DOS "Kumusta po siya, Nay?" tanong ko kay Nay Rosa nang makalabas siya ng aming kwarto upang asikasuhin si Daniella sa loob. "Mataas pa rin ang lagnat, Hijo. Pinainom ko na rin naman siya ng gamot, at pinalitan ko na rin ang damit niya." Binalingan ko ng tingin si Daniella na kasalukuyang nakahiga at mukhang mahimbing nang natutulog. Kakauwi lang namin galing sa medical mission, hindi pa nga tapos ito ngunit kinailangan ko siyang iuwi dahil biglang sumama ang pakiramdam nito. Marahas akomg napabuntong hininga. "Hindi ko pala nasabi sa iyo na mababa ang immune system ni Dani. Mabilis lang itong magkasakit. Pero huwag kang mag-alala, magiging okay din siya." "Kapag hindi pa ho bumababa ang lagnat niya mamaya, ipapatawag ko na ang kaibigan kong doctor," saad ko. "Sige Hijo, pero pupunt

