KINABUKASAN, kinompronta ko si Chad. Okay naman kami at kaswal na nagtatrabaho nang magkasama araw-araw. Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang gawin 'yon. Nag-aaway tuloy kami ni Tristan kagabi. Gusto kong isipin na dahil pa rin iyon sa alak pero nang mabasa ko ang mga sagot niya sa fans nang magcomment ang mga iyon sa Youtube page ng grupo namin, bigla akong nakaramdam ng galit. He confirmed that we are dating. Ano na lang ang sasabihin ni Tristan? Na tama siya? "Bakit mo ginawa 'yon?" pabungad ko nang makatayo ako sa tapat nilang apat.Nakapamaywang. Tumayo si Chad at nakangising nilapitan ako. Mabilis naman na lumabas ang tatlo para bigyan kami ng oras na makapag-usap. Mas matangkad sa akin ang kumag kaya nakatingala ako sa kanya ngayon habang nag-uusap kaming dalawa sa loob ng r

