Kabanata 6: The Offer

2218 Words
DOS "What?" she hissed when she saw me staring at her. She looks fine after what happened last night. What was that by the way? I want to ask about it but I know I'm not in the place to ask that. Baka mamaya sabihin na naman niya na nangengealam ako sa buhay niya. Sa lahat ng mga babaeng nakilala ko, siya talaga ang kakaiba sa lahat. "Why you're still here by the way? Don't you have plan to go home?" she rolled her eyes at me. Bakit kaya ganito ang ugali ng babaeng ito? Lahat ata ng ayaw ko sa isang babae ay nasa kaniya. Maingay, maarte, masungit... at ang tingin niya lagi sa sarili niya ay napakahalaga niya. Tingin niya sa sarili niya sakaniya lang umiikot ang mundo. "What happened to your arm?" I asked still brows furrowed. She looked at her arms. Agad nagsalubong ang kilay niya dahil mukhang wala siyang ideya kung saan niya ito nakuha. "What the freaking freak happened?" maarteng saad niya na akala mo ito ang unang pagkakataon na namula ang kaniyang kamay. "Ya!" Mas lalong nagsalubong ang kilay ko nang galit na galit niya akong binalingan ng tingin. "Ano?" "May ginawa ka ba sa akin kagabi? This is ridiculous! I never had such thing like this before. Oh my geez! This is attempted murder!" What the hell is wrong with this woman?At ako pa talaga ang sinisi niya. She should be thanking me right now for what happened last night. Kung hindi ako dumating ay baka tumalon na siya sa bintana. Umiling ako at tinalikuran siya. "Kumain ka na lang diyan. Pauwi na si Nay Rosa," saad ko saka ako lumabas ng kanilang bahay. Siya ba talaga ang babaeng kakausapin ko para magpanggap na asawa ko? Wala na ba kasing ibang paraan para lang matakasan ko ang kahilingang ito ni Lolo? P'wede naman kasi siyang humiling... pero hindi ito. Nang makabalik ako sa hacienda ay dumiretso ako sa aking kwarto upang makaligo. Tinanggal ko ang lahat ng aking saplot nang makapasok ako sa shower room. I immediately turn on the shower and let the cold water stream down to my body. I closed my eyes when I remembered what happened last night. What the hell is wrong with her? I shrug my head. I should not care about her issue. Kung siya man ang babaeng kakailanganin ko, hanggang doon lamang iyon. Hanggang sa papel lamang ang kontrata naming dalawa — wala ng iba pa. Nang matapos kong maligo ay nagbihis agad ako. Tinungo ko ang aking mesa at nag-umpisang gawin ang dapat kong gawin. I open my email. Binasa ko agad ang kontrata na pinagawa ko sa aking abogado. I just hope this will work out. Ilang buwan na lamang ay anniversary na ni Lolo. Kinuha ko ang aking selpon at tinawagan ang taong makakatulong sa akin sa industriyang muli niyang gustong pasukan. I'm doing this not because I want to help her. Ginagawa ko ito para masiguro na hindi siya makakahindi sa alok ko. Nang matapos ko ang aking mga gagawin ay bumaba ako. Nakahanda na ang pagkain sa hapagkainan. "Dos, mukhang hindi ka ata nakatulog kagabi," puna ni Mang Rudy sa akin na naglapag ng mainit na kape sa tabi ko. "Ayos ka lang ba?" tanong niya na dahilan nang marahas kong pagbuntong hininga. "Kung nababahala ka pa rin sa pinag-usapan niyo ni Attorney, huwag kang mag-alala, kahit na ano pa iyan tutulong kami." Mahalaga ang hacienda na ito sa lolo ko, buong buhay niya ay itinaguyod niya ito. Sakaniya ako lumaki kaya nakita ko ang lahat ng mga sakripisyo niya. At ayokong mabalewala ang lahat ng ito nang dahil sa hindi ko natupad ang gusto niya para sa akin. Why do I f*****g need to get married? "Nanay, I told you, he did something to me last night. Look at my arm?" Agad nakuha ng aking atensyon ang tinig ni Daniella. Napailing na lang ako. Nagpatuloy ako sa pagkain. "Here he is. Geez! You really have guts to eat despite of what you did last night?" Kumunot ang aking noo. "Dos, may ginawa ka?" tanong ni Mang Rudy na tila ba hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig. "Yes! He did something..." "Naka puntos ka?/He assaulted me!" "Huh?" "What?" Napailing na lang ako dahil sa gulo nilang kausap. Nagpatuloy ako sa pagkain at hindi sila pinansin. It's too early for this. "What did you say po? Puntos of what?" "Assaulted ba ang sinabi mo? Si Dos? Hindi niya gagawin iyon." Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Tumayo ako at iniwan sila sa kusina na patuloy pa rin ang masinsinang pag-uusap. "Dos, salamat sa pagbabantay mo sa kaniya kagabi," ani Nay Rosa na tinabihan ako sa balkonahe kung saan tanaw ko ang mga trabahador na umaga palang ay nagsisisipag na sa kanilang trabaho. "Pero may nangyari ba kagabi?" Nakuha niya ang atensyon ko. Ngumiti siya. "Mali ka ng iniisip," natatawang saad niya. "Alam ko naman na hindi ikaw ang tipo ng lalaki na gagawa ng gano'n." Huminga siya ng malalim. "Nangyari ba ulit iyon sa kaniya? Yung sisigaw? Yung iiyak na lang bigla na para bang takot na takot?" Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. So it didn't just happen last night. It happened most of the time? "Gusto ko man rin magtanong sa kaniya pero mukhang wala rin siyang alam sa nangyayari. Minsan may nakikita na lang din akong kalmot sa kaniyang pulsuhan." Nakangiti niya akong binalingan ng tingin. "Sa nakikita natin sa kaniya, malakas siya... pero hindi natin alam ang tunay niyang nararamdaman. Bigyan mo pa siya ng konting pasensiya, Dos." Huminga ako ng malalim at tumango. Maliban sa mga nangyari sa kaniya, wala na akong ibang nalaman pa. --- DANIELLA Masama pa rin ang tingin ko kay Mister Haciendero habang abala ito sa kaniyang computer. Nandito kami ngayon sa office niya at mukhang wala ata siyang balak na magmuni-muni sa labas katulad ng madalas niyang gawin. "Tapos ka na bang pag pantasyahan ako?" Agad nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Ngumisi ito na akala mo kinagwapo niya iyon. Ang dugyot namang uncle ito. Akala mo hot. Yuck! "Why would I fantasize you?" "Maybe, you're starting to like me." Nangalumbaba siya habang nakatingin pa rin sa akin. "Yuck! Ikaw..." "I will accept that as yes." Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. Ang kapal din naman talaga ng mukha ng gagong ito? Yes? Wow ah! Gusto kong magprotesta at depensahan ang sarili ki kaya lang mas gusto kong kalmahin na lang muna ang sistema ko dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa kaniya. He is so imposible! "Anyway, I have question." Nakuha ko agad ang atensyon niya. "I search online about you... your family," umpisa ko. He did the same thing to me naman so, I also did some research. "You see nothing about me?" Bahagya akong sumimangot. "Maybe you're really not part of the family tree." Kahit na anong search ko sa pangalan niya ay wala akong makita. I got his full name, but still nothing. Ang hacienda ay nakapangalan pa rin sa kaniyang yumaong lolo, si Don Lucas Dwight Sandoval. "Because I'm really not." Napahinto ako dahil sa sinabi niya. He's not? "Ampon ka?" Oh. That's so sad. Ngumisi siya. "Stupid." "What?" agad nagtaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Ako? Tanga? Gago ba siya? Umiling ito na para bang hindi talaga siya makapaniwala sa mga sinasabi ko. Parang hindi ko tanggap na tinawag niya akong tanga. Freaking geez! I graduated with good grades during my school days! Ugh! "Where are you going?" tanong niya nang akmang lalabas ako sa kaniyang opisina. Hindi ko na matagalan pa na kasama siya sa iisang kwarto. "To the place where I can't see you. Geez! So annoying," iritableng saad ko saka ko siya dinabugan bago ako tuluyang makalabas ng kaniyang opisina. I'd rather stay here outside than to deal and talk to him alone. Lahat na lang talaga ng parte ng hacienda na ito ay nakakairita. Gusto ko ng bumalik sa buhay ko dati. Sa buhay na kahit maingay at magulo masaya naman ako na ginagawa ko ang trabaho ko. Hindi tulad dito na ang tingin lang sa akin ng mga tao ay maarte. --- DOS Mainit ang sinag ng araw, pero parang mas mainit ang ulo ko dahil simula nang umalis sa opisina ko ang babaeng iyon, kasalukuyan ko siyang pinapanood ngayon na nakaupo sa lilim ng puno, hawak-hawak na naman niya ang kaniyang cellphone habang patuloy sa pagkuha ng kaniyang litrato. Huminga ako ng malalim. Be patient, Dos. Ito ang napili mong paraan. She is only your best solution and answer. Lumapit ako sa kanya. “Miss Huson,” I called out, medyo seryoso ang tono. Napalingon siya agad. She rolled her eyes as if she doesn't like to see me. “O, ikaw na naman. Bakit na naman?” sagot niya sabay irap ulit. “Don’t tell me may ipapagawa ka na naman tapos tatawagin mo akong stupid?" I took a deep breath. I guess she didn't like it when I call her stupid. Tsk. “We need to talk about something. Sa loob. To my office." Nauna akong naglakad. Narinig ko pa ulit ang pagrereklamo niya pero sumunod din naman siya sa akin. Nang makapasok kami sa aking opisina, nanatili siyang tahimik habang nakaupo sa tapat ko. Iritable na naman. Naka-cross arms, at habang inaabala ang sarili sa kaniyang selpon. “Put it down," utos ko sa kaniya. “Fine.” Nilapag niya ang phone niya sa gilid. Nakataas ang kilay nito sa akin. “What do you want this time?" Tumikhim ako at dumiretso sa punto ng aking sasabihan. “May offer ako sa iyo." Kumunot agad ang noo niya. "Offer, indecent offer? No freaking way!" I smirked as I shrug my head. “Marriage," simpleng saad ko na mas lalong kinakunot ng noo niya. "I want to offer you a fake marriage agreement." Halos malaglag ang panga niya dahil sa sinabi ko. “Okay, stop.” Tumawa siya, halatang natatawa sa kalokohang narinig. “You? Me? Magpapakasal? Anong klaseng prank ‘to? Do you think that's funny? No freaking geez!" Huminga ako ng malalim. “This isn’t a joke, Daniella. May kondisyon ang last will ng lolo ko. Kailangan kong mag-asawa bago ang unang death anniversary niya or I lose everything — the hacienda, the legacy.” Tumahimik siya. Sa wakas. “So, ano’ng kinalaman ko d’yan? Anong pakealam ko sa hacienda o legacy?" Tinitigan ko siya. Mukhang mali talaga na siya ang napili ko. "At saka ako? Magpapakasal sa'yo? Ano ka sugar daddy ko na haciendero?" Huming ako ng malalim. "I’ll give you the platform you need to reclaim your fame. Gusto mong bumalik sa spotlight, ‘di ba? I can help you. Influence, PR, press, name everything you need and I give it to you — lahat.” Tahimik pa rin siya. Pero kita sa mga mata niya na naglalaro ang interes. Hindi siya makakahindi. She needs someone powerful for her to go back to the place she wanted in the first place. “Okay. Anong catch?” tanong niya. "What would be the deal kung papayag ako? Asawa lang? Sa papel. No feelings involved or anything." “You’ll live here. You’ll act like my wife in front of people. One year. After that — annulment, and we part ways. No strings.” Tumango-tango siya. “Uhm. Ibig sabihin, fake wife. Likes someone you can use para hindi makuha ang hacienda na ito mula sa'yo, tama?" “If that’s what you want to call it.” Tumayo siya. “I’ll think about it.” --- DANIELLA Seryoso ba ang gagong iyon? Ako? Magpapakasal? Sa kaniya? Masyado siyang matanda para sa akin. Sampung taon. Ano siya sugar daddy? Hindi ko alam kung tatawa ako o magpapa-confine na lang sa mental ward dahil sa mga nangyayari. Not out of love, but out of need. Parang business deal lang ang mamagitan sa aming dalawa. He said he needs me... and I'm pretty sure I can use him too. Their names are powerful. Sandoval. Hanggang sa makauwi ako sa bahay ay hindi pa rin naalis ang sinabi ni Mister Haciendero sa akin. Binigyan niya pa ako ng kopya ng kontrata naming dalawa, basahin ko raw. Honestly, the contract is very tempting... tipong hindi ka makakahindi. One year? Geez! Makakatagal ba ako rito ng one year? Parang hindi ko iyon kaya. Ginuhitan ko ang one year at pinalitan ito ng six months. Ganito ba kahalaga ang hacienda para sa kaniya? Para alukin niya ako ng pekeng kasal? Nakahiga ako sa kama, nakatitig sa ceiling na may lumang design. Kinuha ko ang phone ko at muling binasa ang message sa akin ng aking manager na nagsasabi na hindi na ako ire-renew ng agency. I already see this coming, pero masakit pa rin pala talaga. "Ugh! This is torture!" sigaw ko habang tinatakpan ng unan ang mukha ko. “I’ll give you the platform you need to reclaim your fame.” Platform. Fame. Press. Influencers. Flashbulbs. Bigla akong napaupo sa kama. Nawala na sa akin ang lahat. Tinalikuran nila ako at pinabayaan. But if this deal can bring me back to the top… Why not? "I'll do it..." bulong ko sa sarili ko. "Pero ako pa rin ang maglalagay ng rules." ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD