Kabanata 1: Fresh Air, Bad Mood

1811 Words
DANIELLA Ang unang bagay na naramdaman ko pagkagising ko? Init. Super init. Walang aircon. Walang lavender diffuser. Walang blackout curtains. Super nakakairita. Paano na lang kung masira ang skin ko sa lugar na ito? Is this really serious? Is this really happening into my life? Freaking annoying! I can't stand this any longer. I slowly open my dazzling beautiful eyes, hoping and wishing that once I open it... everything is only a bad humiliating dream. "Ugh! This ain't dream," I whined in distress. Napasabunot na lang ako sa aking healthy long dark burgandy hair. Nasa probinsya na nga talaga ako. Ito na ba ang magiging buhay ko? Maging isang probinsiya girl? I'm a super hot famous model... and now what? Isa na lang akong super hot, hindi na famous model. Napalunok ako habang pinilit kong bumangon. Buti na lang talaga malambot pa ang kama ko, dahil kung hindi, kawawa naman ang backbone ko. “Ugh… bakit ba ganito 'yung foam dito? Parang lumang tinapay,” bulong ko habang inaayos ang silk pajama ko—na obviously overdressed para sa paligid Masyado akong maganda para sa lugar na ito. Sa syudad, may espresso machine ako sa loob ng room. Dito? May matandang nagngangalang Rosa na nagsisigaw ng: “Kape na, iha! Mainit pa! Gumising ka na riyan dahil baka ikaw ay malate sa unang araw mo sa trabaho. Ayaw pa naman ni Dos ng nale-late.” Nanatili ako sa kwarto ko. Muling nagsalita si Nanay. Kung hindi ko lang talaga kilala si Nanay ay baka mapagkamalan ko siyang rapper. “Naghihintay na si Sir Dos sa opisina niya. May meeting daw siya mamaya sa mga rice suppliers.” 'Tsk. Freaking geez! Hindi ba p'wedeng i-move ang meeting ng maasim na yun kapag hindi pa ako nakapag-skincare?’ saad ko sa aking sarili. Marahas akong napabuntong hininga. Totoo na talaga ito. Hindi na 'to ang mundo ng likes, filters, OOTDs, and so on. My world has change now. At kahit na anong gawin ko at kahit gaano pa kaasim ng Dos na iyon kailangan ko siyang pakisamahan. Umupo ako sa gilid ng aking kahoy na kama, tinitigan ang kalikasan sa labas ng bintana. Sobrang green… sobrang tahimik… sobrang… not me. This is really not me. This is so baduy! I want to go home already. You're Daniella Huson ka, Girl. You are pretty, you're gorg... you are used to spotlight, hindi sa arawan. Sanay ka sa iced oat milk latte, hindi sa kape na puro lang. And not but not the least, hindi ka assistant. Ikaw ang may PA, hindi ikaw ang PA! This is really so freaking frustrating. Masyado akong maganda para mag trabaho sa farm? Paano na lang kung mag allergy ako? Paano na lang ang makinis kong kutis na sanay sa derma? Oh freaking geez! What frustrates me more is that, I will be the PA of that oh-so-called Dos. Masungit. Maasim. At super bastos. Hindi ko pa man siya kilala nang lubusan pero kahapon pa lang— nagsalubong na ang kilay ko sa kanya. Freaking! Kuhang-kuha niya talaga ang inis ko. "Nanay sino ba si Dos?" walang ganang tanong ko habang hindi ko matiis titigan ang breakfast. "Mukha lang naman po siyang mabaho at maasim na magsasaka, bakit kailangan ko pa siyang i-assist? Tagapagmana ba siya ng mga kalabaw kaya konti na lang magiging kamukha na niya?" Natawa si Nanay Rosa dahil sa sinabi ko. "Ikaw talagang bata ka. Hindi ka pa rin nagbabago. Ganiyan na ganiyan ka pa rin, pilya." Bahagya akong umirap. "Si Dos ang may ari ng kalupaan dito. Iyong Hacienda na pag t-trabahuan mo, sa kaniya iyon. Pamana ng kaniyang Lolo na si Don Lucas." Namilog ang aking labi dahil sa sinabi ni Nanay. Hacienda? Haciendero ang maasim na yun? "Hindi po halata ah," pagmamaktol ko. "Hija, mabait na bata si Dos, kapag nakilala mo siya ng lubusan, magkakasundo kayo." Napailing ako. "That won't going to happen, Nanay. Wala sa bokabularyo ko na makipag kaibigan sa maasim na iyon." Ngumiti si Nanay. "Tingnan natin," makahulugang saad niya. Anyway, ngayon—officially PA na ako ng lalaking maasim na iyon. At wala akong choice. Dahil kung gusto kong makabalik sa social media, makabawi sa career ko... kailangan ko munang lunukin ang pride ko. Pero ano kaya ang maitutulong niya sa akin? Sabi ni Mama makakatulong daw siya sa akin sa career ko. Paano? "Sigurado ka ba talaga sa suot mo, Hija?" tanong ni Nanay. Kanina pa siya tingin nang tingin sa akin na tila ba nababahala ito. "Of course, Nanay. This is how I dress." Muli kong kinuhanan ang sarili ko sa aking selpon. Fit check. May dala rin akong DSLR in case may maganda akong makita sa hacienda niya. "O siya sige, nagdala na rin naman ako ng botas o tsinelas mo kung sakali." Sumakay kami ni Nanay sa isang mukhang bulok na sasakyan. Aabot pa kaya kami sa pupuntahan namin nito? --- DOS Maaga pa lang, gising na ‘ko. Nasanay na ako sa ganitong gising. Muli kong binasa ang impormasyon ng aking bagong personal assistant. Ito ang unang araw niya ngayon, at mukhang sa itsura palang niya ay hindi siya tatagal dito. Tingnan natin kung ano ang kaya niya. Bumangon ako mula sa aking kama. Tinungo ang aking banyo upang makaligo, pagkatapos ko ay bumaba ako. Nakahanda na ang aking almusal ang ang diyaryo na babasahin ko sa tuwing kakain ako. "Dos, balita ko ay ngayon ang unang araw ng anak ni Daniel," saad ni Mang Rudy, isa sa caretaker ng mansyon. "Balita ko rin na sikat na modelo ito. Naku! Baka ito na ang oras para makapag-asawa ka." Natawa ako dahil sa sinabi ni Mang Rudy. "Wala sa bokabularyo ko Manong na mahulog sa kagaya niya. Maarte at akala niya ata siya ang pinakamagandang babae sa mundo," iiling-iling na saad ko. Kung hindi nga lang sa ama nito ay hindi ko siya kukuning personal assistant ko dahil hindi ko rin naman ito kailangan. Sanay din kasi ako na magtrabaho mag-isa. Pero utang na loob ang mas mahirap bayaran kaysa pera. Kaya heto ako. Pinapayagan ang isang glamorosa, maarte, pabebe na babaeng parang allergic sa lupa, na magtrabaho rito sa hacienda ko. Anong oras na ay wala pa ang maarteng babae. Sinabihan ko naman si Nanay Rosa na maaga ako ngayon dahil may meeting ako mamaya. Kanina pa ako nandito sa aking opisina sa loob ng hacienda—reviewing suppliers, checking harvest reports, at checking what we should prioritize next. Muli kong binasa ang kaniyang impormasyon. Daniella Huson Supermodel. Socmed queen. Self-proclaimed living goddess. Fashion icon. Napabuntong hininga ako nang mabasa ang mga articles tungkol sa kaniya. Tsk tsk tsk. "Despite of her being famous, she got herself in trouble, I guess," saad ko sa aking sarili. Napangisi ako habang iniikot ang ballpen sa daliri ko. Narinig ko ang pagkatok sa pinto. “Dos, nandito si Nanay Rosa kasama ang isang magandang dalaga," ani Mang Rudy sa labas ng aking opisina. Tumayo ako at lumabas. Agad nagsalubong ang aking kilay nang makita ko ang suot ng babaeng maarte. What the hell? Anong sa tingin niya ang suot niya? Bahagyang lumapit sa akin