Pagkatapos ng halik na iyon, hindi ko na alam kung paano pa haharap kay Kianne. Ayokong isipin niyang pinagsamantalahan ko siya at ang pagiging babae niya . Hindi ko din kayang sagutin ang mga tanong niya kapag nagkataon, kaya pinilit kong maging abala sa ibang bagay. Itinuon ko ang isip ko sa mga bago kong kaibigan. Naglaro ako ng basketball at iniba ang mga routine sa school para hindi niya ako mahabol. Ilang gabi din akong hindi nakatulog sa pag-iisip ng mga what ifs. Paano nga kaya kung ligawan ko si Kianne at maging kami? Paano kaya tatanggapin iyon ng mga magulang namin? Paano nga kaya kung in love na kaming dalawa sa isa't isa? Magwo-work kaya ang relasyon namin? In love din ba kaya siya sa akin? Hindi pa ako sigurado. Dahil sa napakaraming bagay na kailangan kong isa-alangalan

