting me." I replied as he squeezed me.
"I'm sorry, Keira..."
Ilang minuto siyang paulit-ulit na humihingi ng tawad sa 'kin ngunit kahit hindi ko alam ang dahilan ay hinayaan ko na lang siya.
Nang lumipas ang ilang minuto, sa wakas ay kumalas na rin siya sa pagkakayakap niya sa 'kin.
"I'm glad you're fine," sambit niya habang nakahawak sa magkabilang balikat ko. "But seriously, where were you last night?"
"I told you, I was at my friend's house..." sagot ko at tinaasan niya naman ako ng kilay.
"I didn't know you had a friend." tinaasan niya ako ng kilay, mukhang hindi siya kumbinsido sa isinagot ko sa kanya. "Which friend?"
Nag-iwas ako ng tingin. "I was at..."
I didn't know what to say next. Hindi pwedeng si Logan ang gawin kong excuse dahil baka pagalitan ako ni Daddy kapag nalaman niyang natulog ako sa bahay ng isang lalaki.
Until I saw someone familiar, she noticed me looking at her and I smiled awkwardly. Her eyes widens the moment she recognized me.
"Keira!" tinawag niya ako and then she walked towards us. TAMA! I CAN USE LEILA AS AN EXCUSE! "I can't believe I will see you here! How's–"
"Oh... Leila!" nginitian ko siya ng pilit saka hinarap si Ethan. "She's the friend I'm talking about."
Nginitian naman siya ni Ethan. "Nice to meet you, I'm–"
"Ethan Joshua Reyes?!"
Nagkibit-balikat si Ethan. "How do you know?"
"Are you kidding me? You used to date my friend, Loisa! Don't you remember her?"
"Oh, I don't really remember my exes." awkward na sagot ni Ethan rito. Sabagay, sa dinami-rami ng mga nakarelasyon ng batang 'to eh mahihirapan talaga siyang tandaan silang lahat.
"And besides, I don't want to talk about them." he replied, halatang may inip sa boses niya. "Can you just confirm if what Keira said earlier was true or if she's just lying?"
"Yes, I'm Keira's friend, best friend to be exact. Ayon lang ba?" takang-tanong naman ni Leila.
"Hindi 'yon. Totoo bang sa inyo natulog kagabi si Keira?"
Sinamaan ko ng tingin si Leila, trying to give her a hint.
"Actually..."
"Ano?" nakakatakot ko siyang nginitian. "Diba sa inyo ako natulog?"
"I'm not sure eh, I was drunk din kasi. As a result, I am unaware of what happened last night." pagpapalusot niya.
For God's sake! This girl is really making my blood boil! She should've just said, 'We were together yesterday!'
Naramdaman ko namang nag simula nang makaramdam ng hinala si Ethan. Kapag nalaman niyang may nangyari sa 'min ng kuya niya? For sure he's going to tell Tita Elisse about it, or even worse, tell my Dad about it.
Hindi pa man ako nakakalusot sa sagot ni Leila ay may bigla nang lumapit na babae sa gawi namin. Sa uniform na suot niya ay mukhang dito siya nag tatrabaho.
"Ma'am, naiwan po ata ito ng kasama niyo sa taas." pag-abot niya sa 'kin ng wallet na pang lalaki.
Inagaw ito ni Ethan mula sa kamay ko at sinuri ang wallet na ito. Buti nalang at walang lamang picture at credit cards yung wallet na posibleng maging ebidensya na si Topher ang nagmamay-ari nito.
"Keira, I think you have a lot of explanations to do." nakapamewang na aniya.
"Well, I guess my job is done here." paningit ni Leila saka ako hinalikan sa cheeks. "I'll go ahead. Text mo na lang sa 'kin kung totoo ang hell. Bye!"
Nang makaalis si Leila ay naupo si Ethan sa mahabang sofa.
"This is a guy's wallet. It's too impossible na gagamit ka nito, masyado kang girly." he sounds so disappointed. "Tell me the truth Keira. I swear I won't judge you."
Something in my heart tells me to tell Ethan the truth. To admit that Topher and I enjoys each other's company A LOT these days.
"The truth is..."
That's when his phone starts ringing. Nag flash sa screen ang pangalan ni Chase.
Sinagot ni Ethan ang tawag saka inilapit ito sa kanyang tenga. "Where the hell are you guys at? What? A resort? For what? What are you talking about?"
Shoot! May swimming nga pala kami! I almost forgot about it! Masyado akong nadistract!
Ibinaba ni Ethan ang cellphone niya saka ako hinarap. "Let's go, nasa resort na raw sila. Tayo nalang at sila Mom and Tito Anthony ang hinihintay."
"You mean, they left us while we're talking? Ang bilis naman nila?" nagtataka kong itinanong at bumuntong-hininga naman siya.
"Yeah, maybe we talked for too long." he said, sarcastically. "Tara, you have so much explanations to do later."
Kinabahan ako sa sinabi niya.
Hinawakan niya ang kamay ko saka kami tumakbo palabas at naghanap ng taxi.
Nang makaupo kami sa loob ng taxi ay hinarap ako ni Ethan.
