DANIELLA Wala na kaming nagawa ni Mr. Haciendero kung hindi harapin na lang ang kapalaran naming dalawa. Nire-ready ko palang ang sarili kong maging housewife, nanonood pa ako ng mga videos on how to be a good housewife, pero dahil nandito ang lola niyang matapobre na akala mo walang bahid ng kapintasan sa katawan ay kinailangan ko ng magpanggap... actually namin. I just hope I can do well. "Is she really going to stay here? For how long?" tanong ko kay Dos na prenteng nakaupo sa balkonahe ng aming kwarto habang nagbabasa ito sa diyaryong hawak niya. Ang baduy talaga ng uncle na 'to. Umupo ako sa tabi niya. "I just can't really stand her at all. Lola mo ba talaga siya? Like how? Sorry to say this, pero sobrang pangit talaga ng ugali niya." Isang araw palang siyang nandirito pero kuha

