Kabanata 11: Pag tanggap ng Insulto

1909 Words

DOS "Talaga bang mahal mo ang babaeng iyon, Dwight? O baka naman ginagawa mo lamang ito dahil ayaw mong makuha mula sa iyo ang hacienda." Hindi ko binalingan ng tingin si Lola. Nanatili lamang ang aking atensyon sa diyaryong aking binabasa. "Mabuti ng tapusin mo na lamang ito habang maaga pa. Hindi ko gusto ang tabas ng dila ng babaeng iyon." Marahas akong napabuntong hininga. Ibinaba ko ang diyaryong aking binabasa kasabay ng pag-igting ng aking panga. Hindi pa rin nagbabago ang mukha nila, makikita ang disgusto sa mukha niya. "Ang lakas ng loob niyang sagot-sagutin ako sa loob ng pamamahay ko. Paypayan mo nga ako Rina dahil parang tataas ata ang dugo ko." "Lola, hindi siya ang tipo ng babaeng iniisip mo. Iba siya," mahinahong saad ko ngunit hindi nito napawi ang galit sa kaniyang m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD