KABANATA 19

2166 Words
Eerah's Point of View INILAPAG ko siya sa white sand saka siya niyugyog nang niyugyog. "Natasha! Wake up!" Mangiyak-ngiyak ko siyang ginalaw-galaw habang nararamdaman ko ang pagkati ng aking balat. I checked her breathing. I tilted her head back, sealing my mouth over her mouth. I pinched her nose and blew into her mouth and repeated it five times. Nang hindi pa rin siya gumalaw ay nag simula na akong mag panic. "Tulong! Tulungan niyo kami!" sigaw ko at hindi naman ako nagkamali dahil nagsilapitan ang iba pang mga tao sa resort. "Tulungan niyo kami, please!" Nagsi takbuhan sila papalapit sa 'min at chineck si Natasha. Ang iba naman ay tumawag sa rescue team ng resort. Habang ako ay hindi malaman ang gagawin at nakatitig lamang sa walang malay na si Natasha. Narinig ko ang isang pamilyar na boses na tumatawag kay Natasha at nang lingunin ko ito ay nakita ko ang kambal. "Nash!" nag-aalalang sigaw ni Nathan nang makita ang kalagayan ng dalaga. "What happened?!" lumapit siya sa gawi ni Natasha saka nito chineck kung humihinga ba ang dalaga. "She's not breathing." he said, he sounded so worried. "Did someone already call the rescue team?" tinanguan siya ng mga tao at saka naman niya ginawa kay Natasha ang ginawa ko kanina. Pinagmasdan ko kung paano niya ilapit ang kanyang bibig sa labi ni Natasha. Lamang man ang aking pag-aalala ay may naramdaman pa rin akong selos dito. Nagulat kami nang magising si Natasha at lumuwa ng tubig. "You're awake!" labis ang kagalakan sa tono ni Ethan, habang ang kanyang kambal naman ay hindi umimik. Dumating ang rescue team at inalalayan naman siya ni Nathan. "I'll go with you." Hindi makapag salita nang maayos si Natasha kaya naman tinanguan niya na lamang ito. Ngunit bago sila umalis ay tinitigan ako ni Natasha, hindi ko makita sa kanyang mata kung ano ang kanyang emosyon. Nagpaiwan si Ethan at pinasalamatan ang lahat nang tumulong saka kami pumunta sa kabilang dulo ng resort. Hindi ko alam kung bakit niya ako dinala rito ngunit pumayag na lamang ako upang malimutan ko ang nangyari kanina. Nang maupo kami sa mahabang upuan ay nilingon ako ni Ethan. "Are you okay?" Umiling ako. "Ano sa tingin mo?" Binalot kami ng katahimikan na agad naman niyang binasag nang may mapansin siya sa balat ko. "What happened?" pagturo niya sa balat ko. "Are you allergic to sea water?" Hindi ako umimik at binalatan ang labi ko na ikinataas ng sulok ng labi niya. "You're crazy," "H-huh?" "Dito ka lang, wag kang gagalaw." He ordered but I stopped his hand. "Saan ka ba pupunta?" nagtataka kong tanong sa kanya. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko saka inilapit ang mukha niya sa mukha ko. "To Hell. Sasama ka ba?" pamimilosopo niya saka inilayo ang mukha sa mukha ko at tinanggal ang paghawak sa balikat ko. "May nag bebenta ng emergency kits sa tapat. Baka masaktuhan kong merong anti-itch cream. Dito ka lang muna, wag kang lalapit sa dagat." Hindi na ako nakasagot dahil tumakbo na siya paalis. * Ilang minuto na akong naghihintay pero hindi pa rin nabalik si Ethan kaya naman napag desisyonan ko nang tumayo at mag simulang lumakad paalis roon. Hinaplos ko ang rashes na lumitaw sa buong katawan ko at halos maluha nang maramdaman ang hapdi nito. Sandali akong tumigil sa paglalakad upang icheck ang rashes na tinamo ko at nasaktuhan ko namang bumaba ng bangka si Daddy. "Eerah," may awtoridad ang pagkaka bigkas niya ng pangalan ko na nagdulot ng pagtayo ng balahibo ko. Sigurado akong papagalitan niya na naman ako. "You never learned your lesson. Hanggang ngayon ba you're still gonna act like a damn child? You're not a kid anymore, anak. You could do better than this." "Pero Daddy, it's not like what you think. I didn't–" he interrupted me. "Don't dare you lie to me, Eerah! The girl you tried to kill already told us the truth!" his eyes went dark and I felt like I was doomed even if I knew I hadn't done anything wrong. I let his words sink in before I could finally answer. "Dad, she's obviously lying! Look at me, I'm all messed up! Why would I go near the sea water? I'm allergic to that!" "You already did this before, Eerah. Kung noon napaniwala mo kami that you're innocent, ngayon, hindi na!" He shouted at me as if there was no tomorrow. "Dad, please, believe me. Yes and I know I lied before, I tried to drown Jezebel, but that's because she insulted my sister!" I explained. "Hindi naman ako gagawa ng masama kung wala namang sapat na dahilan. I am your daughter!" "Yes, you're my daughter! And I am so disappointed that you became one!" sigaw niya, magkasalubong na ang kanyang kilay at halos mamula na ang kanyang mukha dahil sa galit. "I'll call your sister to pick you up. Fix yourself and apologize to Natasha." Kunot-noo niya akong iniwan at sumakay muli sa bangka. Nasa ganoon akong sitwasyon nang balikan ako ni Ethan na may dala-dalang plastic bags na puno ng kung ano. Lumapit siya sa gawi ko, bakas sa mukha niya ang pag-aalala. "Okay ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong saka inilapag sa tabi ko ang plastic bags na dala niya. "Malayo pa lang ako rinig ko na sigawan niyo ni Tito Anthony." "H-huh? Wala 'yon. He's just mad because of what happened," pag papaliwanag ko. Sinilip ko ang loob ng plastic bags at nakita ang laman nitong mga halamang gamot at iba pa. Mayroon ding kasamang tubig at pagkain sa isa pang plastic bag. "Anong gagawin mo r'yan?" pagturo ko sa plastic bags. Ngumiti siya nang malawak. "Obvious naman siguro," nginuso niya ang rashes ko. "Gamutin natin mga sugat mo?" "E-ethan..." naibulong ko nang bigla niya akong pinaupo sa bench saka siya lumuhod sa harapan ko. Inabot niya ang legs ko saka sinuri ang rashes ko rito. Pinahiran niya ng anti-itch cream ang rashes ko. "Next time, tumawag ka ng tulong ng ibang tao. Wag kang magpaka wonder woman, hindi ka super hero." "Kung binabantayan niyong maigi 'yang si Natasha, edi sana hindi ako kinaladkad non papunta sa dagat." asar kong sagot at natawa naman siya. Nilagyan niya ng cold compress ang bawat affected areas sa katawan ko. "Sana nilayasan mo," he said, still taking care of my skin rashes. "May pagka maldita talaga si Natasha, ganon na talaga 'yon even before." "Even before?" "Before you guys came into our life," he then proceeds. "Bago pumunta sa hongkong si Natasha, binabantayan niya sina Nathan at Topher. Lahat ng lakad ng dalawa, naroon siya." Ininom ko ang tubig na dala niya. "Oh tapos?" Kumuha siya ng maliit na towel at ibinabad iyon sa isang malaking lalagyan na puno ng tubig na may baking soda, saka ito marahang idinampi-dampi sa katawan ko. "I assume you already know Penelope and her friends, Roxy and Kim?" he asked. Umiling ako. "Hindi pa, si Penelope pa lang." "Anyways, Penelope and her friends, just like you..." he gasped, "Pinag iinitan din sila ni Natasha. Penelope used to pursue Nathan, but ended up with Chase instead. Kim used to like Nathan, but then she switched into me, kasi nahihirapan siya dahil kay Nash." tumawa siya sa nasabi. "Pumayag ka?" "Eerah, it was just for fun." Keira's Point of View "Nasaan si Eerah?" I asked Dad via the phone. He asked me to find my sister and bring her back as soon as possible dahil padating na ang business partners ni Tita Elisse. I just can't believe he would make his own daughter apologize for something she didn't do. I do believe Eerah's innocent. I've been with her my whole life, I know her better than anyone. Hindi niya pag aaksayahan ng panahon ang babaeng katulad ni Natasha. [ Sino bang naghahanap? 'Di ba ikaw? Bakit ako ang tinatanong mo? ] iritado niyang tugon sa kabilang linya. Nag simulang uminit ang ulo ko at pinatayan siya ng linya. "Galing siya rito kanina, bakit ba di niya na lang sinama pabalik?" reklamo ko saka muling nilakad ang mahabang daanan papunta sa dulo ng resort. Napatigil ako sa paglalakad nang makitang may babaeng nakaupo sa bench sa hindi kalayuan, napangiti ako nang malaki na kaagad namang napawi nang mapansin ko ang presensya ng isa pang tao na nakaluhod sa harapan ng aking kapatid. "Ethan?" "Ethan! Eerah!" sigaw ng kung sino mula sa aking likuran. Nang lingunin ko ito ay nakita ko si Chase. "A-anong ginagawa mo rito?" nagtataka kong tanong sa kanya. "Sinundan kita nung narinig kong hahanapin mo si Eerah." kaagad niyang paliwanag saka ibinalik ang tingin sa gawi nila Eerah