Safety "Boss, Tapos na po. Nahuli na sila ng Police" pareho naming nilingon si Lee na may hawak ng baril Tumayo na si Gun mula sa pag kakatago namin dito sa table. "Lee?" tawag ko kay Lee. Nilingon niya din ako. "Yes, It's me Baby" Sabi ni Lee at kinindatan ako. Binatukan naman siya agad ni Kim. "Hey, Miss Yoowi" bati saakin ni Jung na kararating lang din gaya ni Kim at Lee may baril din siyang hawak. "Hello" Nilahad naman ni Gun ang kamay niya para tulungan akong makatayo. Inabot ko naman iyon at tumayo na, pinagpag ko naman ang aking pang upo. "Boss, Magnanakaw lang sila wala silang kinalaman-" napahinto si Park sa sasabihin ng lingunin ako, Nginitian ko naman siya ngunit lumapit lang siya kay Gun para ibulong ang itutuloy na sasabihin nito. "Aalis na ako" paalam ko at tumalikod

