DANIELLA
Sobrang sakit ng katawan ko. Feeling ko hihiwalay ang kalahati ng katawan ko mula sa akin. Kanina pa ako napapaungol sa sobrang sakit ng paa, tuhod, balikat, at ulo ko.
"Nanay, ayoko ng magtrabaho ro'n. Forced labor na po ito," pagmamaktol ko.
Kanina pa ako napapaungol dahil sa sobrang sama talaga ng buo kong katawan. Para akong nabugbog. Ni hindi ko na nga rin kayang igalaw ang aking mga paa, ni pagtaas nga lang ng kamay ay nahihirapan na ako.
"Sa umpisa lang iyan, Hija. Makakasanayan mo rin."
Umiling ako. "Ayoko ng makasanayan ito, Nanay. Unang araw ko palang pero yung pagod at sakit ng katawan ko parang buong taon na," pagmamaktol ko.
Ugh... what kind of pain is this? Is this… death? Ramdam ko ang kirot sa balikat, sa binti, pati sa mga daliri ko. Naaawa na lang talaga ako sa sarili ko.
"Hija, hindi ka kasi sanay aa pisikal na trabaho. Huwag kang mag-alala, nasabihan ko na rin naman si Dos na hindi ka na muna makakapasok ngayon. O siya mauna na muna ako. Kung kakain ka nasa mesa na."
Seryoso ba talaga ito? Ganito ba talaga rito sa probinsya? Akala ko ang hacienda ay parang spa na may fresh air, may kabayo, maluwang na lupain, at chicken lang ang alarm clock. Nagkamali pala ako. Though the chicken, horse, and wide farmland is real... pero hindi ko naman inakala na may kasama ring alikabok, init pawis, at pagpapakaalipin ang lugar na ito.
"Gusto ko na lang talagang umuwi."
Gusto kong umiyak at sumigaw dahil sa frustration na nararamdaman ko, pero masyado akong maganda para sa gano'ng eksena.
Napahawak ako sa batok ko at dahan-dahang umupo sa kama. Muli akong napadaing.
Sanay ako sa lights, camera, attention, and me being famous and trending most of the time. Hindi sa ganitong sitwasyon na puro puno ang nakikita ko, mga hayop na hindi ko alam na nag e-exist pa rin, putikan na hindi ko matiis ang amoy, at sunburn na kailanman hindi ko naranasan.
Sanay ako na assistant ko ang nagdadala ng drinks ko tuwing umaga, ang stylist ko ang pumipili ng suot ko, at ang manager ko ang siyang nag-aayos ng lahat para sa akin.
Ngayon? Ako ang assistant. Ako ang inuutusan. The worst part? Ang ina-assist ko ay ang pinaka maasim na nilalang sa mundo, arogante... masungit pero sa akin lang. Ugh!
Dos. His name alone makes my eye twitch.
Habang naglalakad ako papunta sa maliit na kusina ng bahay, bawat hakbang ay may kasamang ouchy at aray. Ang tagal ko namang naglakad sa runway suot ang 5-inch stilettos ko, pero mas nakakapagod pala ang tumayo sa ilalim ng araw ng ilang oras... nagbibilang ng sako ng fertilizer, may hawak na pala, at makisalamuha sa mga trabahador na maaasim ang amoy.
Ugh, I freakingly hate this place... this is not the place I want.
I hate the bed I'm sleeping right now... it's so not nakakaganda ng sleep.
I hate that palengke-scented candle inside my room... instead makatulog ako ng maayos ay parang magkakaroon pa ako ng nightmare.
"I freakingly hate it here. I hate everyone here—especially that man who always treats me as if I'm some kind of infamous eyesore to his eyes!" I whined while trying to open the jar of sugar. "How will I freaking open this shit..."
"Ako na."
Bahagya akong napatalon sa gulat nang bilang sumulpot si Dos. Unlike kahapon ay medyo mas maayos naman ang itsura niya. Pero teka...
"What the hell are you doing here?" I asked with my brows furrowed.
"Sinusundo ka."
Mas lalong nagtaas ang kilay ko.
"Sinabi ni Nanay na hindi ako makakapasok ngayon. Look at me? Do you really think I can work today?"
Umirap ako dahil naging seryoso ang kaniyang tingin sa akin. Para bang sinasabi niya na wala siyang pakealam sa nararamdaman ko.
"I'll give you an hour." Pinasadahan niya ang kaniyang relo bago niya ako tinalikuran.
"Ugh! Nakakagigil talaga!" pagmamaktol ko.
Instead bilisan ko ang aking galaw ay mas binagalan ko pa ito. Fineel ko ang pagkain ng almusal kahit na hindi ko malunok ng bongga ang kinakain ko. May talbos pa na may sawsawan na bagoong, tumikim lang ako ng isa hanggang sa naubos ko lahat. In fairness, masarap.
Matapos kong mag-almusal ay naligo ako... nagbabad ako sa banyo kahit wala namang bathtub sa loob. Fineel ko lang ang mainit na tubig na lumalandas sa aking maputi at makinis na kutis.
"Ano na kayang ginagawa ng Mister Haciendero na iyon?" tanong ko sa aking sarili habang pinaglalaruan ang bula ng sabon.
Buti na lang din talaga marami akong stock ng mamahalin kong shampoo at sabon.
Nang matapos kong magising ay naghanap pa ako ng pang OOTD ko ngayong araw. Kahit papaano ay kailangan ko pa ring ipakita sa mga bashers ko na maayos ang lagay ko.
Nadampot ko ang polo shirt sa kabinet. I will pair it with my mini skirt, and loafers. Nang matapos kong mag-ayos napasabi na lang ako sa sarili ko.
"Sobrang ganda! Sobrang latina!"
Kinuha ko rin ang sunglasses ko at ang cute expensive bag ko. Perfect! You still carrry the fashion industry Daniella.
Nang lumabas ako ng bahay, nakita ko si Dos na kalaro ang alagang aso ni Nanay. Nakuha ko naman agad ang atensyon niya. As usual, tiningnan na naman niya ako mula ulo hanggang paa na para bang jina-judge na naman niya ako.
"Instead judging me with your stare." Inabot ko sa kaniya ang DSLR ko. "Take a photo of me na lang. Para naman may ambag ka sa buhay ko kahit ito lang," pagtataray ko.
Nanatili siyang nakatingin sa akin, hindi gumagalaw.
"What? Just take a photo. O baka naman kasi hindi mo alam..."
*click*
"Done."
Napamaang ako dahil sa sinabi niya.
"Yun na yun? Hindi pa nga ako nakapag..." Iniabot niya sa akin ang camera saka ito naunang naglakad. "Freaking rude," I hissed.
Tiningnan ko ang kuha niya mula sa akin. Tsk.
"Make it fast," aburidong saad niya, salubong na naman ang kaniyang kilay.
Pero instead bilisan ko, binagalan ko pa. Let's get into each other's nerves... jerk! Kahit ata anong gawin ko ay hindi ko makakasundo ang maasim na tito na ito. We are ten years apart. I'm twenty-seven and he is old enough to be a rude man.
"Where are we going?" I asked because this is not the way papunta sa kaniyang hacienda.
I gulped.
"Saan mo ako dadalhin?" I started to overthink. I cover myself with the bag I have.
He stopped his bulok na car. Tumingin siya sa akin na para bang may gagawin siyang hindi dapat.
"Oh geez! Oh geez!" I started to panick. "What do you think you're trying to do..."
"Stop watching too much drama," putol niya sa sasabihin ko.
"W-What?" I'm still shaking. My heart is pounding so hard.
Lumabas siya sa kaniyang sasakyan.
I gulped. I can still my system out of hands. I breathe... slowly... close my eyes... take a breath again. What the hell?
"Miss Maarte, labas na riyan, may trabaho pa tayong gagawin."
Nagulat ako nang bigla niyang binuksan ang pintuan. Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kaniya upang punasan ang luhang kumawala sa aking mga mata.
Huminga ako ng malalim. Chin up! Brat face.
"Nasaan ba kasi tayo?" iritableng tanong ko. Lumabas ako ng kaniyang sasakyan.
Puro bukid ang nasa paligid. May mga taong nagtatanim sa ilalim ng sikat ng araw.
Pumunta siya sa likod ng kaniyang pick-up.
"Isuot mo ito."
Nagtaas ng bahagya ang kilay ko nang iabot niya sa akin ang isang pink na botas.
Napangiti ako. "Hindi mo naman sinabi sa akin na into pink ka rin pala," pilyong saad ko.
Agad tumalim ang tingin niya sa akin. Dahil mukhang lalakarin namin ang bukid, tingin ko good idea na isuot ito. Hinubad ko ang aking loafers, at sinuot ang botas.
"Mister Haciendero, picture."
Wala siyang nagawa nang iabot ko sa kaniya ang camera. Umupo akong muli sa passenger seat, nag cross feet, at nag pose.
"Make sure, makuha mo ang tamang angle. Ang main point ng picture ay ang cute pink boots," saad ko.
Umiling lang ito at kahit ayaw niya ay wala siyang nagawa. He took a photo of me.
"They always do that?" I asked while staring at the busy farmers planting.
Pinagmasdan ko ang mga farmers. Ang saya nila. Pawis, madumi, pero parang... kontento.
---
DOS
"Huwag mong sabihing lupain mo rin ito?" tanong niya habang pareho kaming nakatayo sa gilid ng kalsada kung saan hinihintay ko siyang maging handa sa paglalakad sa pilapil.
Sinabi ni Nanay kanina sa akin nang pumunta siya sa Hacienda na halos hindi na siya makabangon sa kaniyang kama dahil sa sakit ng katawan nito. Pero ngayon, habang tinitingnan ko siya na nag-aayos ng sarili, alam ko na kaya niya ang trabaho.
I know she's not the type of woman who can easily give up— especially now that she's in a trap.
"They always do that?"
Nabaling ang tingin ko sa kaniya nang magtanong siya.
"I really don't understand why a lot of people be little the work of a farmer. Alam mo ba?"
Bahagya akong napaatras nang bigla niya akong balingan ng tingin.
"May nabasa akong articles about farmers, like sobrang baba ng bili nila sa palay. They don't know how people plant it. Bakit kaya gano'n? Ikaw? Paano mo sila sinasahuran? You own the farm... they are just there doing the work that you should do. Hindi ka naman siguro masamang tao na babayaran sila ng konting halaga, no?"
I shrug my head.
"You sure have a lot of something to say. Halika na," saad ko.
"Huh? Where?"
Nagtaas ng bahagya ang kilay ko. Muli akong lumapit sa kaniya.
"Nakikita mo ang kubo sa gitna? Doon tayo pupunta."
Agad nagsalubong ang kaniyang kilay.
"What? No! I can't do that..."
"Akala ko ba model ka?" putol ko sasabihin niya. Ngumisi ako. "Now prove me that you are indeed a famous model."
Kinuha ko ang dalawang basket na nasa likod ng aking sasakyan.
"Ano? Tara na."
Nauna akong naglakad. I couldn't stop myself from smiling because I know she will come with me too.
"I didn't go here for this," pagmamaktol niya.
Sinilip ko siya.
"Kapag ako nahulog dito, ipapabayad ko itong suot ko sa'yo."
"Maglakad ka kasi ng maayos."
"I did, already... oh my geez! oh my geez!"
Binalingan ko siya ng tingin. She almost fell down but manage to stand up.
"Such a grief," maarteng saad niya
Napailing ako ulit.
Tama nga si Nanay, habang mas lalo siyang minamaliit ay mas lalo siyang tumatapang.
"Bilisan mo Miss Fashion Icon. Nagugutom na ang mga kasama natin."
"Shut up! Nag f-focus ako!" singhal niya sa akin.
Hindi nagtagal ay narating namin ang kubo. She really did it with any marks od mud in her body. Nakaupo siya sa papag habang pinapaypayan ang kaniyang sarili.
"Next time, inform mo nga ako kung saan tayo pupunta para naman makapaghanda ako. Hindi itong... ugh! Ang baho ng putik."
And here she goes again...
"Ito na ba ang apo ni Rosa?" tanong ni Mang Ruben.
"Oho Manong. Maarte nga lang."
"Siya ba yung modelo na sinasabing..."
"Oho, siya nga po," putol ko sa sasabihin ni Mang Ruben.
"Napakagandang bata talaga. Manang-mana sa ina," saad naman ni Aling Puring na nakangiting nakatingin kay Huson na nasa selpon lang ang tingin.
"Hija, hindi ka ba magsasalita?" Nilapitan siya ni Aling Dana
"Bakit po?" tanong niya, kalmado ngunit kitang-kita ko kung paano gumuhit ang pagkairita sa mga mata niya.
"Bakit ka narito sa lugar na ito? Sa pustura mo palang kasi ay hindi ka nababagay sa lugar namin."
Isa si Aling Dana sa pinaka istrikto. Kapag siya talaga ang nagsalita ay hindi mo magagawang sumagot.
"Paano niyo po nasabi na hindi ako bagay dito? Dahil po ba maganda ako?"
What the hell? Napailing ako.
"Hindi ko rin naman po ginusto na mapunta ako rito." Binalingan niya ako ng tingin. "Siya. Yang maasim na yan ang dahilan kaya ako rito, nagtitiis sa mabahong amoy ng putik."
She rolled her eyes.
"Dana, huwag mo namang takutin ang dalaga. Baka mamaya niyan ay matakot na talaga siya na pumunta rito. Kumain na lamang tayo."
Nakatingin lang ako kay Miss Huson na abala na naman sa kaniyang selpon. Wala itong kahit na emosyon sa kaniyang mukha.
"Miss Huson, kain na," saad ko.
"Ayoko," matigas na saad niya.
---