Tristan's POV Pagkalabas ko sa kwarto, wala na sa sala si Kianne. Si Mama, binigyan ng inumin si Helga pero hindi na din niya nagalaw iyon dahil nakita na niya ako. "Let's go?" masiglang sabi niya saka tumayo. Tumango ako. "Magpapaalam lang ako kay Kianne." Kinatok ko ang pinto ni Kianne, pero hindi siya sumagot. "Ma, si Kianne?" "Baka may ginawa na? Bumalik na lang kayo agad." I saw my mom making face. Mukhang hindi niya gusto si Helga. And knowing her, she must've her reason. Palagi naman siyang mabait sa lahat kaya nga binigyan niya pa rin ng inumin ang bisita ko kahit halatang napilitan lang siya. "Okay po." Laglag ang balikat na sabi ko. "Bye, Tita." Malambing na sabi ni Helga na sinagot lang ni Mama ng tango. Naiinis ba si Mama dahil iniisip niyang side chick ko si Helga? Mama

