Kabanata 2

1000 Words
Hindi maipinta ang mukha na naglakadlakad siya sa labas at ngayon lamang niya napansin kung gaano kagara ang bahay na kanilang pinuntahan,Bakit ba hindi niya iyun napansin kanina pagpasok nila..Ah!dahil abala siya sa pagseselpon at hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataon na bigyan pansin ang dinadaanan nila at hanggang sa makapasok sa balwarteng ito. Napakaganda pala ng lugar at hindi naman maikakaila na super yaman talaga ni Don Ramon dahil sa Mansion pa lamang nito ay nakakalula ng tingnan at sa may di kalayuan naman ay ang mga baka,kabayo at kambing.Kaya naman pala marami itong tauhan dahil maraming mga alagang hayop na dapat pakainin at alagaan.Mga naglalakihan at mayayabong na iba't ibang puno ng prutas din ang mga nakatanim sa malawak na bakuran..Idagdag pa ang napakaganda nitong hardin na tila isang munting paraiso dahil sa mga naggagandahang iba't ibang bulaklak na may mga ilan-ilang paru-paro na lumilipad.Naengganyo siya na puntahan ang hardin,nawili siya sa pagmamasid sa mga makukulay at naggagandahan mga bulaklak..Hayst!ang sarap sigurong tumira sa lugar na ito.. Nang tumuntong siya sa edad na kinse 'y,doon siya nagsimulang mangarap para sa kaniyang sarili at syempre pa kasama sa kaniyang pangarap ang kaniyang mga magulang na sana dumating ang araw ng hindi na magtitiyaga ang kaniyang Itay sa ilalim ng araw at nagbibilad para lamang magsaka,dahil ito lang naman ang pinanggagalingan nila ng ikabubuhay. Ang kakarampot nitong sakahan na kung hindi pa sa pagkakawangawa ni Don Ramon ay hindi pa ito magiging pagmamay-ari ng kaniyang Itay..Siguro dahil sa matagal ng paninilbihan ng kaniyang Itay sa matanda ay naawa ito at binigyan ng maliit na sakahan,mabuti na rin naman iyun kesa nakikisaka pa ang kaniyang Itay na halos hindi pa sumapat ang kinikita nito sa araw-araw na gastusin nila sa bahay. Kaya naman nagsusumikap talaga siya na pagbutihin ang pag-aaral upang ng sa gayun kapag nakapagtapos na siya at nagkaroon ng trabaho ay maiaahon na niya ang pamilya sa kahirapan..pangarap naman Nina na umasenso ang kanilang buhay tutal hindi naman masama mangarap eh!saka kapag may determinasyon at may pagsusumikap posible naman mangyari ang lahat na kaniyang ninanais sa buhay.. Hindi naman lahat ng mayaman ay ipinanganak talagang mayaman,yung iba naman ay nagsumikap para sa kanilang sarili upang maabot ang tugatog ng karangyaan at iyun ang isa sa kaniyang pinaghuhugutan ng inspirasyon ang mga taong nagsumikap para lamang umangat sa buhay. Ang sarap siguro sa pakiramdam kapag nangyari iyun..At mangyayari talaga yun..buo ang paniniwala na bulong niya sa kaniyang sarili. Nakangiting lumapit siya sa bulaklak na liryo,isa kasi ito sa namamayagpag na bulaklak sa hardin na iyun dahil sa tinataglay nitong kagandahan.Gusto talaga niya ang bulaklak na liryo dahil may iba't ibang uri ito ng kulay at magandang ilagay sa plorera.. "Ang ganda-ganda mo,kasing ganda ko.."aniya sabay napahagikhik."kung pwede nga lang kitang pitasin at iuwi sa bahay ginawa ko na,kaso lang baka mahuli ako ng amo mo,pagalitan ako at paluin sa puwet.."pilyang kausap niya sa bulaklak na liryo. "You can pick that one,if you like that flower.." "Ay palaka.."bulalas na sambit niya ng marinig ang isang