"Yoowi" maingay na tawag saakin ng aking kaibigan. "Shhh...Ang ingay mo" suway ko sa kaniya Lahat naman ng kasama ko sa pila ay nakatingin na saamin. "Pasado ako sa interview" masayang balita niya saakin nahalos mapunit na ang bunganga sa laki ng ngiti niya "T-talaga? Sana ako din palarin na makapasa" sabi ko, medyo konting inggit. Kung makakapasok ako sa kompanyang ito mag katabi lang ang kompanyang pag tatrabahuhan ni Julia. "Nukaba! Sure akong matatanggap ka, ang ganda ng background mo paniguradong tatanggapin ka" pag papalakas niya saakin ng loob. Sasagot pa lang sana ako ng mag salita ang babaeng nasa pinto para mag assist. "Miss Alonzo Kayo na po ang susunod" aniya. "Fighting my friend" Pag papalakas ng loob ni Julia. Nag buntong hininga ako bago pumasok sa loob ng silid So

