Twenty-one

1974 Words

February 2019 Tulog si Tristan sa may duyan nang biglang dumating ang sinasabi ni Mia na mga back-up. Naikulong na din namin si Helga sa CR nang magbanyo ito kaya may oras kami para isakay si Tristan sa speedboat. Mabuti na lang, gumana ang pampatulog na inilagay ni Mia sa kape ng Kuya niya kaninang umaga kaya nabuhat ito ng mga back-up at naisakay sa isang bangka. Hindi ko naman alam na nilagyan na pala niya iyon ng pampatulog. Kagabi pa niya naiisip ang ideya na iyon dahil hindi niya madaan sa santong dasalan ang kapatid niya. At bahagya akong nagi-guilty dahil kinukunsinti ko si Mia. Pero kung hindi ko naman gagawin iyon, tuluyan nang mawawala si Tristan sa pamilya niya at sa akin. Kung makakausap ko siya nang kami lang, baka sakali, makinig siya kaya nagpatulong na kami sa mga lokal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD