Kabanata 2: From Supermodel to Farm Girl

2122 Words
DANIELLA "Ugh. Apaka baho!" Literal. I said it out loud habang pinipigilan kong masuka dahil sa naaamoy ko sa paligid. Sobrang init pa rito. Paano na lang kung madirtyhan ang clear skin? Sensitive pa naman ako. "Oh freaking geez! I can't do this anymore." Andito ako ngayon sa bodega ng hacienda. Binibilang ang mga fertilizers na hindi ko alam kung saan nanggaling. "Oh my geez! Oh my geez! Oh my!" aligagang turan ko nang makaapak ako ng putik. "Ew! Yucky!" Mas mahal pa ata ang suot ko ngayon kesa sa mga fertilizers na ito. Suot ko lang ang mga fashion clothes sa tuwing may ganap ako sa labas... dahil for sure kapag nakita nila akong ganito kaganda, pagkakaguluhan agad nila ako. For sure trending. Pero nung nakita ako ng mga farmers kanina, para silang nakakita ng dyosa. Like they can't believe what they just saw. Hindi sila nag papicture pero sapat na ang nakita kong paghanga sa kanilang mga mata nang makita nila ako kanina. Pero ano ba kasing klaseng plot twist ‘to, Universe? Pwede bang time freeze na? Ibalik mo na ako sa dating buhay ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa nangyayari. A week ago, I was at a luxury resort trying to negotiate a comeback deal with one of my endorsers, they even beg me to sign again. Then all of a sudden may lumabas na video na hindi ko alam kung saan nanggaling. At sa isang video na iyon, nasira ang lahat. From trending Queen D to trending mess and dirty. At ngayon? Nandito ako sa probinsiya kung saan instead fresh ang hangin, naaamoy ko lang fertilizer na ang sakit sa ilong. Tapos tinawag pa akong assistant ng isang lalaking mukhang hindi marunong ngumiti at mukhang maasim lagi. Si Dos. "Bakit parang ang tagal mo? Dalawang sako pa lang binibilang mo." Bumalikwas ako mula sa aking pagkakaupo. Si Dos. Naka puting sando lang at jeans — mukha siyang dugyutin. Pawisan. Mainit. Pero for some reason, yung biceps... yung pagbakat ng abs niya... sherep! Napailing ako dahil sa inisip ko. Hindi ito ang panahon para pag pantasyahan siya. “Excuse me, excuse me," maarteng saad ko. "Hindi ako trained sa counting ng kung anong fertilizers ito. I graduated fashion business, not farm business, for your information Mister Maasim." Umirap ako ng bongga, para naman alam niya na hindi ako natutuwa na makita siya. "Alam ko. Sinabi nga ng magulang mo. Pero wala ka na ngayon sa fashion industry, nasa hacienda na kita. Kaya gawin mo ang trabaho mo," pagsusungit niya sabay lakad papunta sa gilid ko. Kinuha niya yung clipboard at sinulat ang number of sacks. Umirap ulit ako. “Kung ako sa'yo, Miss Maarte, mas pipiliin kong tapusin ‘to nang mabilis para makaupo ka na ulit sa aircon.” Pinagtaasan ko siya ng kilay. “Kung ako sa’yo, wag kang assuming na gusto kong umupo with you around.” Natawa siya, konti lang. Parang yung tawa na hindi mo sure kung natutuwa siya o naaasar. Nakakainis talaga siya! “Alam mo, Miss Huson, hindi ka masama. Maarte ka lang talaga. At saka payo ko lang sa'yo, magsuot ka ng naaayon sa sitwasyon. Wala ka sa runaway." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na tila ba kinikilatis ang suot ko saka siya ngumisi na talaga namang ikinakulo ng dugo ko— he is insulting me, I know that look. I blinked. “That’s supposed to be a compliment, right? Why does it sound like you're freaking insulting me right now?" “It depends how you interpret it. Pero kung matutunan mo sigurong harapin ang dumi ng mundo, baka balang araw, hindi mo na kailangang maglinis ng pangalan mo sa mata ng ibang tao. Sila na mismo ang magtatanggol sa’yo. They will clean for you." Napatigil ako. Literal. Hindi ko alam kung bakit... pero tinamaan ako sa sinabi niya. Napalunok ako. I tried to act as if it didn't bother me at all. Ayokong ipakita sa kaniya na tinamaan ako sa sinabi niya. Nilakasan ko ang loob kong ngumiti nang plastic. "Freaking wow." Nag hand gesture pa ako ng WOW para mas mafeel niya. "May pa-quote ka pa Mister Maasim. Galing, ha. Farmer na, philosopher pa. Gago nga lang," sarkastikong saad ko. Tinalikuran ko siya. Pero habang naglalakad ako paalis sa bodega ramdam ko ang malakas na kabog ng aking dibdib. Ilang beses naman na akong nainsulto, pero kahit na anong gawin ko ay hindi pa rin ako masanay-sanay. Masakit pa rin talaga makarinig ng gano'ng salita. Ang mga salitang binitiwan niya laban sa akin ay mas mabigat pa sa social media hate comments na natatanggap ko. He is really the worst. Hindi niya ikakagwapo ang gano'ng paraan ng pananalita niya. Tanghali palang pero gusto ko na lang umuwi. Ayokong makita si Dos, ni ayoko ng mag stay pa sa lugar na ito. Hindi lang ako napapagod physically, sobrang pagod din ako mentally. Ang sabi ng parents ko, character-building daw ‘tong ginagawa ko kaya nila ako dinala rito. Para na rin daw malayo ako sa mga isyu na kinakaharap ko. Malayo sa bashers, malayo sa lahat. Pero dinaig pa ni Dos ang milyon of bashers ko sa mga salitang binibitawan niya. Sa pagkakatanda ko ay wala naman akong ginawang masama sa kaniya ngunit kung makaasta ito ay para bang ako ang pinakamasamang taong nakilala niya. Ni hindi nga kami close... at ngayon nga lang ulit kaming nagkita. "Hi po." Agad na nagtaas ang aking kilay nang may babaeng lumapit sa akin. Todo ang pagkakangiti niya na akala mo nakakita siya ng dyosa na nakaupo sa lilim ng puno. "Totoo palang nandito ka. Alam mo fan mo ako." Hindi ako umimik. Tumabi siya sa akin kahit hindi ko naman sinasabi sa kaniya na tabihan ako. Mukha siyang college students. Teka? May eskwelahan ba rito? "Ako nga pala si Mirabelle, Mira na lang o kaya Belle." Inilahad niya ang kamay niya. Sinuri ko pa ito kung malinis bago ko hinawakan ang tip ng daliri niya para sa small hand gesture. Baka mamaya may germs ang kamay niya. "Daniella." "Queen D," pagkakwa'y saad niya. Nakangiti pa rin. Dati, sa tuwing naririnig ko ang Queen D, pumapalakpak ang tenga ko, pero ngayon? Naiinis na lang ako. I'm no longer the Queen D na famous at mahal ng lahat. "Alam mo ba, nainspire talaga akong mag design ng damit dahil sa'yo." Inilabas niya ang kaniyang sketchpad. Binuklat ito. Bahagya akong sumilip sa gawa niya. "Too plain," tipid na sagod ko. "Alam ko, iyan din ang sinabi ng Professor ko sa Fashion Design. Di ba grumaduate ka rin sa Fashion Designing?" "Yes." "Sa tingin mo darating ang araw na masuot mo rin ang gawa ko?" Binalingan ko siya ng tingin. Nakangiti pa rin siya. Hindi ba to nangangawit kakangiti? Nakakaimbyerna. "Depende." Depende kung makabalik pa ako sa Fashion Industry. "P'wede mo ba akong i-coach? Alam kong imposible ang hinihiling ko pero talagang gustong-gusto kasi kita. At pangarap ko talaga na maisuot mo rin ang design ko." "Are you insulting me too? You're my fan? Seriously? Do you really think makakabalik pa ako?" Hindi ko na napigilan pa ang pagtaas ng aking boses at bago pa man ako tuluyang maubusan ng pasensiya sa kaniya ay nilayasan ko siya. Buti na lang naman hindi na niya ako hinabol pa. Ugh! I really hate this place! Puro annoying ang mga tao! Nakakainis! Wala bang lugar dito sa Hacienda na ito na p'wedeng mapag-isa? Ayokong makakita ng kahit na sinong tao rito. I can't stand them. Napahinto ako sa paglalakad nang biglang humihip ang malamig na hangin. Napapikit ako at pinakiramdaman ito. Kahit papaano ay kumalma ako. "Anong drama mo at nakapikit ka pa riyan?" Naimulat ko ang aking mga mata. Agad na tumalim ang tingin ko sa gagong nagsalita. Napaatras ako bigla. Si Dos na naman. Bakit parang kabute ‘tong lalaking ‘to? Laging sumusulpot kapag ayaw ko siyang makita. Laging sumusulpot kapag gusto ko lang mapag-isa. "Sorry ah, I was just… inhaling the scent of rural life,” sarkastikong sagot ko habang pinipigilan ang sarili ko na suntukin siya. "Baka gusto mo na rin tikman?" asar niyang tugon habang inaabot ang isang pala. Wait, what? "Excuse me?! Did you just hand me a… shovel? Anong gagawin ko rito? Magpala ng fertilizer para ipakain sa iyo?" singhal ko sa kaniya. "Miss Maarte, binigay ko iyan kasi tutulungan mo ako magbungkal ng lupa. Assistant kita, ‘di ba?" I laughed. “Assistant in meetings, calls, emails — not field work! Ano ako trabahador mo? Hindi ako kasing laki ng mga taong narito." Pero hindi siya ngumiti. Gano’n talaga siya, laging seryoso. Nakakainis. "Sa Hacienda na ito, ako ang boss at laging nasusunod." "Sa Hacienda na ito, boss ka nga, hindi Diyos!" But in the end, kahit na anong balak kong pagtanggi sa sitwasyon ko, wala akong magawa. I could have walked away and leave. I could have called my mom and demanded to bring me back home. Pero may parte ng sistema ko, ang pride ko na hindi basta-bastang magpapatalo sa gagong ito— at okay fine kung akala ni Dos, kaya niya akong ma-intimidate, well… challenge accepted. Tingnan na lang talaga natin kung sino ang susuko sa aming dalawa. Sinundan ko siya. Sa totoo lang, maganda pa rin naman ako. Pero siya? Para na siyang taong grasa. "Bibigyan mo ba ako ng demo, Mr. Maasim na Haciendero?" I crossed my arms, raising a brow habang nakapamaywang na nakatingin sa kaniya. Napangisi siya. “Baka kapag pinanood mo ‘ko Miss Maarte, hindi ka na makapag-focus, ako na lang ang titingnan mo." That freaking smug tone. That look. That damn dimple na lumilitaw lang kapag naaasar niya ako. "Relax. Hindi ka naman gano’n ka-hot." Umirap ako ng bongga. "Hindi pa lang." Wow! The freaking confidence of this freaking haciendero guy! Hindi ako gumalaw sa puwesto ko. Pinapanood ko lang siyang nagpapala ng pataba. Bakit kaya nandito ang lalaking ito? Sa sobrang yaman nila, kayang-kaya niyang manirahan na lang sa syudad kesa rito. "What?" I hissed when he stopped and stare at me. Ngumisi na naman siya. "Alam mo, masyado ka ng matanda para sa ganiyang ginagamit mo. Hindi mo iyan ikakagwapo," pagtataray ko sa kaniya. Konting kaldag na lang niya ay mag fo-forty years old na siya. "Why? Do I look hot in your eyes now?" mayabang na tanong niya. Isang araw ko palang rito pero hindi ko na talaga kinakaya ang mga kagaguhan niya. "Yuck! As if naman!" Tinalikuran ko siya dahil konti na lang at baka maipalo ko sa kaniya ang palang hawak ko. Gusto ko na talagang umuwi. Ayoko na rito. Narating ko ang loob ng mansyon niya, dumiretso ako sa kusina upang kumuha ng tubig. "Bakit ba kasi ang bagal ng oras?" pagmamaktol ko. "Oh! Sakto ang dating mo, Hija. Tara na roon sa kubo dahil nakahanda na ang pagkain natin." Bago pa man ako makatanggi ay hinila ako ng matandang hindi ko naman kilala. Hindi ko maiwasang mapangiwi habang iniisip ang germs sa kamay niya. "Marunong po ba kayong mag sanitize rito?" Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na magtanong. "Bakit, Hij, nababahala ka ba sa kinis ng kutis mo rito?" Tumango ako na ikinatawa niya. "Tama nga si Dos, kakaiba ka nga talaga." Dos na naman? Bakit lahat na lang puro Dos ang naririnig ko? Nakakasira ng appetite sa totoo lang. "Huwag kang mag-alala sa kalagayan mo rito, Hija. Kayang-kaya kang alagaan ni Dos," saad niya na para bang si Dos ang sagot ng lahat. "Kaya ko pong alagaan ang sarili ko, hindi ko kailangan ang tulong niya." Inasahan ko naman na hindi magiging madali ang sitwasyon ko rito... pero kahit papaano ay kalmado ang isip ko. Agad akong umirap nang makita ko si Dos. Nakikipagtawanan at nakikipag-usap ito sa mga trabahador niya. "Teka lang! Naghugas na po ba kayo ng kamay?" tanong ko nang akma silang kukuha na ng pagkain. "Naku Hija, sanay na kami sa ganito. At saka malinis naman ang kamay namin kahit papaano," saad ng isang trabahador, tiningnan ko ang kamay niya, napangiwi ako. "Proper hygiene is the best," iiling-iling na saad ko. "O siya sige, sundin na lang muna natin ang bisita natin," ani Mang Rudy. Tinarayan ko ng tingin si Dos nang iiling-iling itong tumingin sa akin. Nakita ko ang pagbukas ng bibig niya 'Ang arte' Nang muling makabalik ang mga trabahador akmang magsisikain na sila nang muli akong magsalita. "Magdasal po muna tayo. Mister Haciendero, ikaw na ang mag lead ng prayer," nakangising saad ko. Tumalim ang tingin niya. "Sige na Dos, nang makakain na tayo. Gutom na kami." Tingnan na lang talaga natin kung sino ang susuko sa ating dalawa. Mali ka ng binangga. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD