Eighteen

1707 Words

PAGKATAPOS ng meryendang iyon, tinotoo ni Tristan ang panliligaw sa akin Wala siyang pinipiling lugar! Sa school. Hindi siya lumulubay hanggang hindi simula ng klase. Binibitbit din niya ang mga gamit ko kahit ang dala kong gitara. Sa bahay. Pinagsisislbihan niya ako na para akong prinsesa kahit pa nga nakikita na 'yon ng pamilya niya. Ang Nanay at Tatay niya nama'y nahuhuli ko na lang ngumingiti sa tuwing aasikasuhin ako ng anak nila. Kahit saan. Hindi din niya nakakalimutang sabihing mahal niya ako araw-araw at napapasaya ko siya dahil lang magkasama kami. Sa kilos at galaw na ipinapakita niya, nararamdaman ko rin namang totoo ang mga sinasabi niya. Naroon naman 'yung pakiramdam na kinikilig ako pero hindi nawawala 'yung mga pag-aalala ko. Na baka matulad lang kami sa mga magulang ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD