DANIELLA Hanggang ngayon ay kuhang-kuha pa rin ng matandang matapobre na iyon ang inis ko. Hindi ko na nga si pinapansin minsan kaya lang siya itong dada nang dada kaya naman syempre hindi talaga ako magpapatalo. Ngayon, kasalukuyan akong nandito sa open field ng hacienda nakaupo sa isang papag sa lilim ng puno — pinapanood ang mga trabahador kung paano nila alagaan ang mga kabayo. Ang iba sa kanila ay nakasakay pa. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na kumuha ng mga litrato. "It's so peaceful here," nakangiting bulalas ko. Masasabi ko talaga na ibang-iba ang buhay rito kesa sa syudad kung saan puno ng mga mauusok na sasakyan, maingay, at magulo. Dito literal na greenest green ang mga nakikita ko sa paligid — isama mo na ang mga mababahong amoy ng mga trabahador dahil sa init at

