DOS
Salubong ang aking kilay habang binabasa ang kontratang ibinigay ko sa kaniya na mukhang ni-revise niya magdamag. She literally change everything.
"Six months?" tanong ko, salubong pa rin ang kilay.
"Nababasa mo naman siguro, di ba?"
Saglit kong ipinikit ang aking mga mata.
"At ano itong one-room policy?" Malinaw na nakasulat sa kontrata na magkahiwalay kami ng kwarto dahil hindi naman totoo ang relasyon naming dalawa.
"Bakit, saan ka nakakita ng mag-asawa na hiwalay ang kwarto? Look, even though this is all just a fake scene, still I need to be a good housewife for you. For six months."
She must be kidding me right now. Buong akala ko nga ay hindi siya papayag na sa iisang kwarto kami matutulog. She's really different.
"How about this social media status?"
She smiled, super proud.
"Well, dahil mag-asawa tayo for six months, you will let me post a picture of us."
"What?!"
"Why? You said you'll help me. Tama ba ako?"
Hinilot ko ang aking sentido.
"Yes, I will help you, but that doesn't mean you're gonna show my face on your social media account. I want this relationship private."
"Huh? Private? Aren't you proud to marry me? Kahit na fake lang?"
This woman is seriously killing me.
"Make this private."
"Ayoko."
Damn it. I stare at her. She stares back. I just don't get this woman.
"Okay, one picture for a week."
"Why are you the one deciding? It's my account not yours."
"Bakit ba gustong-gusto mong ipakita sa mundo kung anong ginagawa mo?" tanong ko, dahil hindi ko lang kasi maintindihan.
Everyone hates her... her accounts always filled with harsh comments, but she never stop posting.
"I don't know, maybe... I used to it."
I always wanted a private life. Peaceful. Pero itong babaeng ito ultimo ata pagpikit niya ng mata ipo-post niya.
"Okay, do whatever you want then." Muli kong pinagpatuloy ang pagbabasa. "Wife duty, not PA duty. What is this?"
"Well, dahil asawa mo na ako, syempre hindi ko na gagawin ang mga bagay na pinapagawa mo sa akin. Saan ka naman nakakita ng asawa na pinapabungkal ng fertilizer di ba? O kaya pinaglalakad sa putikan?"
Mukhang pinag-isipan niyang maigi ang mga nakasulat sa kontrata. Lahat ay kaya niyang depensahan.
"Oo nga pala, since kasal tayo. I want a portrait of us wearing wedding dress."
Akala ko madali na lang ito, pero nagkamali ako. Hindi ko na inabala pa ang sarili ko na basahin ang kontrata o intindihin ang mga sinabi niya. I just let her do what she wants. Kahit naman anong pigil ko sa kaniya ay wala pa rin akong magagawa.
"Anyway, when will be our fake wedding photoshoots?"
She really has a lot of things to say.
"Okay, may mga gowns for rent sa kabilang baryo, kung gusto mo..."
"Wait. We're going to rent? Not buy? That's so cheap ah!"
"Daniella, we are just faking this wedding," I said in a calm tone even though my system is already about to burst.
"So? Fake or real, I want to be the perfect and beautiful bride. Duh? Can't you just give it to me for six months?"
Nahihilo na ako sa babaeng ito. Parang siya pa ata ang magiging dahilan ng pagtaas ng dugo ko.
"Okay, do whatever you want."
"Of course, I will," she said proudly. "Anyway, what kind of wedding is this? Church wedding? Hacienda vibe wedding... or..."
"Just a fake wedding," I cut her off. "We will just sign a fake wedding contract. Take a photo just like what you said. That's it!"
She nodded as if she finally get it.
"Okay. Super faking wedding. One more question."
Marahas akong napabuntong hininga.
"Ano na naman?"
"Bakit ako ang napili mo?" tanong niya na para bang puno ito ng pagtataka.
"Sino ba sa tingin mo ang dapat maliban sa iyo?" balik tanong ko.
She started to think... afterwards she smiled wickedly.
"P'wede naman si Nay Rosa," nakangiting saad nito na tila ba gusto niya lang mang-asar.
"Just leave the office," I said pointing out the door. "Now! Get out!" I firmly said, trying not to raise my voice.
"Okay, Love," she said with a naughty smile on her face before she leave my office.
Naisandal ko ang aking ulo sa aking kinauupuan at muling minasahe ang aking sentido. Six months... only for six months. Siguro naman kaya kong tapusin ang anim na buwan na ito nang hindi ako nasisiraan ng bait dahil sa kaniya.
---
DANIELLA
Gusto kong tumawa ng malakas dahil sa naging reaksyon ni Mister Haciendero. He looks pissed. Akala siguro niya matatalo na lang niya ako basta-basta. Puwes, mali siya ng binangga.
Fake wedding? Tsk. Hindi ko akalain ma darating ang ganitong offer sa buhay ko. Maraming nag-alok sa akin ng kasal... nag-alok na ako lang ang babaeng mamahalin... pero ngayon — I just end up in the place I once turned back into and now trapped to be the fake wife of the most masungit Haciendero.
Nakausap ko si Nay Rosa kagabi tungkol sa hacienda. Nasabi niya sa akin na rito na talaga lumaki si Dos kaya naman sobrang halaga na rin ng lugar na ito sa kanila. His family tree is kind of magulo. His mother died, and his dad remarry someone. Nasabi nga rin ni Nay Rosa na dalawa raw ang jowa ng tatay niya... like a real babaero.
Bakit kaya madalas ang mga lalaki hindi talaga makuntento sa isa? Kailangan talaga multiple choice ang gusto. Tsk.
"Oh Hija, baka tila masaya ka ata?" tanong ni Mang Rudy nang makita niya ako. "Pupunta ka na naman ba sa dati mong pinupuwestuhan?"
Madalas talaga ang mga tao rito sa Hacienda ay feeling close sa akin.
"Opo sana. Kaya lang parang maraming tao, ano pong ginagawa nila ro'n?"
Pareho naming binalingan ng tingin ang puwesto kung saan ako madalas tumambay.
"Nagkukuwentuhan sila at nagpapahinga na rin."
Tumango-tango ako.
"Bakit hindi po kayo sumasali sa kanila? Hindi po ba kayo friends?"
Natawa siya dahil sa naging tanong ko.
"Ikaw talagang bata ka. Lahat kami rito ay magkakaibigan ang turingan. May away man pero sa huli mas pinipili pa rin naming intindihin ang isa't isa."
"Okay," simpleng sagot ko.
Dito sa lugar na ito, lahat na lang ng sasabihin nila akala mo nag p-preach sila. Talagang old people sila at hindi talaga darating ang pagkakataon na makakasundo ko sila. Like never! It will never ever happen.
Bumalik na lang ako sa mansyon dahil wala rin naman akong choice. Ayoko namang makisama sa mga maaasim na nang-agaw ng puwesto ko.
"Oh bakit ka bumalik?" kunot noong tanong niya nang muli akong makapasok sa kaniyang opisina.
As usual, he is still busy with what he's doing. Kahit na isa siyang Haciendero, hindi pa rin maalis sa isip ko na isa siyang matandang maasim. Ten years... he is older than me for ten years. Shucks! What an age gap.
"Tutal nandito ka naman na. Come here."
Sumenyas ito na lumapit ako sa kaniya. Well, I'm not a dog to follow him, that's why he didn't have any choice but to come to me instead. Pero kitang-kita ko agad sa mukha niya na hindi siya natutuwa. Anyway, kailan ba kasi siya natuwa na makita o makasama niya ako di ba? Hate feelings — well, mutual.
"Choose any wedding dress you want. We will start this fake set-up as soon as possible."
I raised a brow. "Bakit parang bigla ka naman atang nagmamadali? Why? Can't wait to sleep next to me?"
Mas lalong tumalim ang tingin niya. I just rolled my eyes at him. Binalingan ko na lang ng tingin ang iPad niya. Nag-umpisa akong mag swipe to check a wedding dress that will be perfect on me.
"I want this, this, this, this..."
"You only need one. Ilan ba katawan mo? Nahahati ka ba tuwing hating-gabi?"
I make face.
"What a joke." Napailing ako. "Of course I need choices. And I want to see those in person."
Marahas itong napabuntong hininga na tila ba ang laki na naman ng problema niya. Maya-maya ay kinuha niya ang selpon niya sa kaniyang office table at tinawagan ang kung sino.
"Bring everything here," malamig na utos niya.
Salubong ang kilay na binalingan niya ako ng tingin. Yung tingin na para bang nagsisisi na siya na ako ang kinuha niyang fake wife.
"Ang ganda ko di ba?" pang-aasar ko.
Muli itong umiling.
"They will bring the dresses later. Mamili ka na lang mamaya, at ito."
Nakuha ng isang box na inilagay niya sa mesa ang aking atensyon. Binuksan ko ito. Well it's a ring, but I didn't expect the value of it.
"Woah! A treasure ring for a fake wedding? Not bad."
"That's the ring of my late mom, make sure to do not lost it," he said in calm yet dangerous tone.
"Why are you giving it to me then?"
"My mom told me that I should give that to woman I will marry. Don't worry, you'll just gonna wear that for six months."
Isinuot ko ang singsing, pinagmasdan nito.
"I hope the value of this ring means a lot too to the person who give it. It means it's love," I muttered, but he chuckled as if he couldn't believe what I just said.
"Love doesn't define in the value of that ring... nor any thing. It's here."
Tinuro niya ang puso nito na akala mo naman eksperto na naman siya sa usapang pagmamahal.
"Bakit nagmahal ka na ba noon?" taas kilay na tanong ko.
"You don't have any rights to ask me that question."
"Well I do have rights. I'm your wife."
He sneered. "For six months."
---