na kaagad ko rin namang ginaya. Nagulat sila sa sigaw na ginawa nito at napatayo naman bigla si Ethan mula sa pagkakaluhod. * Nang makabalik kami sa cottage ay kaagad naming nakasalubong ang nag-aalalang si Tita Elisse. "Hija, I'm glad you're back." nakangiti niyang baling sa 'kin. "Mag bihis na kayo, on the way na ang mga Carter's, you need to be presentable in front of them." Tumango sina Ethan at Eerah habang si Chase naman ay walang pakialam na humiga sa folding beach lounge chair at humigop sa straw ng orange juice. "Chase, ikaw din." pahabol ni Tita Elisse at saka bumaling muli kay Eerah. "Eerah, I assume your Dad already told you what to do." Hindi nakaimik si Eerah at tumango na lamang. "Please excuse me, I'll just take this call." ngiti sa 'min ni Tita Elisse saka siya lumayo sa gawi namin. Wala namang ibang choice si Eerah kundi humingi ng tawad sa parents ni Natasha kahit pa hindi talaga siya ang may kasalanan. Business partners kasi ni Tita Elisse ang parents niya. "Eerah, let's go change." malambing kong bulong sa kanya at sumunod naman siya sa 'kin. Pinahiram ko kay Eerah ang yellow cut out lattice waist maxi beach dress na ibinili ni Tita Elisse para sa 'kin. Maganda ang dress na ito pero at the same time matatakpan ang rashes ni Eerah. Nag-aalala rin ako nang mapansin kong meron siya nito ngunit natuwa ako nang malamang ginamot na ito ni Ethan. Ilang oras na ang lumipas at dumating na ang mga Carter's sa resort. Talagang napaka ganda ng kanilang lahi, hindi na rin ako nagtaka kung kanino nakuha ni Natasha ang ganon kagandang mukha. Para silang mga manika at halos maluwa ko ang mata ko nang mag salubong ang mata namin ng kanyang ina. Matangos ang ilong nito at sakto ang kapal ng labi, maganda rin ang kulay asul nitong mga mata at halatang may ibang lahi. Ngumiti siya sa 'kin na ikinagulat ko, saka bumalik kay Tita Elisse. "Is she Anthony's daughter? The one you were talking about?" Umiling si Tita Elisse at pilit na ngumiti. "She's Anthony's daughter, but she's not the one I am talking about earlier. It's her younger sis-" "What the..." rinig kong bulong ni Chase mula sa aking gilid. Lahat kami ay napatingin sa gawi ni Eerah nang dumating siya. Bagay na bagay sa kanya ang dress na ipinahiram ko. Pati ang mga Carter's ay hindi rin naalis ang tingin sa aking kapatid. Ngumisi nang napaka laki si Daddy nang mapansin ang reaksyon nila. "Eerah anak, come and join us." "S-sige po..." halata sa boses niya ang panginginig sa kaba kaya naman inalalayan siya ni Topher upang makaupo. Nang matapos humingi ng pasensya ni Eerah ay kaagad naman niyang naamo ang mga Carter's, para bang may gayuma ang dress niya. Inabot na kami hanggang sa paglubog ng araw kung kaya't napag desisyonan nilang mag dinner na nang sabay. Habang kumakain kami ay hindi ko maiwasang lingunin sina Eerah at Topher na nakaupo sa bench at nag-uusap. Nauna nang matapos kumain si Eerah at si Toph naman ay piniling samahan na muna siya sa bench para kahit papaano ay malibang siya. "Your son looks very close with his stepsister." saad naman ng nanay ni Natasha habang nanunuksong nakangiti. Hindi ko maiwasang mabother sa sinabi niya. May pinaparating ba siya? "I know right, and the fact that it's not even a year tapos ganyan na sila ka-close 'di ba?" dagdag naman ni Natasha. Tumingin siya sa mga mata ko na parang nangangasar ngunit hindi ko iyon pinansin. Mahinang tumawa si Tita Elisse. "Eerah is just very outgoing. Hindi nahihirapan ang mga anak ko na makihalubilo sa kanya." she cleared out. Muli ko silang nilingon at nanlaki ang mata ko nang makitang sinusuri ni Toph ang mga sugat ni Eerah sa kanyang legs na mas lalo pang lumaki nang simulan niya itong haplusin ng kanyang palad. Mukha namang kalmado lamang si Eerah, habang si Toph ay bakas sa mukha ang pag-aalala. "I need to go to the bathroom." bigla namang sabi ni Ethan. Bago pa siya makatayo ay bigla naman akong nag salita. "Wait, sama ako." Nabaling sa 'kin ang atensyon nilang lahat maliban kanila Toph at Eerah na ayaw magpatinag sa paglalandian. "I need to pee," I cleared. "Please excuse us." To be continued. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD