Kabanata 5: Not a Peaceful Night

1961 Words
DANIELLA "I'm doing just fine, as usual," I said, rolling my eyes. "Are you sure making everything easy to Dos? Baka mamaya niyan sakit ang ulo lang ang ibinibigay mo sa kaniya." Muli akong napairap dahil sa sinabi ni Mama. Mas concern pa ata sila sa maasim na haciendero na iyon kesa sa akin na anak nila. "Freaking come on, Mama. You know me, I'm not someone who is so stubborn. Ayoko lang sa mga amoy lupang tao here, like... I really can't stand them." Sa ilang araw kong nandito, hindi ko pa rin talaga matagalan dito ang mga tao. Lalo na yung matandang masungit na lagi akong inaapi kapag nakikita ako. Wala naman akong ginagawa sa kaniya, pero sa tuwing nakikita niya ako akala mo naman ako na yung pinakamasamang tao na nakilala niya— hindi rin naman kami close. "Mama, kilala niyo ba si Aling Dana? Yung matandang masungit." "Oo naman, bakit? Huwag mong sabihing sinagot mo siya?" "Of course... yes. Sinabi ba naman niya sa akin na hindi ako bagay dito. Tsk. She's also so rude. Wala naman akong ginagawa pero yung tingin niya... it screams insult. Nakakinis," pagmamaktol ko. Inilapag ko ang aking selpon sa lumang vanity table. Habang kausap ko sila mama ay inabala ko naman ang sarili ko sa aking night skin care routine. "Matuto ka kasing makisama riyan. Ang mga tao riyan ay nakasama rin ng Lolo at Lola mo." "Sila Lolo at Lola lang, hindi ko naman sila kilala," pagmamaktol ko. "At saka hindi ko rin naman balak mag stay dito ng matagal." "Oo nga pala, nagkausap na ba kayo ni Dos?" Tsk. Kapag talaga naririnig ko ang pangalan niya kumukulo na agad ang dugo ko. "Hindi kami nag-uusap, and I don't have plans to talk to him." "O siya sige. Kapag nakausap mo siya gawin mo na lang ang gusto niya. Katulad ng sabi ko sa iyo, malaki ang utang na loob natin sa kaniya. He saved your life." Ito na naman tayo sa saved your life na 'yan. Hindi ko naman hiniling sa kaniya na iligtas ako para paglaki ko iyon na lang lagi ang isumbat sa akin. Nang matapos ang tawag ay pinagpatuloy ko na lang ang skin care routine ko habang vini-video ang aking sarili. For sure marami na namang maiinggit sa akin nito. Tsk. Namimiss ko na rin talaga ang fashion industry, kung p'wede lang sana bumalik ako agad ay gagawin ko. Pero sa mga nababasa ko online, this is not the time to return yet. I-enjoy muna ng wannabe na iyon ang spotlight na dati ay sa akin. Nang matapos kong makapag update sa social media account ko, umupo ako sa dulo ng aking kama. Nag-umpisa akong magbasa ng mga comments na agad bumaba. Wala pang ilang minuto ay heto na naman ang mga bashers ko sobrang active. Pinaalalahanan na naman ako ng manager ko na huwag muna akong mag post sa social media account ko, aba syempre, hindi ko sinunod. They told me that they will just giving me time? No, ilang buwan na lang ay matatapos na ang kontrata ko sa kanila... at panigurado naman ako na hindi nila iyon ire-renew. I'm already a nobody to many. "Dani hija, tulog ka na ba?" Nabaling ang tingin ko sa aking pintuan. Tumayo ako at binuksan ito. "Bakit po..." Hindi ko napigilan ang pagtaas ng kilay ko nang makita ko si Mr. Haciendero. "Anong ginagawa mo rito?" "Siya na muna ang kasama mo ngayong gabi rito, Hija." "What?!" Tumaas ang aking tinig. "What do you mean kasama?" "Mayroon kasing nangyari sa kabilang baryo, yung anak ni Marta, manganganak, kailangan ako ro'n," ani Nanay na mukhang kanina pa handang unalis. "What? No freaking way? I can manage my own. Hindi ko siya kailangan." Grabe na agad ang pagwawala ng aking sistema. Hindi pa man nakakaalis si Nanay ay naiirita na ako. "Sabi ko naman kasi sa'yo, Nay. Malaki na siya," ani Mister Haciendero na tumawa pa. "Dani, mag-isa mo lamang dito. At saka dalaga ka. Hindi ka rin kilala ng ibang tao rito. Mas makakapampante ako kapag nandito si Dos." "Hindi naman ako kampante sa kaniya," pagmamaktol ko. "Woah Miss Maarte, huwag kang mag-alala, hindi ikaw ang tipo kong babae. Gusto ko sa malaman, hindi sa..." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa saka umiling. "As if din naman papatol ako sa'yo. Tandang Haciendero," umirap ako ng bongga. Mas lalo siyang ngumisi. "Nanay, sasama na lang kaya ako. Ayokong maiwan sa Tanda na ito," pagmamaktol ko. "Gabi na, Hija, at baka hindi mo rin kayanin ang daan." Sumimangot ako. "Dos, ikaw na ang bahala kay Dani." Sa huli ay wala akong nagawa. Naiwan ako kasama ni Tanda na nakangisi pa rin na akala mo nanggagago na naman. "Ugh! Freaking nakakairita! Stop smiling, Old Man!" I hissed as I rolled my eyes. "Why? Does this old man makes your heart flutter?" "Yuck! So kadiri! I'll sleep na! Don't you dare crawl into my room. You look decent, but we can't tell. I'm too gorg to handle." "Mga babae nga naman," iiling-iling na saad niya. "Wow ah! Parang kayong lalaki, banal na banal ah." Nagtaas ang kilay niya. "Woman worships us." Napamaang ako. "Apaka assuming mo! Worship? How? Yang..." Nandidiri ko siyang tiningnan. "Yak!" "Why are you blushing?" "Oh my gee! Blushing? Excuse me? This is not a blush, this is the sign of me that I really want to kill you at this moment already! Ugh! Freaking nakakagigil! Bahala ka na nga!" I really can't stand him. Tingin ata talaga niya sa sarili niya ay super hot siya. Gosh! He doesn't even reach my standard, nasa below level pa nga siya o baka wala pa. "HQ manage you?" Bahagya akong napatigil dahil sa naging tanong niya. Nagsalubong agad ang kilay ko. Paano naman niya nalaman ang agency kung saan ako nagtatrabaho? "I guess so." "So?" pagtataray ko. "Frederick is an old friend." The CEO? "Why did you choose to go to him if you have better offer to some agency?" At mukhang nag background check na nga ang Tandang ito. "Hindi ka lang pala matandang Haciendero na maasim, isa ka rin palang stalker." Ngumisi siya. Ugh! I really hate it when he smirk. He is getting into my nerves. "Of course I need to check everyone who will enter my land." So ibig sabihin, alam na niya ang mga isyu na nangyayari sa akin. "Have you find something then?" I asked with my brow arched. "A lot, but I won't dig on that. Ayoko namang isipin mo na nanghihimasok ako sa buhay mo." I rolled my eyes.. "So dapat magpasalamat pa ako sa'yo?" "Do you really trust Frederick? I know you know that he is an asshole. He loves money and fame..." "You actually don't know him," putol ko sa sasabihin niya. "So you knew him? You knew too that he will screw you out of his sight?" Huminga ako ng malalim. Hindi ko na talaga kinakaya pa ang lumalabas sa bibig ng gagong ito. Hindi ko nga alam kung bakit pinag-uusapan namin ang buhay ko, hindi naman kami close at hindi ko rin naman balak na makipag close sa kaniya. "If all the allegations against you are not true, then why they aren't doing anything to prove that you're innocent. Instead doing that, they get you out of their sight." "Then just pretend everything about me is true. I don't need your opinion, and I didn't even ask for it." Ngumisi na naman siya. Tumango-tango na para bang sumasang-ayon siya. "So you're indeed a mistress?" Nagpantig ang aking tenga dahil sa tanong niya. Naikuyom ko ang aking kamao. Ramdam ko ang bigat sa aking dibdib. "Let's just say yes... I'm a mistress." --- DOS Habang nag-uusap kami ngayon. Habang nakatingin ako sa kaniyang mga mata... kitang-kita ko ang galit maging ang lungkot. She is really something. She knows how to pretend while already dying in pain. This is what I hate to some woman, they choose to hide what they feel. They don't want to reach for a help just to prove themselves that they are strong. I have read all the articles about her... from the start she started modeling up to her recent article. I heaved a sigh. "I really don't freaking care what people think about me, I know myself really well. Kung ang tingin niyo sa akin ay kabit, then go on." I smirked. She really doesn't know how to back down. "Gusto mo ba talagang bumalik?" tanong ko nang hindi inaalis ang aking mga mata sa kaniya. Sa nangyayari ngayon, it will be hard for her to go back again. Hanggang sa hindi niya dinidepensahan ang sarili niya at pinapatunayan na hindi iyon totoo, walang maniniwala sa kaniya. If she just keep accepting the rumors against her... accepting the hates throwing at her... it will be hard for her to go back. "I will, but not now. Teka nga! Pakealam mo ba kasi sa buhay ko? Hindi naman tayo close," singhal niya, pumitik pa ito sa ere. Napakaarte talaga ng babaeng ito. I chuckled. "Ayaw mo rito sa lugar na ito?" She rolled her eyes once again. "Kung ikaw..." Tinuro niya ako na para bang ako ang pinakaayaw niyang nilalang sa mundo. "Kung kayo ba naman ang lagi kong makikita at makakasama, huwag na lang." "But this place is peaceful." "Huh? Peaceful? Mukha bang peace ang nararanasan ko ngayon?" She always have something to say. Sa tuwing kinakausap niya ako ay lagi na lang siyang galit. Napailing ako. "Kung wala ka siguro sa harapan ko ngayon, I can find peace pa eh, but since I'm talking to you? Parang gusto ko ulit mag apply ng sleepmask para kumalma lang ako," pagtataray niya sa akin saka ito marahas na pumasok aa kaniyang kwarto. Her? To be my wife? That is too impossible. She's not really that suitable for the role. Damn! Bakit ba kasi ngayon pa ako nangailangan ng babaeng magpapanggap na asawa ko? Huminga ako ng malalim. Dos, you need her. You should at least be nice to her if you want her to say yes immediately to your proposal. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Kailangan ko na nang babaeng magpapanggap na asawa ko bago pa man si Lola mismo ang magpunta rito at magdesisyon para sa akin. Okay, I will choose her. Daniella Huson, I will make her my fake wife. 2:14 AM in the morning... I still can't sleep. Nandito lang ako sa sala, nakatingin sa kwarto ni Miss Huson na tingin ko ay mahimbing ng natutulog sa ngayon. "NO! I said no! Please... no!" Napatayo ako sa aking kinauupuan nang marinig ko ang pagsigaw ng babaeng maarte. Tinungo ko ang pintuan ng kaniyang kwarto... sinubukan kong pihitin ito — it's not locked. "Miss Huson..." marahan kong binuksan ang pintuan. The light is now off. Wala siya sa kaniyang kama. "Daniella," tawag kong muli sa pangalan niya. Marahan akong pumasok sa kaniyang kwarto. Nakita ko siya sulok, nakatago ang kaniyang mukha sa kaniyang tuhod. "Daniella, okay ka lang..." "H-Huwag," putol niya sa sasabihan ko at marahas akong itinulak palayo sa kaniya, but I was caught off guard when I saw her eyes closed. "I warned you already! Don't touch me!" "Daniella..." "Don't call my name! You don't deserve to call my name." Hinawakan ko ang magkabilang braso niya. Sinubukan ko siyang gisingin ngunit patuloy siya sa pagwawala. What the hell is happening? "I trusted you... but you..." She wasn't able to finish her sentence. She fell into my arms. "Daniella." She didn't answer. I look at her face, she is now peacefully sleeping in my arms. Tears fell to her cheeks that I immediately wipe away. I took a deep breath. She's really good in hiding her pain. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD