Hindi ko na nga siya iniwasan pang muli pagkatapos noon. Kaya lang, nag-ingat na ako. Ngayon, alam ko ng hindi naman pala mutual ang feelings namin. Dapat lang na alam ko din kung saan ako lulugar sa buhay niya. We continue being friends. At kahit gustung-gusto ko siyang maka-date sa prom, sinadya kong si Helga ang yayain para hindi ko na masyadong maisip si Kianne. Pero hanggang sa gabi ng Prom, hindi ako nagtagumpay. Hindi na siya nawala sa isip ko. Ilang beses akong nahuli ni Helga na nakatingin sa kawalan. "Are you alright?" she asked after our first dance. Tumango lang ako. "Come on, Tan. I know something is up. You can tell me." She's unaware that I am thinking of somebody else right at this moment. Kahit pa nga nang magsimula ang program, hindi pa rin ako naka-focus sa ka-date

