Eerah's Point of View
HABOL ang hininga ay pinagmasdan ko ang kanina pang nag-iinit sa galit na si Chase at ang chill lang na nakasandal sa kubo na si Nathan.
"Tell me the truth, Nathan." lumalim ang tingin ng anak ng kadiliman na si Son Goku sa kapatid nitong kasing-tigas ng bato at kasing-lamig ng yelo. "What's going on between you and my girlfriend? The truth, Nathan... Tell me the truth."
"What should I tell you? I don't know which of your girlfriends you are talking about." nangangasar nitong tugon sa umaapoy sa galit na kapatid.
"Answer my question honestly, jerk!"
Marahan akong napaatras sa biglaang pagsigaw ni Chase. Grabe naman magalit 'to parang mangangain na. Ilang minuto pa silang nagtitigan bago mahuli ni Nathan ang tamang kasagutan. Ngumisi siya ng malaki na para bang may binabalak gawing masama at mas lalo namang naasar si Son Goku rito.
Humakbang papalapit si Nathan sa kanyang kapatid habang nakapamulsa. "You want to know the truth? I'll give you the truth." bulong nito na may nakakaasar na ngiti sa labi. Last night, Penelope and I kissed. I saw her dancing at the bar. She looked so hot. She was dressed in a lacy black gown that added to her heat. And guess what? We kissed. And one thing led to another, and another."
Sandaling tumigil si Nathan at ngumisi. "And we did something you wouldn't want to know. But I'm pretty sure you're not too dumb to get it right away." kindat pa nito saka sandali akong tinapunan ng tingin.
"Gago ka!" malakas na suntok ang kaagad na dumapo sa mukha ni Nathan at napadapa naman ito sa sahig.
Para akong binawian ng kakayahang magsalita at wala akong ibang nagawa kundi panooring magpatayan si Son Goku at Light Yagami. Nag suntukan ang dalawa sa harap ko na para bang nakalimutang menor de edad pa ang nanonood sa kanila.
"Tangina, Nathan naman!" ani Chase habang patuloy pa rin sa kabayolentehang ginagawa nila. Nang sa wakas ay tumigil si Chase sa panununtok sa kapatid ay napaupo na rin ito sa sahig at hinilot ang sintido niya. "Ilang oras ka sa gym tapos wala ka pa ring binatbat sa 'kin? Partida tuwing free time lang ako dun ah."
Dahan-dahan akong lumapit sa gawi nila at pansin kong napatingin naman sa 'kin si Nathan. "Uy Son Goku, a-ayos ka lang ba?" tanong ko sa anak ni kamatayan nang makitang dumudugo ang maliit na parte ng labi niya.
Natatawang tumango si Chase bilang tugon saka hinampas ng mahina sa likod si Nathan. "At least dito, talo kita. Mauna na 'ko sa cottage, mukhang may hinandang pagkain si Tanda doon eh. Sumunod kayo,"
"Huh? Hoy! Yung sugat mo. Gagamutin kita, dito ka mu—"
Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil mabilis na tumakbo paalis si Chase sa 'min. Hindi ko alam kung ginagamit niya pa ba ang kalahating parte ng utak niya. Hindi ba sila papagalitan kapag nalaman ni Tita Elisse na nag suntukan sila dito kanina?
"Mas madami akong sugat na tinamo kesa sa lalaking 'yon. But why are you so worried about him instead of me? I almost died there earlier!" saad niya na para bang nanunumbat at nagtatampo.
Why does he sound like I betrayed him? Siya kaya itong loko-lokong nanghalik ng girlfriend ng kapatid niya!
Doon ko lamang napansin na mas marami nga siyang tinamong sugat at mas halata kesa sa maliit na sugat sa labi ni Son Goku. Sa bagay, mukha namang basag-ulo si Chase kaya hindi na nakakapagtaka kung marami nang napag balingan ng kabayolentehan 'yon.
Maaawa na sana ako sa lalaking may pagka parehas kay Light Yagami nang bigla kong maalala ang halik na narinig namin ni Chase kanina sa pool.
Pilit na ngiti ang iginawad ko sa kanya saka mahinang bumuntong-hininga. "I'm sorry, wala kasi ako sa mood para kumonsinti ng manloloko ngayon."
Susunod na sana ako kay Chase nang pigilan ni Nathan ang kamay ko. "Can you stay? I need your help." nangungusap ang mga mata niya. "I can pay you. I just don't know how to—"
Pinutol ko ang sasabihin niya. "Hindi ko kailangan ng pera— k-kailangan ko ng pera, pero hindi ang pera mo! At saka, bakit ako tutulong sa isang hayop na inagaw ang girlfriend ng kapatid niya?"
Taas-noo ko iyong sinabi pero pakiramdam ko ay lalamunin na ako ng lupa dahil sa kahihiyan. Kung bakit naman kasi ang awkward pa rin harapin nito ni Nathan eh. Maka ilang beses ko siyang narinig na bumuntong-hininga saka ako muling hinarap.
"Eerah, that's not how it seems. I have my reasons." pag eexplain niya naman. Sa sandaling iyon ay nakita ko ang malungkot na bahagi sa kanyang mata.
Nangungusap ang mga ito. Parang may gustong sabihin pero hindi masabi-sabi.
Patago kong pinitik ang pulsuhan ko gamit ang lastiko upang magising at kaagad naman akong napadaing sa sakit. "B-bakit? Ano bang reason mo? Kakatihan? Kaselfish-an? Kamanyak—"
"Take that back. I am not a snake nor selfish. Lalong-lalo na, I am not a freaking pervert." sagot niya at biglang nagbago ang awra ng mga mata niya. Nagalit ko yata. "Choose your words properly, Eerah. One more time you call me those, I will freaking kill you."
Napapalunok akong nagbaba ng tingin. Napadasal ako sa isip na sana ay hindi ako gawing bopis ng matigas pa sa yelong lalaking nasa harapan ko.
"N-nako Nathan! Pasensya na ha, naalala ko kasi naiwan ko 'yung phone ko sa pool. Una kana roon sa cottage ha." pagtakas ko sa kahihiyan saka lumayo sa isa pang anak ng kadiliman.
*
Nang makabalik na ako sa cottage ay hindi ko inaasahang makikita ko roon 'yong babaeng maihahalintulad mo sa isang manika ang kagandahang taglay. Si Natasha, 'yung ex-girlfriend ni Kuya Topher.
Nakaupo siya sa mahabang upuan na walang sandalan ngunit straight ang body posture niya kaya hindi na ito kailangan. Kausap niya si Tita Elisse habang sinasalinan siya nito ng juice. Mukhang close talaga sila, siguro si Ate Natasha ang tipo ng babaeng gusto ni Tita Elisse na pakasalan ni Kuya Topher sa future.
Hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga dahil sa kanya. Mayroong kung ano sa loob-loob ko na kahit ano pang kabaitan ang ipakita niya sa mga taong nasa paligid ay para bang may kaakibat itong kasamaan.
"Oh, Eerah. You're here... What happened to you? Masyado kang nag enjoy sa pool, ni-hindi ka pa nga kumakain ng lunch." usal ni kuya Topher nang mapansin niya ang presensya ko.
Napapalunok akong nagbaba ng tingin. "Ngayon ko lang po kasi naramdaman 'yung gutom."
Tango na lamang ang naisagot ni kuya Topher nang mapansin niyang hindi maayos ang mood ko. O 'di kaya nag sumbong na si kamatayan sa kuya niya?
"Eerah, take your seat. I'll prepare us lunch. Anong gusto mo?" saad ni Ate Keira at napangiti naman ako ng slight.
Tumayo siya saka inalalayan akong umupo malapit kay Ate Natasha. Kahit medyo malayo ako sa kanya, amoy ko pa rin yung bango niyang parang baby powder pero siguradong di galing sa kahit anong pabango. Sobrang bango niya!
Sinubukan kong ikalma ang sarili at ibinaling ko ang tingin sa nakatatanda kong kapatid. "I'll eat anything you'll serve, ate Keira." sagot ko at tumango siya.
"Alright, enjoy the view." and then she filled my plate with dishes. "By the way, Dad went out for a while to meet his friend. Hindi na siya nakapag paalam sa 'yo kasi mukhang nag eenjoy ka naman daw sa pool."
Nanlaki ang mata ko sa narinig. "P-pumunta siya sa pool?"
Tumango siya. "Oo, is there a problem with that?"
"W-wala naman." pilit na ngiti ang iginawad ko.
Nakita kaya ni Daddy 'yung samin ni Son Goku kanina?! Pano kung nakita niya nga?
"I'll go get some ice," Ate Keira told me. "Stay here."
I nodded. "Y-yes, ate."
Nang makaalis siya ay lumakas ang kabog ng puso ko.
"I'm dead. I'm so dead." bulong ko sa hangin na mukhang narinig ni Ate Natasha.
Narinig ko siyang humagikhik at tinapunan niya naman ako ng nanunuksong tingin.
'Bakit naman kaya tumatawa ang isang 'to? Abnormal ba siya?'
She looked at me. "It's nice to know you're getting closer to them. But it's surprising at the same time. I never expected you guys to be closer to each other for a short period of time."
"Huh?" kunot-noo kong tanong sa kanya.
"Nothing," tumayo siya saka suminghap ng hangin habang nakatingin ng maligaya sa dagat. "I'm going to swim. Aren't you coming with me?"
"H-huh? Hindi ako pwed–" namalayan ko na lamang na kinakaladkad na ako ng babaeng 'yon papunta sa dagat.
Hinubad niya ang cover ng swim suit niya at nilingon ako. "What are you doing? Tanggalin mo na 'yang sarong mo." usal niya at umiling na lamang ako. "Wait... Why do you look so pale? Are you scared?"
"Hindi... Hindi kasi ako pwede magbabad sa tubig dagat kasi–"
"Why? You're not a freaking kid anymore. Your Dad's not here naman diba." she smirked.
Bakit ba namimilit siya?
"He is in love with you."
"A-ano bang pinagsasabi mo d'yan? Lasing ka ba?" tanong ko naman at hindi niya iyon pinansin.
"Whatever, suit yourself." anito at saka lumangoy sa dagat.
Hindi ko siya iniwan dahil ayoko rin namang bumalik roon sa cottage at makita sila Nathan. Baka kasi chop-chop-in ako ng buhay ng mga 'yon eh. Hinintay ko siya habang nakaupo sa sand at pinagmasdan ang iba pang mga taong nag eenjoy sa paligid.
Nag ring ang cellphone ko at lumabas sa screen ang pangalan ni Daddy.
"D-dad, what's wrong?" pamungad ko sa tawag niya.
[ Nasaan ka? Are you with your Tita Elisse? Wag mo siyang iwan sa cottage. ]
"Pero dad–" hindi na ako naka-angal pa dahil pinatay niya na kaagad ang tawag.
Napairap ako sa hangin at malalim na bumuntong-hininga. Bakit ba lagi na lang siya ang nasusunod? Kailan ba 'ko makakagawa ng sarili kong desisyon? Lagi niyang sinasabi na kailangan kong tularan si Ate Keira na mabilis nag mature pero kung tratuhin niya ako, para bang puppet niya lang. Laging nakabase sa kung anong gusto niya ang mga gagawin ko.
Sana pala si Ate Keira na lang ako eh, para hindi nababalewala ni Dad 'yung mga efforts ko. Para hindi niya ako nacocontrol, para hindi na lang puro mali ko ang napupuna niya. Para naipagmamalaki niya rin ako sa mga kaibigan niya.
Nang matapos akong mag senti ay inayos ko ang sarili ko. Nilingon ko si Natasha sa dagat at nanlaki naman ang mata ko nang hindi ko siya makita.
'Gago? Sumisid ba 'yon?'
"Natasha?! Natasha!" hindi ko malaman ang gagawin. Napapatingin na rin sa gawi ko ang ibang mga tao sa resort.
Baka patay na 'yon ah!
I didn't know what to do, and I was left with no choice but to swim, to fight my greatest fear.
Tinanggal ko ang sarong ko at sinimulang salubungin ang tubig dagat gamit ang mga paa ko. Maka ilang beses akong bumuntong-hininga bago tuluyang ilubog ang katawan at languyin ang dagat. Sinisid ko ang dagat at hinanap ng mata ko ang babaeng mala-manika sa ganda. Hindi ko makita maski ang buhok ni Natasha kaya nilayuan ko pa ang lamoy at sinuring mabuti ang paligid.
Mula sa ilalim ay nakita ko ang walang malay na katawan ni Ate Natasha na nakalubog. Pigil-pigil ko ang aking hininga na nagpalubog din upang mailigtas si Natasha. Marahan ko siyang inalog-alog sa tubig dagat ngunit hindi siya nagmulat ng mata kaya agad ko siyang isinampa sa likod ko at lumangoy ako paahon sa dagat.
*
Keira's Point of View
"Toph, have you seen Eerah?" pagtatanong ko kay Topher na tila ba'y walang nangyari sa 'ming dalawa kanina sa shower.
Umiling siya. "No,"
Biglang lumapit sa 'min si Tita Elisse at hinawakan ang kamay ko nang mapansing balisa ako. "What's wrong, hija? You look pale. Is there something bothering you?"
"H-hindi ko ho kasi makita si Eerah,"
"Hindi mo ba tinext or tinawagan? Baka nag swimming lang ulit," saad ni Topher saka bumalik sa pag-iihaw ng barbeque.
"H-hindi ko alam, hindi niya sinasagot ang mga tawag ko." mas lalo akong kinakabahan habang tumatagal. Kung ano-anong pumapasok sa isip ko na kung anong posibleng nangyari kay Eerah habang wala ako.
"I think I saw her with Natasha earlier." sagot ni Tita Elisse. "Inaaya ata siyang mag swimming,"
"Swimming saan?"
"Papunta sila sa dagat, so–"
"What?!" I freaked out. "She's not allowed to swim there! Baka kung ano nang nangyari sa kanya, we should follow them!"
Nag salubong ang kilay ko nang biglang mag ring ang phone ko at mag flash sa screen ang pangalan ni Dad. Wrong timing ka lagi!
Sinagot ko ang tawag. "Dad please, wag ngayon. I don't know where Eerah is and I don't know what happened to her. I need to follow her before it's too late or else–"
[ Shut up! You're over-reacting! Your sister's safe; the twins saw them. ] I felt relieved when the word "safe" came out of his mouth in the other line. [ Kay Natasha ka dapat mag-alala, she's still unconscious. Also, because you failed me, we will have to talk later. ]
"What does this have to do with that Natasha?" I asked him, curiously.
Nakita ko sa peripheral vision kong napalingon sa gawi ko sina Tita Elisse at Topher.
[ She got drowned because of your sister. ]
"Because of Eerah?!"
To be continued. . .