August 2009 Fifteen days after my birthday, si Tristan naman ang nagpa-party and it was a simple dinner with us. Ako, si Tita Miranda, si Mia at si Tito Neil lang ang magkakasama. Mula nang muntik silang mag-away ni Chad, hindi na din kami masyadong nag-uusap na dalawa. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang palabasin. Nagagalit ba siya sa akin? Bukod sa silent treatment, dinadaan-danan lang namin ang isa't isa sa loob ng bahay kapag nagkakataon na nagkikita kami. Hindi naman sana ako mag-i-stay sa bahay ngayong araw kung hindi niya ako sinabihan na magluluto siya. Nagulat na lang ako nang habang kumakain kami, bigla siyang nagsalita. "Ma, Pa. May sasabihin po ako." Marahan kong inilapag ang kubiyertos ko para makinig sa kanya. Ano kayang sasabihin niya? Bakla ba siya? O nakabuntis si

