Ngayong araw, kaming lima lang ang nasa studio na araw-araw na inuupahan ni Sol. Hindi na sumama si Tristan dahil abala kay Helga. "Oh, asan na 'yung jowa mo?" nanunuksong tanong ni Gil. "Mukha yatang natangay na ng masamang hangin na galing CEU 'yung isang 'yun ah." Inirapan ko si Gil. "Hindi nakakatawa." Malamang na ang girlfriend niya ang pinanggalingan ng balitang nasagap niya tungkol sa babaeng taga-CEU. "Nagpapakipot ka pa kasi! Dapat sinagot mo na!" segunda ni Red. "Okay lang kayo? Hindi naman nangliligaw 'yung tao. Wala siyang sinabing manliligaw siya." Depensa ko. Tanga talaga e. Dinedepensahan ko pa rin si Tristan. Ganoon ko siya kamahal. "Naku, ang naïve mo naman pala!" sabi ni Sol. "Kaming mga lalaki, hindi kami mag-eeffort kung wala kaming feelings. Saka halata naman du'n