baritonong boses mula sa kaniyang likuran..Dahan-dahan niyang ipinihit ang ulo para lamang mapanganga ng makita kung sino ang nagmamay-ari ng baritonong boses na iyun. "Oh my!" Adonis..may Adonis sa hardin.. Mula ulo hanggang paa,mula paa hanggang ulo ay pinagsawa niya ang kaniyang mga mata na pagmasdan ang Adonis na nasa kaniyang harapan..Matangkad ito..siguro baka hindi pa siya umabot sa balikat nito,ang matangos nitong ilong,mapupulang labi,ang mga matang tila nangungusap.. ..May moreno itong balat na nanginngintab sa pawis at bahagya pa na tumutulo ang butil-butil nitong pawis sa mukha at sa bahaging katawan nito lalo na sa parteng bahagi paibaba na..oh gosh!para siyang hihimatayin,ang sarap sigurong makulong sa mga bisig at matitipuno nitong dibdib..Hmmm..naku naman!gusto na niyang punasan ng kaniyang kamay ang pawis nito sa bandang tiyan at sa abs nito,s**t!makalaglag panty naman uy!Bahagyang napakagat-labi siya. Perfect!Tall,dark and handsome iyun ang pinakatamang description niya sa lalakeng kaharap.. Napaka-hot naman nitong tingnan sa suot nito na leather brown boots at faded pants na bumabakat sa mamasel nitong mga binti,nakasuot ito ng pang cowboy hat at nakahubad-baro na kitang-kita ang maganda nitong pangangatawan..Cowboy na cowboy ang dating ng lalakeng ito.. Hmmm..sa hinuha niya katatapos lang nitong mag horse riding dahil hawak pa ng isang kamay nito ang gloves at saka pawisan pa ang lalake..kahit na pawisan ito mukhang napakabango at malinis pa rim itong tingnan hindi katulad ng ibang lalake kapag pawisan na nakakadiri ng tingnan pero ang lalakeng ito,Oh s**t! hot na hot pa rin... "Hindi ko alam kung dapat ko bang isipin na pinagnanasaan mo ang katawan ko sa uri ng pagkakatitig mo sa akin kanina pa.." "Huh!"nahimasmasan siya ng muli itong magsalita. "Napakabata mo pa para isipin ko ang bagay na iyun hindi ba?" Napalunok siya ng laway..medyo namula ang magkabilang pisngi niya dahil nakaramdam ng kunting pagkapahiya sa lalake..kunting hiya lang talaga?pagkatapos mong mag-enjoy at pagsawaan tingnan ang katawan nito talagang kunting hiya lang ang naramdaman mo..bulong niya sa sarili. Ngunit bandang huli ay bigla siyang sumimangot dahil katulad ng kaniyang ina ang tingin din sa kaniya ng lalakeng ito ay bata pa..Saan banda ba kasi yung sinasabi ng mga ito na bata pa siya..bulag ba ang mata nito at hindi nakikitang hindi na siya bata..papunta na nga siya sa pagkadalaga..or pwede naman sabihin dalaga na siya dahil iyun naman talaga eh!or dalagita lang pero huwag naman bata..kailangan pa ba niyang ipagsigawan na hindi na nga siya bata.. Nakakainis naman! "Pick that flower if you want.."anito sabay talikod. "Huh!" Nakasimangot pa rin na sinundan niya ng tingin ang lalakeng papalayo kahit naman back nito malakas pa rin ang hatak ng attraction..Mapapa-wow ka na lang talaga!na-stuck up ang utak niya at wala man lang namutawing mga salita mula sa kaniya habang kaharap ito,nakakatigagal kasi ang kagwapuhan nito..hindi katulad ng mga kaklase niya na marami din naman mga gwapo pero iba ang dating ng lalakeng iyun kumbaga sa lahat ay"special".. "Sino kaya yun?"tanong ng kaniyang isipan. Hmmm...hindi naman pala lugi na isinama siya ng mga magulang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD