March 2013 Nakapagtapos kami ni Tristan nang sabay. Nakaya kong i-manage ang banda, ang pag-aaral at ang relasyon namin. Hindi naman siya mahigpit sa akin lalo na pagdating sa pagbabanda ko dahil alam niyang iyon ang cure ko sa depression. Madalas pa nga siyang sumama sa mga gigs namin. Kahit saan bitbit ko si Tristan kaya sa huli natanggap na ng mga kabanda ko na hindi si Chad ang gusto ko kahit pa nga ilang beses niya akong sinubukang ligawan habang kami pa ni Tristan. At walang ka-alam-alam ang nobyo ko doon dahil wala akong sinasabi sa kanya. Ayoko kasing mabawasan ang tiwala niya sa akin, lalo pa nga't wala naman talaga akong nararamdaman para kay Chad. Ngayon, hindi na lang basta-basta school gigs ang napupuntahan ng Paroxysm pagkatapos naming ma-feature sa isang video blog online