"Keira, now it's only the two of us you're free to explain your side."
"More like... Three of us?" nginuso ko si kuyang taxi driver.
Maka ilang buntong-hininga si Ethan. "He doesn't care about us."
"Keira, just tell me the truth. I'm all ears." he insists. "I don't want to believe that you slept with another guy. I can't. So please, tell me you didn't."
'Haist bakit ba masyado akong takot sa kanya?'
"I thought you said earlier that you won't judge me no matter what."
"I'm not judging you! I'm just hoping that–"
Dinampi ko ang labi ko sa labi niya at natigilan naman siya rito. "I hope the kiss explains the answer to your question."
"Why... Why did you do that? Is that for real?" sunod-sunod niyang tanong. Pulang-pula na ang tenga niya, sa dami ng mga dinate niya, di pa ba siya sanay?
"Why are you blushing? Don't tell me you haven't kissed anyone before?" I asked him.
"Huh? N-no! I'm n-not blushing!"
Hindi ko rin alam kung bakit ko siya hinalikan. Maybe because his lips looks juicy?
"Keira, I know this is awkward but..." nagbaba siya ng tingin. "Can you kiss me again? Well, I understand if–"
I kissed him once again but this time, passionately.
I felt Ethan gently brush his hands on my hips. My hands were messing with his hair and his kisses began getting deeper and slower. His hands gracefully squeezed my hips, and his lips left a hot kiss on my neck.
"Ethan..." ungol ko.
It was getting so hot, his skin against mine. But then I realized there was someone else inside the taxi. I looked at the driver and he almost froze to death.
'This is SO awkward.'
Nang mapansin ni Ethan na nakatingin ako sa gawi ng driver ay natigilan kaming dalawa sa ginagawa namin at napilitang umayos na ng upo.
Hindi kami nagpansinan ni Ethan hanggang sa makarating kami sa resort and I completely understand why. What would you feel if you made out with your soon-to-be stepsister?
"Keira," pagtawag niya sa pangalan ko dahilan para matigilan ako sa paglalakad.
Hinarap ko siya habang naka pamewang, hinihintay ang kung ano 'mang balak niyang sabihin.
"I'm sorry, Keira." nagbaba siya ng tingin habang naka kagat-labi.
'Kanina pa siya paulit-ulit na nag sosorry sa 'kin ha?'
"Ethan, there's nothing to be sorry about. We both lose control kanina. " I cleared it, so he won't worry about it anymore.
Nagbago ang tingin sa mga mata niya. Mula sa kabadong mga mata ay napalitan ito ng lungkot.
"A-ah tara?" nahihiyang aniya at nagpaunang pumasok sa resort.
'I'm sorry, Ethan. Sleeping with your brother was a mistake, but I don't know why making out with you doesn't make me feel any guilt.'
Malalim akong bumuntong-hininga at sumunod kay Ethan. Nasa cottage na silang lahat, kahit nasa malayo ako ay kitang-kita ko na ang mabuhay na pag mumukha ni Eerah.
Mukhang ka-kwentuhan niya ang tatlong magkakapatid. They all look cute together, para talaga silang magkadugo.
Nang makalapit kami sa gawi nila ay sinalubong kaagad ako ni Eerah ng isang mahigpit na yakap.
"Ate!"
Sinuklian ko ang yakap niya habang abot tenga ang ngiti ko. "Eerah, 'wag kang masyadong maingay. Baka palayasin tayo rito."
Humiwalay siya sa yakap at hinarap ako. "Tara! Swimming na tayo!"
Hindi na ako nakatanggi pa dahil halos kaladkarin na ako ni Eerah papunta sa pool.
Magkahiwalay ang pool at dagat. Pwedeng sa dagat o sa pool maligo, kung gusto mo pwedeng maligo ka sa dalawa. Pero sa case namin ni Eerah, hindi siya pwedeng maligo sa dagat dahil nagkakaroon siya ng rashes.
Eerah's Point of View
Ito na ata ang pinaka masayang nagawa namin sa Pilipinas! Malayo sa stress! Hindi naman pala kailangang uminom para sumaya eh.
Natahimik si Ate Keira kaya naman ay bigla akong nacurious kung anong pumasok sa isip niya.
Dahan-dahan akong nag swimming papunta malapit sa kanya at nagulat naman siya nang makita niyang nasa tabi niya na ako.
"Gosh! You almost killed me!" angil niya at napahawak sa dibdib.
Nag peace sign ako. "Sorry ate, napansin ko kasing tumahimik ka nalang bigla eh. May something ba?"
Hindi siya makatingin sa mga mata ko. "W-wala..."
"Really? Eh bakit–"
"Eerah, stop asking weird questions!" irap niya sa hangin at natigilan naman ako. Mukhang naguilty siya nang makitang bumusangot ako kaya naman pinakalma niya ang sarili niya. "Fine. I'm not okay, but I won't tell you why."
kumunot ang noo ko sa narinig. "Why?"
"Because it's something a kid shouldn't know. And you? You are a kid." sambit niya at winasikan ako ng tubig at lumangoy palayo sa 'kin.
Hayst si ate talaga, ang tanda-tanda ko na pero bini-baby pa rin ako!
Hindi na ako naka angal pa dahil mukhang hindi maganda ang mood ni Ate Keira ngayon.
Ilang minuto pa at nanatili kaming lumalangoy sa pool. Sandaling umahon si ate Keira dahil bigla siyang tinawag ni Daddy kaya naman naiwan ako sa pool.
Inaliw-aliw ko ang sarili ko sa pamamagitan ng pagtake ng pictures. Sayang ang moment kung di ko rin macacapture. Plus, gusto kong ipamukha sa mga mean girls na hindi lang ako basta student na mukhang yagit, mayaman kami- este ang stepmom ko 'no!
"Hoy," pagtawag sa 'kin ng anak ng kadiliman. Si Son Goku na mukhang yagit.
"Oh, bakit?" pataray kong sagot.
Dahan-dahan niyang ibinaba sa tubig pool ang paa niya. "Ang lamig naman! Try mo nga sa mukha mo."
Isang malaking alon ang tumangay sa katawan ko paatras nang tamaan nito ang mukha ko. Isang alon. Alon na galing sa paa ng isang anak ng kadilim-diliman. Punyetang Son Goku 'to!
"Ano ba?!" angil ko ngunit wala siyang pakialam. Tinawanan lang ako ng gago, abnormal siguro 'to.
"Malamig 'di ba?" aniya at lumangoy palapit sa 'kin. "Bakit hindi ka naka two piece? Nasa resort kana pero yung suot mo pang palengke pa rin."
"Excuse me," sagot ko, dinamdam ko ang pang iinsultong sinabi niya. "Alam mo ba Chase, mas maaappreciate siguro kita kung hindi mo binubuksan 'yang bibig mo."
Sandali kaming binalot ng katahimikan na agad naman niyang binasag ng napaka lakas na tawa.
Dahan-dahan siyang lumapit sa 'kin at cinorner ako sa kanyang bisig. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Sa sobrang lapit, amoy na amoy ko ang amoy strawberry na hininga niya.
"Hay nako, Eerah. Sa panahon ngayon, wala nang sinasara. Lahat binubuka." kindat niya at ngumiti ng nakakaloko.
Akala ko nainsulto siya sa sinabi ko, 'yun pala nag-iisip lang siya ng isasagot na kabalastugan.
Malakas ko siyang tinulak ngunit hinablot niya ang kamay ko dahilan para masama ako sa kanya sa paglubog.
Sinubukan kong umahon pero hindi niya pinakawalan ang kamay ko. Hinablot niya ako pabalik dahilan para masubsob ako sa dibdib niya. Mula sa posisyon ko ay damang-dama ko ang matigas niyang abs.
Nanlaki ang mata ko habang siya naman ay nanatiling nakangisi na para bang nangangasar.
Nakarinig kami ng apak mula sa malapit. "Chase?"
Aahon na sana ako nang muli niyang pigilan ang kamay ko at sumenyas na hindi pwede.
"Babe, are you there?" isang pamilyar na boses ng babae.
Kahit ilang beses ko pa lamang iyon narinig. Alam ko na kung sino ang nag mamay-ari ng boses na ito.
"Penelope," boses ni Nathan. "What are you doing here?"
'Hindi kami pwedeng makitang magkalapit ni Nathan! Baka kung ano pang isipin niya!'
"I was looking for my boyfriend, nakita ko kasi yung IG story niya few minutes ago." sagot naman ni Penelope.
"Chase?"
"Who else is my boyfriend?" pagtataray naman ng babaeng kasing-sama ni Ursula. "Ikaw, what are you doing here? Kasama mo si Chase here kanina?"
"N-no! We're not as close as you think we are. I-i'm here with my family." nauutal na sagot naman ni Nathan.
'Grabe, ilang minuto pa ba silang mag-uusap? Malulugutan na ako ng hininga dito!'
"Oh, really? That's nice! Can I meet them? I'm-"
"You know what? You should go. Nag message sa 'kin kanina si Chase, nasa Eleonor's resort daw siya."
'Huh? That's not true! Nandito si Chase, and I am f*cking on top of him!'
"Really? Alright, I'll go there." narinig namin ang isang tunog na tila ba isang halik.
'HINALIKAN BA NI PENELOPE SI NATHAN?!'
Maya-maya pa ay narinig na namin ang tapak ng takong ni Penelope sabay ng kay Nathan.
Nang makaahon kami ay habol-habol ko ang aking hininga. Napatingin ako sa hingal rin na si Chase pero magkasalubong ang kanyang mga kilay.
Sa itsura ni Chase ngayon, para bang makakapatay na siya anytime.
"Uy, ayos ka lang ba?" tanong ko ngunit hindi niya iyon pinansin.
Matapos niyang suminghap ng hangin ay kaagad siyang umahon sa pool at tumakbo pababa.
"Hoy Son Goku! Hoy anak ni Lucifer!" nag-aalala kong pagtawag ngunit hindi niya pa rin ako nilingon. "Chase!"
"Hayst, ano na naman kayang plano non?" usal ko sa kawalan at hinabol ang anak ni satanas.
To be continued. . .