si Nanay Rosa at bumulong. "Hayaan mo na muna siya ngayon, Hijo. Mukhang nasa sistema pa rin niya ang pagiging modelo." Huminga ako ng malalim. Ngayon palang ay sumasakit na ang ulo ko sa kaniya. Sa tingin ba niya isang red carpet ang bukid na pupuntahan namin? Una ko siyang nakita kahapon, naka-high heels pa kahit na nasa loob na ng bahay. May suot na shades kahit palubog na ang araw. Halatang inis na inis siya sa amoy na naaamot niya, at mas lalo pa siyang napangiwi nang makita niya ako. Tinakpan pa nga niya ang ilong niya. "Hi," maarteng saad niya. Hindi ko siya kinamayan. Ayoko pa namang mag-init agad ang ulo ko. "This place is not bad. Not too classy, but it's okay," saad niya habang nililibot niya ang kaniyang mga mata sa kabuuan ng mansyon. "Ikaw na ang bahala sa kaniya, Dos. May dala naman siyang botas na maaari rin niyang gamitin." Tiinanguhan ko lang si Nanay Rosa. Nang maiwan ako kasama ang babaeng maarte ay hindi ko magawang pigilan ang pagsalubong ng aking kilay lalo na nang prente itong umupo sa sofa at kumuha pa ng fashion magazine. Hinilot ko ang aking sentido, mukhang problema pa ata ang ibibigay sa akin ng babaeng ito. May dating siyang… nakakainis. Yung tipong alam mong hindi siya nababagay dito pero and’yan siya. Loud. Kind of beautiful. And out of place. "To my office, Miss Huson," maawtoridad na saad ko. Nakita ko ang paghanga sa mukha niya. "You speak english din pala? Akala ko isa kang baduy na haciendero eh." Nag-igting ang aking panga. Sinundan ko siya ng tingin na para bang alam na niya agad ang aking opisina. Pumasok siya sa opisina ko na parang runway ang sahig. Napailing na lang ako. Nakita ko ang paraan ng pag-upo niya. Napaka arte talaga ng babaeng ito. “First task mo: Inventory ng fertilizers sa bodega. Kailangan ko ng actual count, hindi yung nasa papel lang.” Nakita ko agad ang pagsalubong ng kilay niya dahil sa sinabi ko. Kitang ko agad sa mukha niya ang pandidiri. “Fertilizer? Like… real poop? Yuck! I won't do that." “Yung commercial grade. Hindi po literal na tae," may diing saad ko. Natahimik siya. I know she wants to protest, but at the same time she knows that it will be useless for sure. "Can I just seat here inside your office? You see, I actually not used to this kind of place." Napatitig ako sa kaniya. It is really wrong of me to let her work here. Mukhang nagdala lang ako ng sakit sa ulo. "Okay, since you're new here. I will tour you first. Inform you what you should and shouldn't do. This place might not be the place you used to before, but this place is more than what you think," saad ko sa isang kalmado ngunit malamig na tinig habang nakatingin ako sa kaniya. Tumayo ako mula sa aking upuan. Kinuha ang aking iPad at clipboard na may listahan tungkol sa hacienda. "What am I gonna do with this?" she said with her brow arched. "That's the details of the farm — the hacienda." She started to scan the paper. "I will do some inventory for all of these? No! That can't be. This is a worker torture." I sneered. "Then go back to the place you used to before. Let's see if they will accept you," I said in a sharp tone. I saw how her eyes change. Sadness. "Tsk. Ayoko munang bumalik. Sabi ni Mama makakatulong ka sa akin. I will go with that." Muling nag igting ang aking panga. She is really so out of hand. "Tingnan na lang natin kung makatagal ka nga rito." ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD